Special Chapter

11.2K 234 33
                                        

Nag-angat ng tingin si Stevie nang basta na lamang may umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harapan.

Nasa loob siya ngayon ng DK Coffee Shop habang hinihintay na matapos ang kanyang asawa na si Juanczo na kasalukuyan ngayong nasa meeting kasama ng iba pang DKRC members.

"Klyde?" Gulat niyang tanong ng mapagsino ito. Hindi ba dapat ay nasa meeting din ito?

"Yeah. It's me. Sorry kung naistorbo kita." Tugon naman ni Klyde na may malungkot na anyo. Nanlalalim din ang ilalim ng mga mata nito na halatang kulang sa tulog, gayunpaman ay hindi pa rin nakabawas ang mga eyebags nito sa angking kagwapuhan ng binata.

"How are you? Ba't wala ka pala noong kasal namin?" Tanong niya rito. Huling kita niya kasi kay Klyde ay noon pang kasal nina Jazon at Margaux na ginagap din dito sa DKRC. Nagtataka rin siya kung bakit hindi ito ang kinuhang best man ng asawa niya sa halip ay si Jazon na lamang.

"I-I was there actually. Hindi lang talaga ako nagpakita sa inyo ni J-juanczo."

Her forehead automatically creased.

"Ha? But why?" Naguguluhan niyang tanong. Napapansin niya nga rin na hindi na ito madalas kausap ni Juanczo hindi katulad noong magkasintahan pa lang sila na halos araw-araw ay magkausap sa telepono ang dalawa at dinidiscuss ang mga business reports nila.

Huminga muna ng malalim si Klyde bago siya sinagot.

"Juanczo and I are not in good terms actually." Malungkot na ani ni Klyde.

Lalo naman kumunot ang kanyang noo sa narinig. Hindi niya alam na may hindi pala pagkakaunawaan ang dalawa.

"Care to tell me why? I mean anong pinag-awayan niyo ng asawa ko?"

Matiim na tumitig si Klyde sa kanya na parang nag-aalinlangan pa kung sasagutin ang tanong niya.

"That's the main reason why I'm here, Stevie."

May hindi maipakilalang emosyon sa mukha ng binata habang nakatunghay sa kanya. Nailang siya sa uri ng pagkakatingin nito kaya naman nagbawi siya ng tingin.

"Sige makikinig ako." Aniya.

Ilang beses muna itong humugot ng malalalim na hininga bago nagsimulang magsalita.

"It all started when I talk to Juanczo about my feelings for the woman I love." Klyde started to confess.

Ayaw man niya, but she felt uneasy the way Klyde is looking at her. Parang alam na rin kasi niya tinutumbok ng mga salita nito. But she let him continue anyway.

"Hindi ko sinasadyang mainlove sa babaeng 'yon. Hangga't maaari ay pinigilan kong mahulog ang loob ko sa kanya. Pero iba talaga pag tinamaan ka ng pana ni Kupido."

Oh my God! Siya ba ang tinutukoy ni Klyde? Kaya ba nagkagalit ito ang asawa niya dahil nainlove sa kanya si Klyde? Kaya ba OA ito kung makadikit sa kanya noong kasal nina Margaux at Jazon?

"Hindi ko intensiyong saktan ang best friend ko, Stevie. Pero hindi ko kayang manatili kaming ganito kaya nga sa'yo na ko lumapit kahit na nga ba pinagbawalan na 'ko ni Juanczo na kausapin ka. Pero mababaliw na ko, Stevie kung hindi 'ko 'to masasabi sa'yo---

"Klyde stop!" Putol niya sa nais pang sabihin ng binata. Isang kataksilan ang mga pinagsasasabi nito sa kanya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Klyde, mag-asawa na kami ni Juanczo at kita mo nga oh, buntis na ko sa panganay namin. So stop! Nagmamahalan kaming dalawa ng kaibigan mo, Klyde. Huwag ka namang ganyan." Parang gusto niyang mag-hysterical habang nagsasalita. "You're impossible, Mr. Klatten. Paano mo nagawa 'yon sa matalik mong kaibigan? Ang dami-daming babae diyan. Bakit ako pa?" Galit niyang sabi.

"What!?" Malakas na tanong ni Klyde dahilan upang mapatingin sa kanila ang mga tao sa loob ng DK Coffee Shop.

Nalito naman siya sa naging reaksiyon ng binata na para bang isang napaka-imposibleng bagay ang mga sinabi niya para dito.

"Stevie, no! Mali ka ng pagkakaintindi! You're not the woman I love. Her name is Izzabella Marie Gonzalez. Jaime Gonzalez's first born."

"What!?"

Siya naman ngayon ang hindi makapaniwala sa narinig. God! Nakakahiya! Nag-assume siyang siya ang tinutukoy ni Klyde.

"You heard me right, Stevie. Anak ni Jaime Gonzalez ang tinutukoy ko at hindi ikaw. Jeez! How did you come up to that idea? That's absurd! Wala akong balak na taluhin ang best friend ko." Klyde exclaimed.

Napamaang siya ng ilang saglit at pilit inaabsorb ang mga narinig.

"Izzabella Gonzalez?" Ulit niya sa pangalang binanggit nito. Kilala naman niya ang tinutukoy ni Klyde. Pero paanong naging ito at si Klyde?

"Galit na galit sa'kin ang asawa mo noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa'min ni Izzabella. At hindi niya matanggap na nagmahal ako ng isang Gonzalez. Ang anak ng mortal niyang kaaway at ng pamilya niya." Malungkot na hayag ng binata.

"So anong kinalaman ko sa inyo ni Izzabella?" Tanong niya. Para kasi sa kanya ay labas na siya kung anong meron sa dalawa. At tungkol naman sa asawa niya, hindi niya hawak ang damdamin ni Juanczo. Masiyadong maraming kasalanan sa pamilya nito ang mga Gonzalez kaya siguro hindi nito matanggap na isa pang Gonzalez ang minahal ng matalik nitong kaibigan.

"Please, Stevie. Kausapin mo naman si Juanczo. I've tried so many times to talk to him but he always finds a way to avoid me. So please. Nakikiusap ako sa'yo, Stevie. Kausapin mo si Juanczo. Baka sakaling makinig siya sa'yo. Hindi ko kasi alam kung makakaya ko bang mawala sakin si Izza. Mahal na mahal ko siya. At hindi siya katulad ng pamilya niya. Isa siyang mabuting tao, Stevie. Kaya pakiusap. Tulungan mo ko kay Juanczo. I don't wanna choose between them."

Nararamdaman niya ang sinseridad sa tinig ni Klyde.

"Naaapektuhan na rin ang club dahil sa hindi namin pagpapansinan. At ayokong dumating kami sa punto na kalimutan na lang ang pagkakaibigan namin." Patuloy pa nito.

She inhaled deeply to help her think kung ano ba ang pwede niyang maisagot sa kaharap. In a way ay nakikita niya ang sarili niya dito noong nahihirapan na siya sa piling ng asawa. Pero magkaiba naman ang kanilang sitwasyon. Kung tutuusin ay napakadali lang para sa isang normal na lalaking nagmamahal na piliin ang babaeng mahal nito. Pero nakikita niya kay Klyde kung gaano nito pinapahalagahan ang mararamdaman ng kanyang asawa.

"Okay. Let me see what I can do help. Ayoko rin naman na mawalan ka ng happy ending. Kaya tutulungan kita sa asawa ko."

Nagliwanag ang mukha ni Klyde sa kanyang sinabi.

"Salamat ng marami, Stevie. It means a lot to me and Izza." May kagalakang pasasalamat ni Klyde sa kanya.

Lihim niyang nahiling na sana ay makinig nga sa kanya ang asawa at pabayaan ng lumigaya ang kaibigan sa piling ng mahal nito.

A/N
Finally natapos ko na po ang second story ko. Please subaybayan niyo rin po ang love story naman ng bff ni Juanczo na si Mauricius Klyde Klatten entitled The President. Salamat po.♥️

Support niyo po ako by voting every chapter ha. 🤗 Follow niyo na din po account ko. Thanks.☺️

PS: abangan niyo po sa THE PRESIDENT kung paano masusubok ang friendship ni Juanczo at Klyde at kung paano patutunayan ni Klyde ang wagas niyang pagmamahal para kay Izzabella.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon