Chapter 16(SPG)

9.2K 172 4
                                    

Kinahapunan ay napagpasyahan na ngang bumalik nina Stevie at Juanczo sa DKRC dahil nakatanggap si Juanczo ng tawag mula kay Klyde na mayroon daw urgent meeting ang mga ito mamayang gabi.

Agad naman silang dumiretso sa private suite ng kanyang kasintahan para makausap muna nila si Jazon bago sila maghiwa-hiwalay bukas. Nais rin niyang malaman ang side nito tungkol sa nangyari dito at sa kaibigan niyang si Margaux.

Naabutan nila itong may kausap sa cellphone nito. At base sa narinig niya ay mga magulang ni Margaux ang katawagan nito at panay ang hingi nito ng tawad.

Hindi pa niya ito personal na kilala dahil sa magazines at business articles lamang niya ito nakikita noon.

Habang hinihintay nilang matapos makipag-usap si Jazon sa cellphone ay inabala muna niya ang kanyang sarili sa pag-check ng kanyang email gamit ang laptop ng kanyang kasintahan. Kailangan niya kasing i-check ang daily reports ng The Club BGC.

Naramdaman niyang tumabi sa kinauupuan niya si Juanczo at kinintalan siya ng halik sa balikat.

Sleeveless summer dress ang suot niya kaya ramdam na ramdam niya ang libo-libong boltahe na dumaloy sa balat niya ng dumapo ang labi nito sa kanyang balikat. May kakaibang kiliti na hatid ang labi nito sa tuwing madidikit ang labi nito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang "make-out" nila kahapon sa isla. At may pahabol pa bago sila matulog kagabi. Agad na nag-init ang kanyang katawan ng maalala ang tagpong iyon.

"Don't go outside while I'm gone okay?" Malamyos na tinig ni Juanczo sa kanyang tenga sabay dila ng dulo noon. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito.

"You're cousin's here, babe. Pwedeng mamaya mo na lang ako landiin ha. And I need to check the daily reports pa diba." Mariin niyang bulong dito at pasimple itong kinurot sa braso. At ang hudyo nagnakaw pa ng mabilis na halik sa labi niya bago ito tatawa-tawang tumayo.

"Promise yan ha, mamaya. Wala ng bawian." Nanunudyo pa nitong sabi sa kanya.

Sa inis niya ay binalibag niya ito ng throw pillow. Nag-aalala kasi siyang baka narinig ito ni Jazon na nasa malapit lang. Si Juanczo naman ay parang walang nangyaring binalingan ang pinsan na nakatahimik na ngayon na nakasandal sa bar counter habang tinititigan ang cellphone nito. Tapos na pala itong makipag-usap.

Isinara muna niya ang laptop para lumapit sa dalawa at magpakilala sa asawa ni Margaux.

"Hi. I'm Stevie. Margaux's friend." Sabay lahad niya ng kamay kay Jazon. Tinanggap naman nito iyon at malungkot na ngumiti kapagkuwan ay bumaling ito kay Juanczo at ibinigay dito ang cellphone na hawak.

"Lahat ng tanong mo about Andrea, masasagot diyan. Maiwan ko na muna kayo dito." Saad lang nito at pumasok na sa silid na inuokopa nito.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito at napatingin siya sa hawak na cellphone ni Juanczo. Nagtatanong ang kanyang mga mata sa mga nangyayari.

What is going on? And who the hell is Andrea?

Seryoso lang kasi si Juanczo habang nakatingin sa cellphone ni Jazon. Kapagkuwan ay kinuha ang kanyang kamay at hinila siya papasok sa isa pang silid sa suite nito.

Tahimik lamang siyang naghihintay ng sasabihin o gagawin ni Juanczo habang nakaupo sila sa kama. Until he pressed Jazon's phone and a recorded voice filled the room.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon