Chapter 40

6.8K 176 9
                                    

Stevie's

"Buenos dias, Señorita." Sabay-sabay na bati kay Stevie ng mga empleyado nila na nasa receiving area ng Casa Catalina.

"Buenos dias." Magiliw din naman niyang tugon.

Agad niyang nilapitan ang receptionist na si Simeonie na isa ring Filipina upang tanungin kung nasaan na ang kanilang guest. Pawang mga empleyado lamang kasi nila ang narito sa loob ng receiving area.

"Ahm, Simeonie. Nasaan na yung guest natin na i-a-assist ko?" Tanong niya.

"Ah, sa labas na lang daw po siya maghihintay, Señorita. Mukhang naingayan po sa ibang guests kanina dito sa loob eh. May mga kasama kasing mga bata yung mga mag-g-grape picking." Sagot ni Simeonie.

"Oh. Okay."

Bukod kasi sa wine tour na kanilang ino-offer sa Casa Catalina ay maaari ring mamitas ng ubas ang mga bisita pero limitado lamang ang kilo na pwedeng makuha at may designated area lamang sila na pwedeng pitasan ng ubas.

"I'll go ahead then, Simeonie." Paalam niya sa receptionist at nagsimula ng maglakad palabas ng receiving area nila. Pero muli nitong tinawag ang kanyang pangalan nang may maalalang sabihin sa kanya.

"Ah Señorita Stevielyne! Pinapasabi po pala ng guest na sa parking lot mo na siya puntahan. Magpapasama daw po muna siya sa'yo sa lake." Pahabol na wika nito.

Nagtataka siyang lumingon kay Simeonie.

"Lake? As in sa Okanagan Lake?" Takang tanong niya. Lalo tuloy lumakas ang kutob niya na kakilala niya din ang guest nila ngayon na kaibigan daw ni William.

"Yes, Señorita." Nakangiting sagot ni Simeonie.

She just shrugged her shoulders and continue walking out.

Hinanap niya sa parking lot ang pa-mysterious pa nilang guest na wagas din kung makapag-demand. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng inis. Summer pa naman ngayon kaya napakainit na gumala sa lake.

Iilan lang naman ang mga sasakyan na nakaparada pero agad na tumutok ang kanyang mga mata sa lalaking nakasuot ng itim na hoodie jacket. She rolled her eyes when she saw the DK imprint on the back of the jacket.

"Sabi ko na nga ba." Napapailing niyang bulong sa sarili.

Nakasandal patalikod sa kanya ang lalaki sa kulay matte gray na sasakyan nito na animo naligaw lang dito upang mag-jogging. Paano ba naman kasi ay naka-sweat pants lang ito plus the official hoodie jacket ng DKRC at rubber shoes. Oh! don't forget the white cap on his head. Dahil doon ay hindi rin niya agad makilala ang lalaki na parang may kausap sa cellphone nito.

Mas lalo siyang nainis dahil nasa dulo pa ng parking lot ito nagparada ng sasakyan at maglalakad siya hanggang doon. Hindi naman ganoon kalayo ang pinagparadahan nito ng sasakyan. Kaso lang kasi summer pa ngayon at ang init-init ng panahon kahit alas diyes pa lang ng umaga at maglalakad siya sa initan.

Naiinis na kinuha niya ang shades sa loob ng kanyang bag at isinuot iyon bago nagsimulang maglakad patungo sa nakakainis na DKRC member na 'yon. Napaka-demanding! Kung sino man siya!

Napataas ang kanyang kilay ng makilala niya kung anong sasakyan ang gamit ng kaibigan ni William-- na demanding. It's a Koenigsegg Trevita. Well, magtataka pa ba siya? Mayayaman naman lahat ng DKRC members kaya afford na afford talaga ng mga mokong ang mga ganitong uri ng mamahaling sasakyan.

Habang papalapit siya ng papalapit sa lalaki ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya sigurado kung dahil ba iyon sa hinihingal lang siya sa paglalakad sa initan o dahil ba sa habang papalapit siya sa lalaki ay parang nagiging pamilyar ang tindig nito sa kanya. Just like... Juanczo.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon