Chapter 21

6.8K 151 3
                                    

Juanczo's

Gustong-gustong habulin at sundan ni Juanczo kanina si Stevie matapos nilang maghiwalay. He wanted to take back his words and choose her. He wanted to take her back.

Litong-lito siya na hindi malaman ang gagawin. Kanina ay desidido na siyang tuldukan na lang ang kanilang pagsasama sapagkat nararamdaman niyang hindi na ito masaya sa kanilang relasyon.

Ayaw naman din niya kasi itong ikulong sa isang relasyon na hindi na ito masaya. Hindi rin niya kayang i-give up ngayon ang kanyang political career. Madaming nangangailangan ng kanyang tulong.

Gusto lang naman niyang ilayo si Stevie sa gulo ng pulitika. Lalo pa nga at hindi rin niya napigilan ang kanyang ama sa kagustuhan nitong bigyan ng kulay ang relasyon nila sa publiko para mas makilala siya ng tao.

Tutol pa rin siya ginawang iyon ng kanyang ama kaya nga sa tuwing may dadaluhan silang party ni Stevie kusa siyang lumalayo at dumidistansiya dito lalo na kapag may mga imbitadong pulitiko at kilalang mga tao doon.

Hangga't maaari ay gusto niya itong ilayo sa mundo ng pulitika. Lalo na nga at nalalapit na ang botohan. Panigurado ring lalabas ang kanyang mga kalaban. Gusto lamang niya itong protektahan.

Hindi naman niya akalaing mamasamain na pala iyon ng dalaga na humantong nga sa kanilang hindi pagkakaunawaan at paghihiwalayan. Kung sabagay ay wala naman kasi siyang sinabing dahilan dito sapagkat ayaw din niyang mag-alala ito sa kanya.

🎼
Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan

At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
Hindi alam kung sa'n tutungo


Mali nga yatang pinagsabay niya ang pakikipagrelasyon at ang kanyang pagseserbisyo publiko. He needs to sacrifice one thing. At yon ang pinakamasakit na parte ng kanyang buhay. Ang palayain ang kanyang kasintahan.

Kinausap na rin niya si Bryce Maverick at VMPH Management para muling payagan na bumalik si Stevie sa trabaho nito.

He knew he was being reasonable back then when he obliged Stevie to quit her showbiz career just because of his possessiveness.

Parang sasabog ang kanyang puso sa labis na nararamdaman na sakit ng kanyang dibdib.

Nanlulumo siyang napaupo sa kanyang swivel chair habang hawak-hawak ang larawan nito.

Marahas siyang napabuntung-hininga at pinanusan ang mga luhang dumaloy mula sa kanyang mga mata.

Stevie is her first love and first heartache. Ito lang ang tanging babaeng iniyakan niya sa buong buhay niya.

Kulang ang salitang nasasaktan sa kanyang nadarama ngayon. Daig niya pa ang namatayan ng mahal sa buhay sa paghihiwalay nila ni Stevie. Umalis itong kasama pati ang puso niya.

🎼

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Ohh oh oh

Kay bigat na ng damdamin
Bakit di pa natin aminin
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban.........

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon