Chapter 34

6K 251 18
                                    

Juanczo's

Bagsak ang mga balikat ni Juanczo habang naglalakad patungo sa silid na nakalaan para sa kanila ng pinsan niyang si Jazon.

Naabutan niya itong kausap si Margaux sa cellphone. Lulugo-lugo naman niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi niya na inabalang maglinis ng sarili sa labis na kalungkutan sa sinabi ng ama ni Stevie sa kanya kanina.

"Yeah-- Maayos na silang lahat-- Oo naman, babe. Hahahaha!-- Babe, wala nga akong kagalos-galos eh.-- Yeah so stop worrying. Juanczo is okay too.-- Umakyat lang kami sa pader and that's it. They never let me pulled a trigger.-- Alright, babe. 'have to hang up now. Good night.-- I love you more."

Tinigil ni Jazon ang pakikipag-usap kay Margaux ng makita siyang matamlay at malungkot na nakatulala lamang sa kisame ng kanilang silid.

"Hey. Akala ko ba maayos na ang lagay ni Stevie at ni Uncle Juanito. Why you're still sad?" Tanong sa kanya ng pinsan at umupo sa gilid ng kama.

He let out a deep sigh before answering Jazon. Bakas na bakas din ang kalungkutan sa kanyang mukha.

"Gusto ng mga magulang ni Stevie na tuluyan na akong lumayo sa anak nila." Walang buhay niyang saad. Napakabigat sa kanyang dibdib ang mga sinabi ng mga magulang ng dalaga.

Kung kailan kasi handa na niyang gawin ang lahat bumalik lamang muli si Stevie sa piling niya saka naman nagdesisyon ang mga Alonzo na ilayo na sa kanya ng tuluyan ang dalaga.

He even thinking of withdrawing his certificate of candidacy just to prove Stevie that he is serious of getting her back. Sa katunayan nga ay wala na din siyang balak tumuloy sa gagawin nilang míting de-abánse.

"Please, Dad. Don't do this to us. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Ang totoo nga po niyan, balak ko ng i-withdraw ang kandidatura ko dahil 'yon naman po talaga ang unang naging dahilan ng hindi namin pagkakaunawaan ni Stevie." He said trying hard not to blurt out in tears. Para kasing binibiyak ang puso niya sa naging pahayag ng ama ni Stevie. "At patawarin ho ninyo ako kung hindi ko natupad ang pangako kong hinding-hindi ko paiiyakin ang anak ninyo. Pero maniwala ho kayo sa'kin. Mahal na mahal ko ho si Stevie at nakahanda ho akong gawin lahat para sa kanya." Madamdamin niyang patuloy. Ayaw man niya ay may luha pa ring sumungaw sa kanyang mga mata. Hindi rin naman niya namalayang pumapatak na pala iyon.

"Juanczo, hijo. Hindi naming intensyong saktan ka. And please understand, na kaya lang namin ginagawa ito ay dahil nangangamba lamang kami na baka mapahamak na naman muli ang aming anak." Tugon ni Ameelia.

"That's right, hijo. Kagaya mo ay mahal na mahal din namin si Stevie. At hinding-hindi ako mapapanatag kung patuloy na makikipag-ugnayan sa'yo at sa pamilya mo ang anak ko." Seryosong saad pa ni Manuel.

"Tulad nga po nga po ng nasabi ko, handa po akong huwag ng tumuloy sa pagtakbo sa eleksiyon kung yoon po ang ikinakatakot niyo. Alam ko pong marami na kaming naglilitawang katunggali sa pulitika kaya sana naman po, bigyan niyo pa po ako ng isang pagkakataon para patunayan sa inyo na handa kong gawin ang lahat para sa anak ninyo." Pagsusumamo niya sa mga magulang ni Stevie. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harapan ng mga ito para lang huwag ng ilayo si Stevie sa kanya ay gagawin niya.

"This country needs someone like you, hijo. So don't give up your candidacy. At sa tingin ko mas kailangan ka ng bansang ito kaysa ng anak ko. And I will stand with my decision." Pinal na wika ng ama ni Stevie.

Bagsak ang mga balikat niya sa narinig. Base sa anyo ni Manuel at sa naging pahayag nito ay wala ng makakabali pa sa salita nito.

He heard Jazon tsked on the other side of the bed na nagpabalik ng kanyang isip sa kasalukuyan.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon