Prologue

22.5K 331 10
                                    

"What if, you and I were meant to part ways, only so that we could find each other again" - unknown

*****

"I am very sorry, Stevie. But this is for the better." There's a conviction of Juanczo's voice upon saying that words to her.

Napamaang siya sa tinuran ng kasintahan. Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa magaganda niyang mga mata.

"Y-you're impossible Juanczo!" Mariin niyang sabi sabay sampal sa pisngi ng nobyo.

Hindi man nito deretsahang sinabi na mas pinipili nito ang political ambition nito over her ay ganoon na rin ang nais nitong ipahiwatig base na rin sa naging sagot nito sa kanyang tanong.

She can't believe that after all the things and the love they shared together, ay mas pinili pa rin nitong pakawalan siya ng ganon na lang. Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya para dito, ganito pa ang igaganti nito!

Nanlulumong napaupo siya sa visitor's chair sa harapan ng mayor's table habang impit na lumuluha.

Si Juanczo naman ay nagtatagis ang mga bagang at parang hindi naman ininda ang malakas niyang pagkakasampal dito. Marahan itong naglakad patungo sa bintana bago nagsalita muli nang nakatalikod na sa kanya.

"Y-you can leave now Stevielyne. I already instructed my personal pilot to fly you back to Manila." He said coldly.

She grinned with bitterness. Marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha at kinalma ang sarili.

Nanlalambot man ang kanyang mga tuhod ay pilit niyang pinatatag ang pagtayo bago muling binalingan ang nakatalikod na si Juanczo.

"I-I guess this is really g-goodbye." Pilit niya ring pinatatag ang kanyang boses. Then she walked towards to the door slowly with a heavy heart. "Nice meeting you Mayor Juanczo or should I say Senator Juanczo?" She said sarcastically before leaving the Mayor's office.

Sobrang sikip ng kanyang dibdib habang mabibilis ang mga hakbang palabas ng Municipal hall ng Dingalan dahil sa pagpipigil ng kanyang mga luha na nais na naman bumagsak.

Ayaw niyang may kahit sinong makakita sa ka-miserablehan niya ngayon. Dahil siguradong magiging trending siya sa lahat ng social media kung makakaagaw siya ng atensiyon sa kalagayan niya ngayon.

Sapo-sapo ang kanyang bibig ay tinalunton niya ang daan patungo sa open field kung saan naroon ang helipad ng munisipyo. Nang makarating sa chopper na maghahatid sa kanya sa Manila ay mabilis na siyang sumakay doon.

Hindi naman obvious na pinaghandaan niya ang hiwalayan namin. Nasasaktang sabi niya sa isip kahit may pakiramdam na rin naman na siyang ganito ang kahihinatnan ng kanilang pag-uusap.

Pagkaupong-pagkaupo niya sa kinauupuan ay doon lamang niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang bumagsak.

Wala na siyang pakielam kung hindi pa man siya nakakapag-seatbelt ay naramdaman na niyang tumataas ang sinasakyang helicopter. Ibinuhos niya ang lahat ng sakit at sama ng loob habang patuloy pa ring humahagulgol.

Ito ang napapala niya sa labis na pagmamahal kay Juanczo. Nasayang ang isang taon nilang pagiging magkasintahan ng dahil lamang sa pagiging makasarili nito at pagiging ambisyoso.

Bakit pa kasi ikaw ang minahal ko!

Tahimik niyang sermon sa sarili.

"Pwede bang patahimikin mo yang babaeng 'yan, Roman? Nakakarindi! Ang ingay!"

Natigagal si Stevie nang marinig ang nagsalita sa harapang bahagi ng sinasakyan.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing hindi ito ang personal pilot ni Juanczo. May kasama pa itong isa ring lalaki na ngayon ay may nakakalokong ngisi sa mabalbas nitong bibig.

Napalitan ng matinding takot ang kanyang nararamdaman ng makitang mabilis na dumukwang palapit sa kinauupuan niya ang lalaking may balbas na nagngangalang Roman. Hindi siya agad nakahuma dahilsa bilis ng mga pangyayari. Mabilis ang kilos nito kaya naman hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa.

A red handkerchief is now covering her nose and mouth. Nasamyo niya ang wirdong amoy noon na nagpahilo sa kanya.

Naramdaman na lamang niya na unti-unti ng dumidilim ang kanyang paningin. Ngunit bago pa siya lamunin ng kadiliman ay narinig pa niyang nagsalita ang isa sa mga lalaki.

"Matutuwa nito si Boss. Malaki-laki ang bonus natin niyan!"

A/N Kasalukuyan ko pong ine-edit ang ilang chapters. Wag na po magtaka kung magkakaroon ng mga kaunting pagbabago. Salamat po.

Ang The Mayor po ay pangalawa ko pa lang na story. Ang una po ay Victims Of Love. Make sure din po na mabasa niyo ang VOL para maka-relate kayo sa ibang scenes dito sa The Mayor. ☺️

And please support me by following me and hitting the 🌟 button below on this chapter and in every chapter. Salamat po.♥️

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon