Dedicated to my sister ladyziggy♥️
Juanczo's
"Who's this baby, Dad, Mom?" Tanong ng trese anyos na si Juanczo sa kanyang mga magulang.
Katatapos lamang nilang mangabayo ng pinsang si Jazon at pagkauwi nga nila sa mansiyon ay nakita niyang may kilik-kilik na sanggol ang kanyang ina.
"Her name is Floren, anak. She is your cousin. Your Tito Raymundo and Tita Rebecca will be her parents from now on." Magiliw na sagot sa kanya ng kanyang ina.
"Floren is my surprise gift to your Tito and Tita this Christmas, anak." Nakangiti ding wika naman ng kanyang ama.
His forehead automatically creased upon hearing that words.
"So she's an adopted child?" He asked. Being a smart teenager, alam niya ang ibig sabihin ng mga ito.
Nagkatinginan muna ang kanyang mga magulang bago sumagot.
"Yes, hijo. But promise us na hindi mo ituturing na iba sa'tin si Floren ha." Sagot ng kanyang ina habang inihehele ang sanggol na kilik.
"Hi baby Floren. Welcome to the family." Singit naman ng kanyang pinsan na si Jazon na nasa kanyang tabi at nakikinig lang sa kanilang usapan. Lumapit pa ito sa sanggol at hinalikan sa noo.
"Why don't you say hi to Floren also, hijo?" Giit ng daddy niya sa kanya sa nakitang magiliw na pagbati ni Jazon sa sanggol.
Ikiniling niya ang kanyang ulo bago sumagot.
"She is just a baby. She wouldn't know if I greet her also or not." Tila inip niyang sabi. "But yeah, welcome to the family." He said like a mature man talking.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti sa mga labi ng kanyang mga magulang sa sinabi niya.
Pagkatapos ay nagpaalam na sila ni Jazon sa mga ito upang maglinis ng kanilang mga sarili.
Tuwing bakasyon ay sinusundo nila si Jazon sa Manila upang dito manatili sa kanilang hacienda sa Dingalan, Aurora.
Gustong-gusto kasi ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang mommy na andito si Jazon sapagkat sabik ang mga ito na magkaroon muli ng anak.
Ngunit sa kasawiang palad ay hindi na maaaring magbuntis muli ang kanyang ina sapagkat nagkaroon ito ng tinatawag na sakit na *Peripartum Cardiomyopathy.
Nakuha ito ng kanyang ina bago pa lamang siya ipanganak. At delikado na dito kung magbubuntis pa itong muli dahil maaari nitong ikamatay ang sakit.
Present
"I was thirteen years old when my Dad brought a baby in our house. An adopted child of my Tito Raymundo and Tita Rebecca." Juanczo continue explaining to Stevie's parents. "And then one time, I saw my Dad talking to Lorena Gonzalez outside the gate. I got curious what was the wife of vice mayor doing outside our house so I went close to them and eavesdropped." Patuloy muli ni Juanczo
"I'm telling you, Juanito. Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Hindi mo alam ang mga kaya kong gawin!"
Rinig niyang sabi ni Lorena, ang asawa ng Vice Mayor na si Jaime Gonzalez."Ano pa bang gusto mo, Lorena? Sa Vergara na nakapangalan ang bata." Sagot naman ng daddy niya sa kausap.
Lalo siyang nagtaka sa takbo ng usapan ng mga ito kaya mas lalo pa siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga nag-uusap upang mas marinig niya ang mga ito ng maayos. Ngunit sinuguro niyang hindi siya makikita ng mga ito sa kanyang pinagkukublihang halamanan.

BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...