Juanczo's
"I heard about your new girl, hijo. It's Stevielyne Alonzo right? The granddaughter of late Emily Panganiban?"
"Yes, Dad."
"And when are you planning to bring her here? Para ma-meet na rin namin siya ng personal. Sa TV at sa mga kwento lang nila Mrs.Panganiban lang namin siya kilala ng mommy mo."
"Some other time, Dad. Stevie is a busy person as I am."
"Buti naman napag-isip-isip mo na ring itigil ang pakikipag-date mo sa kung kani-kanino at finally nag-girlfriend kana rin. At napakahusay mong pumili, anak. Stevielyne came from a well respected family."
"I think it's love at first sight, Dad."
"Oh! Tinamaan ka na din ni Kupido The Great huh. Well, it's nice to see na magkakaroon ka na rin ng babaeng tatayo sa tabi mo. Ang kasikatan niya bilang celebrity. We can use it. We can also use your love story para mas mag-boom ang pangalan mo sa puliti---
"No, Dad! I'm not gonna use her for my political career. She deserves more than that."
"Dos, anak.. as a politician, you know that kind of mentality, yan ang magpapatalo sa'yo. Hindi masamang manggamit tayo paminsan-minsan ng tao para--
"Dad, stop!!! Stevie is my girlfriend. Show her some respect! At uulitin ko, hindi ko siya gagamitin para lang mas gumanda pa ang buhay pulitika ko."
"I'm just suggesting an option, anak. If you're planning to file for a senatorial candidacy, you have to be resourceful. Gamitin lahat ng pwedeng magamit. I'm sure ganoon din ang isa-suggest ng campaign manager mo."
"Stevie is not part of an option, Dad! Yes! I would be happy to see her standing right beside me during campaigns but I will not use her name just to get more supporters."
IPINILIG ni Juanczo ang ulo ng maalala ang naging pag-uusap nilang yoon ng kanyang ama ilang araw bago siya bumalik dito sa Zambales.
Masuyo niyang hinahaplos ang mamula-mulang pisngi ng kasintahan na mahimbing pa ring natutulog sa kanyang tabi.
Ipinangako niya sa sariling hindi siya tutulad sa kanyang pinsan na ngayon ay miserable dahil nagawa pa nitong gamitin ang asawa para sa pansarili lamang nitong interes.
Hinding-hindi siya papayag na gamitin nila si Stevie para lang gumanda ang image niya bilang pulitiko. Naniniwala siya sa kanyang kakayahan at ipinaglalabang adhikain kaya naman hindi na kailangan pa na manggamit pa ng kung sino man.
Kaya nga napagdesisyunan niyang dalhin na lamang ito dito sa isla sa halip na ilibot sa DKRC para na rin makaiwas sa mga matang mapagmatyag.
Dito kasi sa DK Island ay tahimik at inirerespeto ng mga naninirahan dito ang privacy ng mga bisita. At gusto niya rin munang makasama ito kahit dalawang araw lang sapagkat alam niyang magiging busy na naman siya sa mga susunod na araw. Yun nga lang, dahil isa siyang lingkod bayan, kailangan niya pa rin magtrabaho kahit wala siya sa munisipyo. Kaya maya't-maya pa rin ang tawag niya kay Lucilla para sa mga ilang updates.
"Hmmm". Mahinang ungol ni Stevie palantandaang magigising na ito. May nakahanda ng ngiti sa kanyang mga labi ng magmulat ito ng mga mata.
Matagal-tagal din itong nakatulog kaya madilim na sa labas. Sakto lang din ang gising nito dahil ng bumaba siya kanina, malapit ng matapos ang inihandang hapunan para sa lahat nila Mang Lito.Tradisyon na nilang mga taga DKRC ang magpa-boodle fight sa tuwing bibisita sila sa DK Island. Paraan na din kasi nila ng pasasalamat iyon dahil hinayaan ng mga naninirahan dito na ipangalan sa kanila ang naturang isla.
BINABASA MO ANG
The Mayor
RomansaMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...