Villain's Chapter

5.5K 125 0
                                    

"Good job, Lucilla." Nakangising wika ni Lorena sa kapatid na nasa kabilang linya. "I'm glad that finally ginamit mo na din yang utak mo."

-kailangan ko ng magmadali, Ate. Hindi na ako pwede magtagal dito. Siguradong alam na nila ang ginawa ko.-

Kahit hindi nakikita ni Lorena ang kapatid ay sigurado siyang nangangarag na naman ito at tarantang-taranta. Nagmana talaga ito sa kanilang ina.

"Don't worry. On the way na si Fabio para sunduin ka diyan."

-thanks, Ate. Bye.-

Malademonyong ngisi ang namutawi sa mga labi ni Lorena nang muling balingan ang mga CCTV monitor sa kanyang harapan. Ngunit sa iisang monitor lang nakapako ang kanyang tingin.

Mula roon ay nakikita niya ang babaeng wala pa ring malay hanggang ngayon habang kinukuhanan ng video ng kanyang tauhan.

Ise-send niya ang video na iyon kay Mayor Juanczo Vergara. Ang mahigpit na makakalaban ng kanyang asawa sa pagka-senador.

May pinidot siyang buton at nagsalita sa maliit na mikropono.

"Tama na 'yan, Roman. Bring that camera to me at nang mapaikot na natin ang pwitan ni Mayor."

Nakangisi namang nag-thumbs up sign si Roman at nawala na sa monitor. Ilang saglit pa ay nasa silid na rin ito kung nasaan siya.

"Ihanda niyo na rin ang mga package. Gagamitin na natin iyon mamaya." Utos niya rito.

"Masusunod, boss." Nakangisi pa ring tugon ni Roman sa kanya. "Nga pala boss. Nasaan na yung pangako mong bonus?" Dugtong pa nitong sabi na tumigas na ang anyo.

Katulad niya ring tuso ang kanyang mga tauhan. Ayaw na ayaw papalamang.

Kinuha niya sa loob ng bag ang check book niya at nagsulat doon ng halagang napag-usapan nila.

Maluwang ulit ang pagkakangisi ni Roman ng makita kung magkano ang isinulat niyang halaga doon.

Ngunit isang putok ng baril ang umalingawngaw na nagpawala sa ngisi nito.

Nakatihaya na itong nakabuwal sa sahig na bahagya pang nangisay bago nawalan ng buhay.

Isang tama ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay nito.

Lorena blow the smoke in the muzzle of her hand gun after he killed Roman.

"No one can take my money away from me, asshole! No one!" She said and shoot the man again on his chest where his heart is.

She called out another goon to throw away Roman's body.

Pagkatapos maialis ang bangkay ng kanyang tauhan sa kanyang harapan ay tinawagan niya ang kanyang asawa para ipagbigay-alam ditong hindi na makakabalik dito ang bodyguard nitong si Roman.

Mabuti na lamang at hindi na nag-usisa ang kanyang asawa. Napakadali talaga nitong mapasunod.

Sumunod niyang tinawagan ay si Fabio. Her body is aching for him.

"Baby..nasan na kayo?"

-Nasa Nueva Ecija pa lang kami.-

"Please be here quickly. I want you, baby." Malandi niyang wika kay Fabio.

Narinig niyang bahagya itong natawa sa sinabi niya.

-Ilang oras pa bago kami makarating diyan, baby.-

"Kaya nga make it fast. I'm already wet alam mo ba?"

Natawa na naman ang kausap niya sa kabilang linya.

Ilang minuto pa silang nag-dirty talk bago niya pinutol ang kanyang tawag.

Nakita niya kasi sa monitor na nagigising na ang kanilang bihag.

Nagsindi muna siya ng sigarilyo bago nagpasyang puntahan si Stevielyne Alonzo. Ang kasintahan ni Mayor Juanczo Vergara.

"Nagkamali ka ng kinalaban, Mayor."

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon