Villain's Chapter (spg)

8.6K 132 3
                                    

"Paano kung mag-file nga siya ng candidacy?" Tanong ng babae sa kanyang asawa habang minamasahe ang balikat nito.

"Then so be it." Sagot naman nito. Sumimangot ang babae sa narinig at sumama ang tingin sa nakatalikod na kausap.

"Magiging mabigat niyong kalaban ang partido nila. Kaalyado pa nila ang presidente, honey." Kunwaring malambing nitong sabi ngunit matatalim naman ang mga tingin.

"Ako pa rin naman ang nangunguna sa performance sa mga senador base sa survey hindi ba? And you know my ways kung alam kong nasasagasaan na nila ako. Besides, isa lamang siyang baguhan sa pulitika at baka nga wala pa sa one forth ng suporta ko ang makuha niyang suporta kung sakali." Mahinahong sabi ng senador.

Nagpupuyos ang kalooban ng babae sa naging pahayag ng asawa. Hindi siya kuntento sa ganoong sagot.
Mukhang kailangan na niyang simulan ang nabuo nilang mga plano bago pa man mahuli ang lahat at masayang ang kanilang pinagpaguran.

Kailangan niyang manigurado kahit ilang buwan pa ang bibilangin bago ang susunod na eleksiyon. Walang pwedeng humadlang sa kanilang maiitim na balak.

****
Nagpalinga-linga muna sa paligid ang babae at sinigurado munang walang makakakita sa kanya bago pumasok sa loob ng isang itim na itim na kotse.

"Nagawa mo na ba ang mga iniuutos ko sayo?" Tanong ng babae sa lalaki pagkatapos niyang makasakay sa kotse nito. Nanatili lamang silang nakahinto roon katulad ng dati sa tuwing magkikita sila.

"Kakapick-up ko palang. Fresh from China." Nakangising sagot ng lalaki sabay turo sa kahon na nasa back seat na naglalaman ng importanteng package.

Ngumisi na rin ang babae at malanding tumawa.

"That's what I like about you, sweetheart. Napakabilis mong kumilos." Malanding sabi ng babae sa lalaki habang hinihimas-himas ang hita nito.

"Kelan ba naman kita binigo, sweetheart hmmm?" Sagot naman ng lalaki at dumukwang sa babae at mabilis itong sinibasib ng halik sa leeg.

Nakikiliti namang humahagikgik ang babae sa ginagawa sa kanya ng lalaki.
Lalo pa nga at dumadapo na ang mga kamay ng lalaki sa maseselang parte ng kanyang katawan. Ibang-iba talaga itong mang-romansa hindi katulad ng kanyang huklubang asawa.

Napahalinghing ang babae ng maramdaman ang dila ng lalaking naglalakbay na sa kanyang balat.
Ganito sila lagi sa tuwing nagkikita ng palihim. Pero bago pa man may mangyari muli sa kanila ng lalaki ay kusa ng bumitaw ang babae kahit tutol ang kanyang kalooban.

"Baka maamoy ako ng asawa ko." Malandi pa ring saad ng babae at inayos ang nagusot na damit.

Halatang nabitin ang lalaki sapagkat madilim na madilim ang anyo nito.

"Putang-ina naman _ _ _ _ _ _ ! Ang tagal na natin 'tong ginagawa! Ngayon mo pa ba 'ko bibitinin? 'tang-ina naman o!" Galit na sabi ng lalaki sabay hampas sa manibela.

"Sweetie, calm down. Do you want me to do your head instead?" Nang-aakit na tanong ng babae sabay pisil sa pagkalalaki ng kalaguyo. Ayaw niyang sumasama ang loob ng lalaki sa kanya.

"Kailangan pa bang itanong yan? Syempre gusto ko!" Iritado namang saad ng lalaki. Kaya binilisan na ng babae ang kilos at ibinigay sa lalaki ang nais nito.

Ilang segundo lang ang lumipas at nasasarapang ungol na lang ng lalaki ang maririnig sa loob ng itim na kotse.

                            ****
"What do you want me to do, Ate?" Tanong ng nakababatang kapatid ng babae sa kabilang linya.

"Nasaan ba ang utak mo ha? Kaya nga kita pinadala diyan para makatulong sa mga plano natin! Hindi para tanungin ako ng tanungin kung ano ang gagawin mo! Godammit!" Singhal ng babae sa kanyang kapatid. Sandali muna itong natahimik bago muling nagsalita sa kabilang linya.

"A-ate I'm just asking. Ayaw ko lang kumilos ng hindi mo alam."

Pinaikot ng babae ang kanyang mga mata sa ere sa sobrang iritasyon na nadarama. Nakapa istupida talaga ng kanyang kapatid. Manang-mana sa ina nila.

"Basta gawin mo lang ang dati ko ng inutos sa'yo. At huwag na huwag kang magpapahuli naiintindihan mo?" Muling singhal ng babae at pinatayan na ng telepono ang kausap.

"Why are you shouting again, Mom?" Nakasimangot na tanong ng anak ng babae.

Marahas siyang lumingon dito at nangambang baka narinig nito ang pinag-usapan nila ng kapatid niya.

"Sino bang kausap mo, Mom?" Muli nitong tanong sa babae.

"I-it's nothing, hija. It's just one of our stupid employee." Malambing na tugon ng babae sa anak nito saka hinaplos-haplos ang mahaba nitong buhok.

Napakaganda talaga ng kanyang mga anak. Manang-mana sa kanya. Kaya hindi siya papayag na mapunta ang mga ito sa kung sino lang na lalaki.

"Where's your Ate by the way." Tanong ng babae.

Maarteng itinirik ng anak nito ang mga mata saka sumagot.

"As usual. Kasama na naman niya ang mga cheap niyang friends. Eewww!" Maarte nitong sabi.

"It's okay, hija. Mas gaganda ang image ng Daddy niyo kapag nakikita ng mga taong marunong tayong makipagkaibigan sa mga basurang  mahihirap na yan."

"Duh! Well, not me, Mom. Magkukulong na lang ako dito sa bahay kesa makipagkaibigan sa mga pulubing 'yon."

Agad naman niyang sinaway ang anak.

"Ssshhhh.. lower down your voice. Baka may makarinig sa'yo." Pinanlakihan niya pa ito ng mata.

"Sorry, Mom. But I can't be like you and Ate. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa kanila."

"Yeah. I know, sweetheart. Pero kailangan mo pa ring ipakita sa kanila na kaya mong makibagay. Election is nearly coming. So we need to be as plastic as possible para makakuha ng mas maraming suporta ang Daddy niyo."

"Whatever." Inis namang saad na lang ng anak niya at nilayasan na lang siya basta.

Frustrated naman siyang nakatingin sa kasasara lamang na pinto ng kanilang kwarto. Sa dalawa talaga niyang anak, ito ang pinaka matigas ang ulo at pinaka mahirap pasunurin. May pinagmanahan naman kasi ito ng ganoong ugali.

Kailangan pa naman nilang magbait-baitan muli para makita ng mga tao na sincere sila sa pagtulong sa mga ito. Para din naman sa mga ito ang kanilang ginagawa. At para na rin mabawi nila ang yaman nilang inangkin ng pamilya ng asawa niya.

Napilitan lamang siyang magpakasal sa kanyang asawa noong ginawa siyang kabayaran ng kanyang mga magulang sa pagkakautang ng mga ito. Biyudo ang kanyang asawa ng pakasalan niya ito at may isa lamang na anak na babae sa namatay nitong asawa na kinaiinisan niya ng sobra.

Isa pa kasi itong makakahadlang sa mga plano nila ng kanyang kalaguyo. Pero naghihintay pa sila ngayon ng tamang tiyempo para tuluyan na nilang maisakatuparan ang kanilang plano.

May mala-demonyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi ng maisip na naman ang kanilang mga binabalak....

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon