Stevie's
Napatigil si Stevie sa paglalakad patungo sa kanyang private office sa loob ng The Club BGC ng may pamilyar siyang tinig na naririnig na kumakanta sa stage.
She saw her old friend Margaux Sy singing.
Isang buwan na ng kumalat ang balitang lihim na pagpapakasal nito kay Jazon Chan na napag-alaman niyang pinsang buo pala ni Juanczo. What a small world isn't it?
Sa mga nakalipas kasing araw ay naging madalas na ang pagkikita nila ng kanyang nobyo kaya naman marami-rami na rin silang alam sa isa't-isa. Ito pa pala ang nagkasal sa kanyang kaibigan na kumakanta ngayon sa stage na si Margaux at sa asawa nitong si Jazon.
Naitanong niya rin kung bakit hindi niya ito nakita sa iilang wedding photos nila Jazon at Margaux gayong ito pala ang nagkasal sa mga ito at kamag-anak pa siya ng groom.
Sinabi naman nitong sinadya raw kasi ng mag-asawa na limitahan lang ang mga uploads sa social media for some privacy issue. May mga pictures naman daw sila sa kanya-kanya nilang cellphones kaya okay na yun. Hindi rin naman daw kasi ganoon ka-engrande ang naging kasal ng kanyang kaibigan dahil madalian lang din.
Nang tanungin niya kung ano ang dahilan ay hindi naman nito sinagot at iniba na lang ang usapan.
Muli niyang binalingan ang kumakantang kaibigan sa stage. Weekdays ngayon kaya may gimmick silang open mic para sa mga gustong magbahagi ng kanilang talento sa pagkanta.
Nakakahanga pa din ang angking galing nito sa pagkanta. Damang-dama nito ang bawat lyrics ng kantang Without Me ni Halsey na para bang may pinaghuhugutan niyon.
At napansin niyang hindi lamang siya ang nakakapansin sa angking galing ni Margaux. Dahil kitang-kita sa mga parokyano ng kaniyang club na gustong-gusto nila ang performance ng kanyang kaibigan.
Agad na may nabuong ideya sa kanyang isip na sana ay tanggapin ni Margaux.
Maya-maya ay naramdaman niyang nagba-vibrate ang kanyang cellphone na hawak kaya doon na niya muna ibinaling ang atensiyon sapagkat nakita niyang si Juanczo ang tumatawag. Siguro ay magpapaalam lang ito na babalik na naman sa Aurora.
Sobrang natutuwa talaga siya sa binibigay nitong effort para lamang magkasama silang dalawa kahit saglit-saglit lang. Halos araw-araw kasi itong nagpapabalik-balik ng Manila at Aurora para lang makita siya.
Tama nga ang kanyang hinala na magpapaalam nga ito para umuwi na sa Dingalan makaraang sagutin ang tawag nito. Next week na raw muli ang balik nito na ikinalungkot niya ng husto. Wala pa man kasing isang araw na hindi sila magkita ay namimiss na na niya ito ng sobra. Paano pa kaya ang isang linggo?
Ayaw naman niyang magdemand dito ng oras sapagkat alam naman niya marami itong kailangan asikasuhin bilang Mayor at bilang may-ari ng ibat-ibang negosyo.
Pagkalipas ng ilang minuto nilang pag-uusap ni Juanczo ay nagpaalam na ito dahil lilipad na umano ang service nitong helicopter na siyang nagsisilbing transportation nito mula Dingalan at nakikilapag sa helipad ng HC Tower na pagmamay-ari naman ng pinsan nitong si Jazon.
Napagpasyahan na niyang lapitan ang grupo nila Margaux upang ihayag dito ang naisip niyang proposal at para kamustahin na rin ito.
Stev!" Gulat na sabi ni Margaux sa kanya ng mapansin nito ang presensiya niya sa tabi ng mga ito. Kasama rin nito ang dati din niyang mga naging kaklase noon sa learning school for talents na sina Bea, Tanya at Lindsay. "What are doing here old friend?" Tanong ni Margaux sa kanya ng makabawi sa pagkagulat na malapad ang pagkakangiti. Halatang natutuwa ito na muli silang nagkita.

BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...