Chapter 12

6.9K 173 2
                                    

Stevie's

Agad na tinungo ni Stevie ang reception area ng DK Hotel And Suites matapos makalapag ng sinasakyang helicopter sa helipad ng DKRC.

And as usual, bawat madaanan niyang mga tao ay napapalingon sa kanya. Hindi dahil isa siyang kilalang tao o sikat na tv personality, kundi dahil sa angkin niyang kagandahan na mala-diyosa ang dating.

She walks with confidence and elagance wearing her little white eyelot off-shoulder Prada dress at tinernuhan niya iyon ng gladiator flat sandals na bagay na bagay sa kanyang above the knee dress. Naka-messy bun lamang ang kanyang buhok at light make-up lang din na ang inilagay niya sa kanyang mukha matapos niyang malaman na hindi pala gaanong gusto ng kanyang kasintahan ang mga babaeng may make-up sa mukha.

"Ahm, Hi Miss. I'm here to meet Juanczo Vergara." Aniya sa receptionist na halatang natulala ng makita siya. Pati na rin ang isa pa nitong kasamang babae ay mga pawang kinikilig pagkakita sa kanya.

"Ah lumabas po si Sir Juanczo mga isang oras na ang ho ang nakalipas Ma'am Stevie." Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ng receptionist na ayon sa nameplate nitong suot ay Grace ang pangalan. Nagnining-ning ang mga mata nitong titig na titig sa kanya. "Pero ipinabibigay niya ho ito sa inyo once na dumating daw kayo Ma'am." Sabay abot nito ng isang black DK keycard na may naka-embossed na pangalan ng kanyang kasintahan.

"Oh,okay. Thank you, Grace." Magiliw niyang wika rito matapos kuhanin ang iniabot nitong keycard.

"It's Sir Juanczo's exclusive DK access card Ma'am. You can also use that to pay bills inside the premises of DKRC."
Singit na saad naman ng isa pang receptionist na Lei naman ang nakasulat na pangalan sa nameplate.

"Wow! Really?. That's nice." Mangha niyang tugon sa mga ito.

"Pinapasabi rin ho pala ni Sir na pwede na kayo tumuloy sa suite niya and that card has an access to his private suite Ma'am Stevie." Ani Grace na halatang nakikipagpaligsahan kay Lei ng pagpapapansin sa kanya.

"Alright then. Saan ko ba makikita ang private suite ni Mister Mayor para masubukan ko na 'tong DK card na ito." Aniyang naaaliw sa dalawang receptionist.

Hindi na rin siguro nakatiis ang mga ito at humiling na muna ng selfie sa kanya.

"Ah Ma'am Stevie? Pwede ho ba kaming magselfie kasama ka? Idol na idol ka kasi namin nitong si Lei. Follower niyo po kami sa IG and Twitter. Sobrang fan po kami ng mga dance cover niyo." Nahihiyang saad ni Grace.

"Tama po si Grace Ma'am Stevie. Inaabangan nga po namin na gumawa ka na rin ng sarili mong YouTube Channel eh. Sinusundan po namin ang journey niyo with Versatile Movers." Singit muli ni Lei.

"Thanks guys. It means a lot to me na may mga supporters akong kagaya niyo. Kung wala kayo, hindi ko naman maaabot kung nasaan man ako ngayon. And I would love that idea of having a YouTube channel also. But unfortunately, I don't have much time to do it." She humbly exclaimed. "Where's your camera then? C'mon let's take some selfies." Masaya niyang saad sa mga ito.

Nagmamadali namang kinuha ng mga ito ang kanya-kanyang cellphone at kumuha ng ilang pictures kasama siya.
Natutuwa siyang malaman na kahit pala dito sa DKRC ay may mga supporters siya at ang kanyang grupo.
Sa mga ganitong pagkakataon niya mas napapatunayan na hindi siya nagkamali sa larangang pinili niyang pasukin. Ngunit katulad ng iba pang celebrity ay may mga haters din siyang matatawag. Nakakaranas din siya ng mga pamba-bash mula sa mga taong minamata ang kanyang trabaho. But she doesn't mind them at all. Because she believes that her life and job is not for others to decide. She doesn't need their opinions. Even her parents can't force her to work on their own company.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon