Chapter 23

6.3K 190 4
                                    

Stevie's

"Ang problema kasi sa mga Vergara, masiyado silang malilinis. At kapag masiyado kang malinis, napakadali mo ring madumihan. And even if how much powerful and influencial people they are, once na ginamit mo na laban sa kanila ang kanilang kahinaan, titiklop at titiklop ang mga yan."

Mababanaag ang galit sa mga mata ni Lorena habang nagsasalita.

"Huh! And you think I am Juanczo's weakness? Good luck." Patuya niyang sabi. Nagawa nga siyang ipagpalit nito sa pulitika eh.

Hindi naman pinansin ni Lorena ang sinabi niya at nagpatuloy pa rin sa pagkwento. Sa lahat yata ng kidnappers ito ang pinakamadaldal.

"Juanito Vergara was the current Mayor of Dingalan back then. And my husband Jaime was his Vice Mayor. Monique couldn't bare another child and I used that weakness to seduced her husband Juanito because he is eager to have another child. So when Floren came, I forced and threatened him to take care of our daughter so I can use her to execute my plans. Our plans. Luckily his brother Raymundo and it's wife Rebecca doesn't have a child. So he made his family believed that Floren was just an adopted daughter of the two. Little did they don't know na isa ring tunay na Vergara si Floren. Na bunga siya ng pagtataksil ni Juanito kay Monique. Lahat ng mga lalaki ay may kahinaan, Miss Alonzo. Babae ang kahinaan ni Juanito. Katulad ng anak niyang si Juanczo. And yes, Miss Alonzo. You are Juanczo's weakness." Lorena said with a devilish grin on her lips.

Mapakla siyang natawa at napailing-iling sa mga naririnig. Hindi niya alam na isa pa lang ampon si Floren and all along alam pala ng mga Vergara lahat 'yon.

Wala naman kasi sinasabi sa kanya si Juanczo. Siguro ay ayaw lang ng mga ito na mag-iba ang tingin ng mga tao kay Floren sapagkat nakatira tayo dito sa mundong maraming mapanuring mga mata at mapanghusgang mga bibig.

Nag-aalala siguro ang mga Vergara na maging tampulan ng panunukso si Floren kung kaya't hindi rin nila ipinagsabi na isa lamang itong ampon. Na lingid sa kanilang kaalaman ay isa naman palang tunay na Vergara ayon nga sa babaeng ito na kausap niya.

Ang gulo!

At kung totoo ngang siya ang kahinaan ni Juanczo kaya siya ang napiling kuhanin ng mga ito laban dito, sana naman ay gumawa ng paraan ang binata upang iligtas siya.

Alam naman niyang mahal siya nito ngunit naiipit ito sa isang sitwasyon na siya rin ang may kagagawan. Naging selfish siya at mas iniisip lamang ang pansarili niyang kapakanan.

Ngayon lamang niya napagtanto kung ano ang mga ipinaglalaban ng binata kung kaya't ang buhay pulitika nito ang pinili kesa sa kanya. Sapagkat kung ang mga katulad nga naman ng mga Gonzalez ang patuloy na nakaupo sa pwesto ay hindi uunlad ang bansa. Now she clearly understand him.

"B-but why did you do that? May galit ka ba sa pamilya nila?" Tanong niya kay Lorena makalipas ang ilang sandaling katahimikan kahit may hinala na siya kung para saan lahat ng ito. Kung hindi pera ang habol nito ay kapangyarihan. This woman is obviously a greedy person who doesn't know how to be contented.

"Galit is an understatement, my dear." Matalim na mga matang sagot ni Lorena. "Napopoot ako sa kanila! They ruined my family's life. Nang dahil sa kanila maagang namatay ang mga magulang namin ni Lucilla!." Pabulyaw na nitong sabi sa kanya. Punong-puno ng poot ang mababasa sa mukha nito.

"Lu-lucilla?" Sigurado siyang kilala niya ang tinutukoy nito at hindi nagkataon lamang na kapangalan ito ng sekretarya ni Juanczo dahil hindi iyon babanggitin ni Lorena sa kanya kung wala lang. Kinabahan siya para sa binata nang maisip ang mga posibleng gawin ng mga ito.

"Yes! Lucilla is my sister. The secretary of your beloved Mayor." May nakakalokong ngiti sa labi nito pagkasabi ng mga salitang 'yon.

Hindi siya agad makahuma sa dami ng kailangan niyang i-proseso sa kanyang isip. Sunod-sunod ang mga rebelasyon na kanyang nalalaman mula kay Lorena at humahalo iyon sa takot at kaba niyang nararamdaman.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon