Chapter 33

6.2K 201 5
                                    

Juanczo's

Akala ni Juanczo ay tuluyan ng nawala sa kanya si Stevie nang maabutan nila itong wala ng malay kanina. Pero sa awa ng Diyos ay nagdilat ito ng mga mata at nagsalita.

Ngayon ay karga-karga na niya ito para ilabas ng building na iyon. Humupa na ang palitan ng putok at maraming katawan ng mga tauhan ni Lorena ang nagkalat kung saan-saan.

Ang iba naman ay napilitan na lang sumuko sa kanila. Marahil ay tanggap na ng ilang tauhan ni Lorena na walang laban ang mga ito sa Hidden Forces.

Pagka-akyat nila sa ground floor ay agad silang sinalubong ng grupo nila Sylvester. Si Steven Lo ay may bitbit ng stretcher. Nauna nang nagsabi si Caleb sa mga ito na kailangan nilang madala agad si Stevie sa hospital sapagkat wala pa din itong malay simula pa kanina.

Dahan-dahan niyang ibinaba sa stretcher ang buhat na dalaga. Hindi niya maiwasang kabahan para dito. Oo at nailigtas na nila ito pero nasa itsura ni Stevie na hindi maganda ang lagay nito.

"One two three up!" Rinig niyang sabi ni Steven sabay buhat nito ng stretcher kasama ang isa pang HF agent. Three other agents go with them.

Kahit gusto niyang sumama para bantayan ito ay hindi pa maaari sapagkat may isa pa siyang kailangang gawin. He needs to get her sister na hawak pa rin sa ngayon ni Lorena.

Ayon kay Bug kanina ay kasa-kasama ito ngayon ni Lorena at mukhang sinusubukan ng mga itong tumakas.

They can easily track Lorena's location because his father put a tracking device on her. His father needed to do some dangerous stunts to tricked that devil. Mabuti na lamang din at maayos na ang kalagayan ng kanyang ama ngayon.

*****

Lucilla's

"Ate wait!" Habol ni Lucilla sa kanyang kapatid na kasama si Floren. Pasakay na sana ang mga ito sa van na naghihintay sa labas.

Sinundan niya ang mga ito habang tumatakas palabas ng building.
Kailangan niyang gumawa ng paraan para pigilan ang kanyang kapatid. Hindi niya hahayaang may masaktan pa at mawalan pa ng buhay. Napakarami ng namatay nitong tauhan.

"Lucila?"

Bakas sa mukha ng kanyang kapatid ang pagtataka. Lumapit siya kay Lorena at tinignan ang kanyang pamangkin. Wala itong tigil sa pag-iyak at pagmamakaawa na pakawalan na ng ina nito.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap." Her sister asked.

"L-let me go, mom please." Muling pagmamakaawa ni Floren pero hindi man lang ito pinansin ng kanyang kapatid.

Sasagot na sana siya ng walang anu-ano'y humandusay na lang ang ilang tauhan ng kanyang Ate.

"Snipers!" Sigaw ng isang goon at pinagkukubli silang lahat.

Dala ng kanyang takot ay dumapa na lamang siya sa damuhan pero nagawa pa rin niyang tignan kung ayos lang ba si Floren at ang kanyang kapatid.

Kung saan-saan may tumatamang bala ng baril sa paligid. Habang ang mga tauhan ni Lorena ay isa-isa na ring tumutumba hanggang sa silang tatlo na lamang ang natitira. Siya, si Floren at si Lorena.

"Ahhhhh!!!!!" Histeryang sigaw ni Lorena pagkakita sa mga tauhan na mga wala ng buhay.

*****

Juanczo's

"The game is over, you bitch!" Ani Juanczo kay Lorena.

Lumitaw siya mula sa pinagkukublihang pader kasunod sina Sylvester, Caleb at ilan pang HF agents. Mga nakatutok lahat ang baril nila sa direksiyon ni Lorena.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon