Chapter 35

7K 190 7
                                    

Stevie's

After election...

Stevie is standing in front of Dark Knights Arena thinking whether she'll go inside or not. Kasalukuyang nagaganap ang wedding reception ng mag-asawang Jazon at Margaux sa loob. It's their second wedding matapos magkahiwalay ng dalawa.

"I will let you go there at your friend's wedding pero pababantayan kita kay William at magsasama kayo ng mga bodyguards."

Hindi niya magawang tumutol sa kondisyon ng kanyang ama upang makadalo siya sa kasal nina Jazon at Margaux.

Napakarami nang nagbago sa kanyang buhay pagkatapos ng kidnapping incident na kanyang naranasan. Hanggang ngayon ay sumasailalim pa rin siya sa isang psychological treatment upang tuluyan na siyang maka-move on sa kanyang traumatic experience sa kamay ni Lorena Gonzalez.

Kasalukuyan ng napakapiit sa bilangguan ang asawa nitong si Jaime Gonzalez at si Lorena naman ay tuluyan ng bumigay ang katinuan kaya naman sa isang mental institution facility na ito inilagak.

Nagpapasalamat siya dahil sa wakas ay nagbayad na ng kasalanan ang mga ito. Pero mas ipinagpapasalamat niya na tumupad ang mga Vergara ng hilingin ng kanyang pamilya na ilihim sa publiko ang nangyari sa kanya. Hindi na rin niya kinailangang um-attend sa mga hearings sapagkat sapat na ang mga ebidensiyang napasakamay nila. Kasama na doon ang lahat ng CCTV footage na nakuha sa hide out nila Lorena na naglalaman ng lahat ng pag-amin nito sa lahat ng kasalanan nito.

Malaking tulong din sa kaso ang paglabas ni Lucilla bilang testigo sa lahat ng katiwalian ng mga Gonzalez. Lucilla also handed out their lawyers her cellphone and flash drives containing the evidences of Jaime's multiple unlawful deeds.

Nagsilabasan din ang iba pang mga tao na naagrabyado ng mga Gonzalez na lalong nagdiin laban sa mga ito.

Dahil sa nangyari ay mas lalong umingay ang pangalan ng kanyang dating nobyo na si Juanczo sa buong Pilipinas at nakuha nito ang simpatya ng buong sambayanang pilipino. Kaya naman hindi rin nakapagtataka na ito ang nangunang senador sa katatapos lamang na halalan.

Masaya siya para kay Juanczo at natupad na nito ang pangarap nitong magkaroon ng mas mataas na posisyon. But at the same time, nasasaktan siya sa isiping masaya na ito kahit wala na siya sa tabi nito.

Ilang beses din niyang iniyakan ang naging desisyon ng kanyang mga magulang na layuan na ito at ang mga Vergara. Kahit anong tutol niya noon sa mga magulang ay hindi pinakinggan ng mga ito.

"I'm sorry, anak. Pero iniisip lang namin ang mas makakabuti para sa'yo."

There's a finality in her Dad's voice.

"Hindi niyo man lang ba ako hahayaang makapagpaalam sa kanya ng maayos, Dad?" Umiiyak niyang sabi. Gusto rin sana niyang magpasalamat sa pagligtas nito sa kanya sa kamay ni Lorena pero mukhang hindi na niya mababali pa ang desisyon ng kanyang mga magulang.

"Stev, anak. Intindihin mo naman sana kami ng Daddy mo. This is for your own good. Hindi ko na kakayanin pa kung muli ka pang mapapahamak." Her mother said.

Somehow, she understands where her parents coming from. At hindi rin naman siya nakakasigurong may babalikan pa ba siya kay Juanczo. Kaya mabigat man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Para tuloy muling nagkapira-piraso ang kanyang puso habang papalayo na ang kanilang sinasakyang eroplano na maghahatid sa kanila pa-Manila.

Sa pangalawang pagkakataon ay nagdesisyon na naman siyang layuan si Juanczo.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon