Chapter 41

6.4K 163 6
                                    

Stevie's

Magical. Romantic. The best adjectives to describe sa mga effort na ginawa ni Juanczo para kay Stevie.

Simula kanina noong nagpanggap itong guest sa Casa Catalina hanggang sa nakakakilig na panghaharana nito sa kanya dito sa Okanagan Lake saksi ang iba't-ibang tao na may iba-iba ring lahi.

Kapwa sila humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Wala pa sana siyang balak pakawalan ang mga labi nito pero naririnig na nila ang hiyawan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Sa labis niyang saya ay nakalimutan niyang nasa public place nga pala sila ni Juanczo.

Namula pa ang kanyang mukha sa hiya nang makitang nakatutok pa rin sa kanila ang ilang cellphones ng mga kinikilig na saksi sa ginawang pag-awit ni Juanczo. Wala pa rin tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Nagtaas na lang siya ng tingin sa kasintahan na hindi maikakailang masayang-masaya at may ngiti ng tagumpay sa mga labi.

Marahang pinunasan ni Juanczo ang luha sa kanyang pisngi nang makitang basang-basa na noon ang kanyang mukha.

"Stop crying, my love." Paanas na wika ni Juanczo. He even kissed her eyes to dried up her tears.

"Ikaw kasi eh. Pinapakilig mo 'ko ng husto. 'Yan tuloy." Pagbibiro na lamang niya but in the back of her mind ay gustong-gusto na niyang magtatalon sa labis na tuwa at kaligayahan.

"Te qiuero mucho, Señorita." (I love you very much.) "Bumabawi lang ako sa mga pagkukulang sa'yo noon at sa mga panahon na dapat ginawa ko rin ang mga bagay na ito."

Madamdaming pahayag ni Juanczo habang hindi inihihiwalay ang tingin sa kanyang mga mata.

"I love you too, Juanczo. At hindi mo naman kailangang bumawi dahil para sa'kin sapat nang nandito ka ngayon sa tabi ko." Tugon niya.

Muli pa silang nagsalo sa isang napakahigpit na yakap kapagkuwan ay inalis na ni Juanczo ang gitarang nakasukbit dito at inilapag sa kanilang picnic blanket. Ang mga nakikiusyoso sa kanila ay isa-isa na ring nagsihulasan.

Maya-maya ay nabulabog ang lahat ng mga paparating na ingay.

Paglingon nila sa lawa ay may limang jet ski pala ang nandoon at bawat isa ay may sakay na nakahubad-baro na mga lalaki. Board shorts naman ang pang-ibaba ng mga ito at lahat ay may suot-suot na goggles sa mata. They looked all familiar to her. Pero dahil may kalayuan kung nasaan ang mga ito ay hindi niya matanto kung kilala niya ang mga nakasakay sa jet ski.

"Cool." Wika niya ng kumikilos na ang mga jet ski in synchronized motion.

Namangha rin siya nang humiwalay ang nasa magkabilang dulo na jet ski and do some stunts na nagpa-wow sa lahat ng taong kasama niyang nanonood.

"May kukuhanin lang ako ulit sa sasakyan." Paalam ni Juanczo sa kanya at hinalikan muna siya sa kanyang sintido bago umalis sa kanyang tabi.

Hindi na niya sinundan ng tingin ang kasintahan sapagkat naaaliw siyang panoorin ang mga jet ski na gumagawa ng iba't-ibang stunts sa ibabaw ng tubig.

Mayroon pa kasing lumilipad sa ere habang umiikot-ikot at napakahusay na muling paglanding sa tubig.

"Wow!" Komento niya habang manghang-mangha pa rin sa napapanood. Alam niyang may mga ganitong activity sa lawa pero ito pa lang ang unang beses niyang masaksihan ang ganitong uri ng palabas. Napaisip tuloy siya kung anong meron ngayong araw.

Ang alam kasi niya ay sa tuwing may special event lamang ginagawa ang ganitong uri ng palabas.

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng pagtatanghal ng mga nakasakay sa jet ski. Kanya-kanya na ring balik ang mga tao sa kanilang mga ginagawa.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon