Juanczo's
Juanczo, for a thousand times, can't help but to admire Stevie in her talent in dancing. Mas lalo pa yatang gumaganda ito habang sumasayaw. At sobrang proud siya para dito. No wonder na kinaiingitan nga ito ni Gabbrielle sapagkat na kay Stevie na nga yata ang lahat. Matalino, maganda, talented, mayaman at higit sa lahat may gwapong boyfriend.
Naks!
Stevie with the other girls, is dancing gracefully in the tune of Bon Appétit by Katy Perry.
[Kung gusto niyo po mapanood yung dance cover ni Stevie Doré ng Bon Appétit, watch niyo po sa itaas. Ganoon po yung sinayaw niya sa isla.]
Pati ang mga taga-isla ay hangang-hanga sa kanyang kasintahan habang sumasayaw. Parang gusto na nga niyang magselos sa mga kabataang lalaki na titig na titig kay Stevie habang sumasayaw.
Mabuti na lang at hindi naman kahabaan ang sayaw ng mga ito kaya agad din naman natapos. Hiyawan at palakpakan lahat kabilang na siya. Agad niya itong nilapitan at binigyan ng halik sa pisngi.
"You are so damn great, babe! Ngayon alam ko na kung bakit andami mong nagkalat na fans. Napakahusay mo!." Buong paghanga niyang saad dito.
"Thanks, my love." At nginitian siya nito ng nakakalusaw. Napakaganda pa rin nito kahit pawisan at nagpuro buhangin ang damit dahil may steps na kailangan nitong humiga-higa sa buhangin.
God! How could you be this charming and beautiful, my queen!
"Don't smile at me like that while we're in public, my queen. At baka hindi ko mapigil ang sarili ko." Pabulong niyang anas dito na ikinapula muli ng mga pisngi nito. Oh how he loves to see her cheeks turned red. So appealing to his eyes.
"Will you stop teasing me, Mayor. Gawain ba yan ng isang matinong lingkod bayan ha." Birong saway at pinanlalakihan siya ng matang saad naman nito sa kanya na ikinatawa niya. Kapagkuwan ay nagpaalam na sila sa mga tao upang mamahinga na. Plano niya kasing gumising sila bukas ng maaga para makita ang pagsikat ng araw. Ipapasyal niya rin ito sa farm katulad ng gusto nito.
Kinaumagahan nga ay maaga silang gumising para makita ang pagsikat ng araw. Pumunta sila sa pinakamataas na parte ng isla at doon nanatili ng ilang sandali.
"It's beautiful!" Bulalas ni Stevie na buong paghangang nakatingin sa araw na sumisikat sa silangan. Magkatabi silang nakaupo sa isang malaking bato.
"Sobrang ganda." Pagsang-ayon naman niya ngunit kay Stevie naman nakatingin.
It's indeed a beautiful sight. Pero mukhang wala ng mas gaganda pa sa kasintahan niya. Her beautiful face alone is picturesque that is worth saving to his gallery.
Ang sikat ng araw na tumatama sa balat nito ay nagbibigay ng kakaibang kinang sa natural nitong kulay. Maging ang buhok nitong mala ginto ang kulay ay mas naging makulay sa ibinibigay ng liwanag ng sikat ng araw. Banayad pa itong dinadala ng hangin kaya mas lalo iyong nagbigay ng mas kaakit-akit na tanawin. Kung pwede nga lang buong oras na lang niya ito titigan ay gagawin niya. Hindi ito nakakasawang titigan.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at mabilis na kinuhanan ito ng larawan. Sakto ang paglingon nito sa kanya ng i-click niya ang camera button.
Pinindot nito ang kanyang ilong dahil sa kanyang panakaw na pagkuha dito ng larawan."Alam mo minsan gusto ko ng mailang sa'yo. You keep on staring at me. Baka mamaya niyan matunaw na ko."
"I can't help myself. You're so beautiful, my queen. Where have you been all my life?." Sagot niya sabay kabig dito palapit sa kanya at hinagkan ang noo nito.
BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...