Chapter 27

5.9K 192 2
                                    

Juanczo's

"I thought we're leaving. Ano pang hinihintay natin?" Inip na tanong ni Juanczo kay Caleb.

Hindi siya mapakali sapagkat kinakabahan pa rin siya sa naging huling pag-uusap nila ng kidnapper ni Stevie. Hindi malayong totohanin nito ang banta once na makahalata ito sa mga plano niya.

Mas lalong lumakas ang hinala niyang kampo nila Senador Jaime Gonzalez ang may hawak kay Stevie sapagkat pinipilit ng kausap niya kaninang isama ang kanyang ama sa pakikipagkita sa mga ito.

Ayaw na nga sana niyang isama ang Daddy niya ngunit nagpumilit pa rin ito kahit na nga ba anong pakiusap nila.

"Kung si Lorena nga ang may pakana nito, mas dapat akong sumama. Mas gugustuhin ko ng ako ang mapahamak kaysa sa'yo, anak. Malaki ang galit niya sa pamilya natin. Specially sa Tita Ofelia mo. Pero ako at ikaw lang naman ang hinihingi niyang kapalit ni Stevie, then so be it."

Naalala niyang wika ng kanyang ama sa kanya kanina.

Sa huli ay wala na silang nagawa at pumayag na rin na sumama ito. Nauna na itong lumipad patungong Cebu kasama ng iba pang Hidden Forces Agents katulad ng kanilang plano.

"We're waiting for someone." Said Caleb seriously while scrutinizing his AS50 Sniper Rifle.

Bukod sa galing ni Caleb sa pagpapalipad ng iba't-ibang uri ng mga sasakyang pang-himpapawid ay isa rin itong napakahusay na Sniper.

"Thanks for coming man."

Napalingon siya sa kanyang likuran ng marinig magsalita si Sylvester. Mukhang dumating na ang hinihintay nila. He felt relieved dahil makakaalis na sila sa wakas.

Pero laking gulat niya ng makita si Steven Lo na papalapit sa kanya. At kasama pa ang pinsan niyang si Jazon Chan.

"You gotta be shitting me." Bulalas niyang saad. Hindi niya inaasahan na ang mga ito pala ang kanilang hinihintay. Lalong-lalo na si Jazon? As far as he can remember si Klyde lang ang tangi niyang pinagsabihan para ialerto ito sa mga pwedeng mangyari.

"What the hell, Jazon? Alam ba ni Margaux na andito ka?" And who told you about this?" Sunod-sunod niyang tanong sa pinsan. Pero hindi niya maalis sa sariling matuwa sa kaalamang marami siyang makakatulong sa pagsagip kay Stevie.

"Tita Monique told me and also Klyde. And yes, Margaux knows about this. She even threatened me na kapag hindi natin naibalik ng maayos si Stevie, wala ng second wedding na magaganap. Can you believe that?" Exclaimed Jazon.

Napailing-iling na lang siya sa sinabi nito. Though sa isip-isip niya ay malaking tulong din si Jazon sa kanilang misyon sapagkat alam niya ang mga kakayahan nito. He and Jazon are both martial artists. Pareho din silang may alam sa paghawak ng baril.

"Kamusta, VP?" Bati naman sa kanya si Steven Lo.

Tinanguan muna niya ito bago sumagot.

"Thanks for coming here also." He felt an urge to thank this man dahil nakakasiguro siyang matutulungan sila nito pata mailigtas si Stevie. Though he doesn't know Steven's expertise. Hindi niya rin sigurado kung isa rin ba itong Hidden Forces Agent.
Kay Mauricius Klyde kasi ito mas close kaya wala siyang masiyadong alam dito. Hindi na rin niya pinakielaman ang background nito. He trust Klyde of choosing who will be part of DKRC team.

"He's not an HF kung 'yon ang nasa isip mo." Saad ni Sylvester pagkatapos ay sinenyasan na silang lumakad patungo sa Seahawk helicopter na maghahatid sa kanila patungong Cebu. "Move your asses! Let's go! Let's go!"

Marami pa sana siyang nais itanong sa mga bagong dating ngunit ikinibit-balikat na lamang muna niya at mas nag-focus sa kanilang gagawing misyon na pagsagip kay Stevie.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon