Chapter 39

6.7K 187 1
                                    

Stevie's

"¿Cómo sabías, abuelo?" (How did you know, Grandpa?)

Nakakunot-noo niyang tanong.

Malapad na ngumiti sa kanya si Matias bago sumagot.

"Lo se todo, hija." (I know everything, hija.)

Oo nga naman. How stupid she is to even asked that. Nalaman nga ng Lolo't lola niya ang nangyaring kidnapping kahit wala naman nagsasabi sa mga ito eh. The moment her father Manuel informed her grandmother that they will go to Canada, agad ng sinabi ng kanyang abuela na mas safe nga siya sa Kelowna bago pa man sabihin ng kanyang ama kung ano ang nagyari at bakit biglaan ang pagpunta nila dito.

Huminga siya ng malalim at makungkot na tumingin sa kanyang abuelo.

"I missed him so much." She said with her teary eyes. There. Finally, sa loob ng dalawang linggo nilang pananatili dito sa Casa Catalina ay binigkas niya ang mga salitang nagpaparamdam sa kanya ng labis na kalungkutan sa tuwing sasapit ang gabi.

Sinabihan na siya ng kanyang Doctor na iwasan niyang mag-isip ng mga malulungkot na bagay. Pero paano naman nga niya gagawin 'yon kung sa tuwing pagpikit ng kanyang mga mata eh mukha ni Juanczo ang nakikita niya. Kasama pang bumabagabag sa kanya ang mga huling salitang narinig niya mula kay Juanczo.

"Do you want to hear a story, apo?" Sa halip ay tanong ni Matias. Kahit hindi siya sumagot ay mas lumapit pa ito aa kanya. Umalis ito sa wheelchair at umupo sa tabi niya. Sumandal siya sa bakikat ng kanyang Lolo na nagsimulang magkwento.

"Manuel is just like you apo noong kabataan niya. Hirap din kaming pasunurin siya sa lahat ng nais namin."

Napangiti siya ng magsimulang magkwento ang kanyang abuelo. Napakahusay talaga nitong magsalita ng tagalog. Mas madami pa nga itong alam na malalalim na salitang tagalog kaysa sa kanya eh.

"When we sent him to Harvard to study college, that was the time he met you mother. Ameelia Panganiban." Ngumiti muna ito na para bang muling sinasariwa sa isip ang mga pangyayari noon.

She got interested. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano at saan ang nagsimula ang love story ng kanyang mga magulang. Bukod sa hindi naman niya kasi tinatanong ay madalas kasi na kasama niya ang kanyang Lolo Miguel at Lola Emily noon dahil nga sila ang palaging nag-aalaga sa kanya sa tuwing papasok ang kanyang mommy at daddy sa trabaho. Close naman siya sa kanyang mga magulang pero dahil siguro kakaunti lang ang time nila noon na magkakasama kaya naman hindi na nila napagkukwentuhan ang love story ng parents niya.

"Akala namin ay talagang kumuha ng business course ang daddy mo sa Harvard. Gusto kasi naming pareho sila ni Mauro ng matapos na kurso sapagkat sila ang magiging tagapagmana ng aming mga negosyo. Oo. He did took Business Management pero agad siyang nag-shift sa Architecture noong nakilala niya ang mommy doon. And when we found out what he did, of course nagalit kami sa kanya dahil hindi na naman niya kami sinunod ng abuela mo. Pero ipinagpilitan niya pa rin ang gusto niya, na ikinagalit namin ng husto. Hanggang sa umabot kami sa punto na itinakwil ko na siya."

Napaangat ang kanyang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ng kanyang Lolo at tumingin dito.

"Seriously? Dahil lang sa nag-shift ng course si Dad kaya itinakwil mo siya noon?" Hindi niya alam na may ganoon pa lang pangyayari sa buhay ng kanyang ama noon. Sabagay, hindi rin naman kasi ito pala-kwento.

Natawa ng bahagya si Matias sa tanong niya.

"Of course hindi lang dahil 'don, apo. Hindi naman ako ganoon kababaw para itakwil ang ama mo agad-agad. May isa pa kasing utos ang nilabag niya."

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon