8- Kiss

6.8K 209 14
                                    

Juanczo's is drooling while looking at the girl who's pacing towards to their reserved sits, where he is patiently waiting for almost an hour now.

Sa buong buhay niya ngayon pa lamang siya naghintay ng ganoon katagal lalo na sa mga naka-date niya dati. Buong akala nga niya ay hindi pumayag si Stevie na sumama kay Sylvester nang makisuyo siyang sunduin ito ng huli.

Nasiraan kasi ang sasakyan niya at hanggang ngayon nga ay nasa Silver Mechanicz pa rin ito. Pag-aari iyon ni Sylvester. A state of the art mechanical shop na mga kapwa lang nila mayayaman at may mamahaling sasakyan ang mga suki.

Nakahinga siya ng maluwag kanina ng tumawag siya kay Sylvester upang tanungin kung nasaan na ang mga ito. At sinabi nga nitong mukhang pumapayag naman si Stevie na sumama rito at makipagkita sa kanya.

Alam niya kung saan ito ipasusundo sapagkat nag-update ito sa Instagram kung nasaan ito kanina at pinakumpirma niya pa iyon kay Bryce Maverick na siyang CEO ng Studio Nine kung nasaan kanina sila Stevie. DKRC member din kasi si Bryce Maverick Gamboa.

"Hi! I'm glad you came, Stevie." Bati niya rito ng makalapit na ito sa kanya. Tumayo na rin siya at ipinaghila ito ng upuan sa katapat niya.

Langhap na langhap niya ang mabining amoy ng mamahalin nitong pabango. At sobrang ganda nito sa suot nitong white crop top in peach colored suit na nakasampay lamang sa balikat nito.

Ilang araw siyang naging busy kaya hindi man lang niya nagawang tumawag o magtext man lang dito. Dumagdag pa ang pinsan niyang si Jazon dahil nagkakaproblema ito ngayon at ang asawa nitong si Margaux.

"Well, I'm really surprised when I saw your "bodyguard" Sylvester that is impatiently waiting for me outside Studio Nine kanina." Binigyang diin pa nito ang salitang bodyguard at gumawa pa ng quotation marks sa ere ng sinabi iyon.

Mukhang nahalata na nito na hindi lang niya basta bodyguard si Sylvester. Sa katunayan ay member din ito ng DKRC at pinakiusapan lamang niya ito muna ang magbantay sa kanya sapagkat nag-leave ang isa pang pinagkakatiwalaan niyang bodyguard na mula sa pag-aari nitong secret security agency na Hidden Forces.

Iilan lamang kasi ang nakakaalam ng naturang agency. Mga nasa higher position lamang sa government ang nakakaalam at ilan sa mga mayayamang tao na ang Hidden Forces mismo ang nag-aalok ng serbisyo.

"I'm sorry for the late invitation, Stev. Hindi man lang kita na-inform na gusto kitang makita ngayon." Sagot niya rito habang nakatingin pa rin dito na punong-puno ng paghanga ang mga mata.

"What's with your bodyguard, Juanch? Napaka-misteryoso niya." Sa halip ay tugon naman ni Stevie sa kanya.

Ipinagsalikop nito ang mga kamay at ipinatong roon ang baba. Ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na naghihintay ng kasagutan ay waring humihila na naman sa kanya upang lalong mahulog dito. And yes, inamin na rin niya sa kanyang sarili that he is attracted to Stevie. And did she call him, Juanch? He finds it cute.

"I like that nickname. Kung sanang ganyan na lang ang ipinangalan sakin nila mommy." Tugon niya at sadyang inililihis ang usapan tungkol kay Sylvester.

"Why? What's wrong with your name? Junior ka diba? I see nothing wrong with your dad's name na Juanito. Ang cute nga eh. It suits you. Lalaking lalaki kasi pakinggan." Amused na sagot ni Stevie sa kanya.

Nalukot ang mukha niya. Kahit ano yatang magagandang comments ang marinig niya about sa Juanito na pangalan niya ay hindi pa rin niya ito magugustuhan. Mabuti na lamang din at hindi na ito muli pang nag-usisa tungkol kay Sylvester. Besides it's not his story to tell. Pasasaan ba at malalaman din ni Stevie ang tungkol dito.

Makalipas ang ilang saglit ay dumating na ang mga in-order niya kanina bago pa dumating si Stevie.

"I hope you don't mind." Tukoy niya sa mga pagkaing isa-isa ng nilalapag ng waiter sa table nila. "But if you want to order something, just tell them."

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon