Chapter 36

6.4K 172 16
                                    

Stevie's

Mistulang tumigil ang pag-inog ng mundo ni Stevie sa naging pahayag ni Juanczo. Her heart is beating erratically like it's coming out from her rib cage. She even hold her chest as if it will help her to calm her disturbed heart.

Ilang sandali siyang napatulala at pilit na ina-absorb ang ang mga narinig. Wala na din siyang ibang naririnig ngayon kundi ang malakas na tibok ng kanyang puso. Aasa na naman ba siya? What if ginagawa lang iyon ni Juanczo para lalo pa itong makilala ng mga tao? Pero iwinaksi din niya ang ganoong kaisipan. Juanczo is not the type of person who will use another person for his own good. Mas iniisip nito ang kapakanan ng nakakarami kaysa sa pansarili nitong interes. Kaya nga sila nagkahiwalay eh.

"Ayieeee!!!! Kilig much ako!!"

Tili ng kinikilig nilang kasambahay na si Rica ang pumutol sa pagkatulala ni Stevie. Ramdam din niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi sa naging pahayag ni Juanczo sa harap ng maraming manonood.

Nawindang talaga ang kanyang pagkatao sa narinig. Bakit naman kasi nito kailangang sabihin 'yon sa national TV?

"Shhhh! Napaka-kire mo talagang babae ka." Narinig niya saway ng Yaya Minda niya kay Rica habang apologetic ang mukha nitong nakatingin sa kanya. "Pasensiya ka na anak dito kay Rica ha. Alam mo namang fan na fan ito ng love team niyo ni Sir Juanczo eh."

Her Yaya Minda knows everything kaya halatang naiilang din ito. Lahat naman ng kasama nila sa bahay ay alam ng hiwalay na sila ni Juanczo. Sadyang wala lang talagang preno ang bibig ni Rica.

"Ay. Sorry naman Ma'am. Nakakakilig naman po kasi talaga si Ser Juanczo eh." Nahihiyang hingi ng paumanhin ni Rica sa kanya. Pero hindi pa din naaalis ang kilig sa itsura nito.

Well, she feels the same way too.

"It's fine. No worries." Kimi na lamang niyang sagot bago binalingan si Minda. "Aakyat na ho ako sa room ko, 'ya. Pakisabi na lang kina Mommy na baka hindi na ko mag-d-dinner. Busog pa kasi ako." Anya sa kanyang Yaya Minda sabay sulyap sa TV. Pero disappointed siya nang makitang iba na ang ibinabalita roon.

"Sigurado ka ba ha, 'nak? Pero ipagdadala pa din kita ng makakain mo mamaya ha." Malambing na sabi ni Minda.

"Kayo ho ang bahala. Sige po. Akyat na 'ko." Paalam niya.

Mabilis na siyang tumalikod at naglakad paakyat sa kanyang kwarto.

Ngayon lang din niya pinakawalan ang ngiting kanina pa niya pinipigilang ipakita.

What just happened?

Kilig na kilig niyang saad sa sarili habang umaakyat sa hagdanan. Did Juanczo really mean what he said on national tv? Totoo kayang mahal na mahal pa rin siya nito? And what does he mean when he said that he will do everything for her? May pinaplano kaya ito?

Excitement filled her senses. Hindi na tuloy mabura ang ngiti sa kanyang mga labi lalo na at naaalala niya kung gaano ka-sincere ang mukha ni Juanczo kanina habang nakatitig sa camera at nagpapahayag ng pag-ibig para sa kanya na tila ba siya talaga ang kinakausap nito. And she couldn't contain her happiness because of that.

Hanggang sa makapasok siya sa kanyang marangyang silid ay palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang nais iparating na mensahe sa kanya ni Juanczo. Nakangiti niyang isinara ang kanyang pintuan at sumandal roon with her dreamy glittering eyes.

Ngunit agad na napalis ang kanyang mga ngiti nang lumipat ang kanyang paningin sa mga maleta niyang nakahanda na sa gilid ng kanyang kwarto.

Aalis na nga pala siya bukas patungong Canada at doon pansamantalang maninirahan. Doon na rin niya ipagpapatuloy ang therapy session niya.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon