Lorena's
Flashback
"Tinanggap muli kita at pinatawad sa ginawa niyong panloloko sa'kin noon ni Juanito. Pero yung patitirahin mo pa dito sa bahay natin ang bunga ng pagtataksil mo sa'kin? No! Hinding-hindi ko papayagang tumira dito kasama ng mga anak natin ang bastarda mo!" Galit na saad sa kanya ng asawang si Jaime. Madiin ang bawat bigkas nito ng mga salita at halatang hindi nito nagustuhan ang kanyang mga sinabi."Okay! Pero huwag mo akong pipigilan na puntahan siya sa Japan! She's still my daughter!" Mariin niyang sabi. Hindi niya papayagang hindi mapuntahan ang anak. Higit sa lahat hindi niya papayagang maunsiyami na naman ang kaniyang plano.
"Bahala ka sa kung anong gusto mong gawin, Lorena! I have more important things to do than having conversations like this to you! A-attend pa 'ko ng debate mamaya. Pero mukhang dito pa lang sa bahay nagsimula na ang debate." Iritadong tugon ni Jaime sa kanya at padaskol na nilayasan siya sa kanilang silid.
Matalim ang mga tingin niya sa pintuang nilabasan ni Jaime.
"Ahhhhhhhh!!!!" Nanggigigil niyang ibinato ang nahagip ng kanyang kamay na flower vase sa pintuan.
Galit na galit niyang kinuha ang cellphone sa bag at tinawagan ang kalaguyong si Fabio.
"Ihanda mo na lahat ng kakailanganin natin, Fabio. Simula na ng aking paghihiganti!"......
Present
"Matuto kang sumunod sa pinag-usapan natin, Mayor. Dahil kung hindi alam mo na ang gagawin ko sa kasintahan mo!" Gigil na saad ni Lorena kay Juanczo Vergara. Ang lakas ng loob nitong bantaan din siya! Pwes! Makikita niya. Balak niyang sorpresahin ito ng isa pang alas niya.-you know what? Wala ka naman alam kundi manakot eh ha! Huwag kang mag-alala. Makukuha mo na ang gusto mo mamaya.-
Sagot nito sa kabilang linya. Napangisi siya sa narinig. Mukhang nasindak naman pala ito sa kanya.
"Good. Good. Masunurin ka naman pala sumunod, Mayor. So pa'no. See you later."
Saad niya dito sabay patay ng telepono."You're talking to him again?"
Napaigtad siya ng biglang magsalita sa kanyang likuran si Fabio. Umikot siya dito paharap at binigyan ito ng napakatamis na ngiti. Malapit na nilang makamit ang tagumpay--ang katuparan ng kanilang mga plano.
Agad niyang sinalubong ng mapusok na halik si Fabio ng makalapit na ito sa kanya.
"Don't tell me pinagseselosan mo na din ang anak ni Juanito." Malandi niyang wika kay Fabio matapos niyang bitawan ang mga labi nito. Pinaglalandas pa niya ang kanyang mga daliri sa mukha nito habang namumungay ang mga mata.
"Why not? Mas bata at mas gwapo sa'kin 'yon Lorena. Kay Juanito nga nagpabuntis ka pa eh." Iritadong tugon naman ni Fabio. Napaka seloso talaga nito.
"I thought we both agreed with that? Besides that was a long time ago and that was part of our plan right, baby?" Malambing niyang sabi para hindi na nila muli pang pag-awayan ang bagay na 'yon.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya na iritado pa din ang mukha.
"Paano kung pumalpak ang plano?" May pangamba sa boses na saad ni Fabio.
Kumunot ang noo niya sa narinig. Hindi kasi siya sanay na kakikitaan ng pag-aalala si Fabio. Palagi itong sigurado sa mga ginagawa at malakas ang tiwala nito sa sarili. Parang ibang Fabio ang nakikita niya ngayon.
"Magtatagumpay tayo, sweetheart. Sinisiguro ko 'yan sa'yo." Mariin niyang sabi. Hinding-hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...