Chapter 38

6.1K 140 1
                                    

Stevie's

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi na namalayan ni Stevie na naka-dalawang linggo na pala sila dito sa Kelowna.

Matamlay siyang nakaupo sa magarbo nilang living room habang nanunuod sa Netflix. Nakatutok ang kanyang mga mata sa TV pero wala naman doon ang kanyang isip.

Kanina pa siya matamlay simula noong nanggaling siya sa airport at inihatid ang kanyang mga magulang.

Bakit?

Ngayon kasi ay mas ramdam na ramdam niya kung gaano kalayo ang Pilipinas kung saan naroon ang kanyang totoong kaligayahan.

She turned her gaze from the television to her smartphone when she received an email from Mama Luisa. Her handler when she was still in showbiz.

She lazily opened the email and read it. It was the usual mail that Luisa is constantly sending to her over the past month na sinasabing nakahanda lang lagi ang Studio Nine at VMPH Management sa pagbabalik niya. Basta magsabi lang daw siya kung handa na ba siyang tumanggap muli ng mga projects.

She took a deep sigh and close her email. Alam niyang si Juanczo ang may kagagawan kung bakit kinukulit na siya ni Luisa. Nakonsensiya siguro ang loko noong basta na lamang siyang paalisin sa pag-aartista at pagsasayaw pero sa huli ay nagkahiwalay lang din naman sila. At dahil nga sa labis na pagmamahal niya kay Juanczo ay napilitan siyang sundin ang gusto nito noon. Na nauwi lang sa wala.

And speaking of that handsome devil. Sunod-sunod ang notifications na nag-pop up sa top screen ng cellphone niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang mabasa kung ano ang mga notifications sa kanyang IG. Nag-heart react daw si Senator Juanczo Vergara sa mga posts niya. Wow ha. Senator na talaga gamit niya. Parang hindi siya sanay. Mas nasanay kasi siyang Mayor ang tawag dito.

Pero ano na naman kaya ang nais nitong ipahiwatig ngayon at nag-re-react pa sa mga posts niya? Dati ay may pasabi-sabi pa ito sa national tv kung gaano siya nito kamahal pero hanggang ngayon naman wala pa ring ginagawang aksiyon. Tapos ngayon magpaparamdam na naman sa kanya. Pero hindi niya pa rin maiwasang kiligin kaya nga sobrang lakas ng tibok ng puso niya ngayon. Hindi niya alam kung sa sobrang saya ba o ano. Basta!

Napahawak na lang siya tuloy sa kanyang dibdib habang tinitignan ang mga recent posts niya kung saan nag-react si Juanczo. Mga posts lang naman niya yon sa mga nakaraang activities niya dito sa Casa Catalina.

Naging libangan na niya sa maghapon ang maglibot-libot sa buong property nila at makihalubilo sa mga trabahador sa vineyard.

Ang payo kasi ng Doctor na nag-sasagawa ng therapy sa kanya ay kailangan niyang libangin ang kanyang sarili sa mga masasayang bagay na nakapagpapagaan ng mood niya. Kaya ginawa niya ang matagal na niyang gustong gawin sa tuwing bibisita sila dito sa Kelowna.

Gustong-gusto niya noong tumulong sa mga trabahador nila sa vineyard pero hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang at baka raw mapano siya. May pagka-over protective din kasi talaga ang kanyang mga magulang kung minsan. Hindi rin naman niya masisi ang mga ito dahil unica hija nga naman siya kaya minsan talaga ay mahigpit sa kanya ang mga magulang lalo pa nga at hindi na pwedeng magbuntis pa muli ang kanyang mommy dahil mahina ang puso nito.

Kaya nga madaling nagkapalagayan ng loob ang mommy niya at ang mommy ni Juanczo noon dahil parehas ng sitwasyon ang dalawa na hindi na maaari pang manganak muli dahil sa kondisyon ng puso nila.

Sa pag scroll-scroll niya ng kanyang mga posts ay hindi niya namalayang nandoon na siya sa part ng masaya pa silang magkasama ni Juanczo sa mga pictures. Their first months together. Na akala niya ay magtutuloy-tuloy na.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon