4- Lola's Girl

8.3K 172 2
                                    

Stevie's

Hindi natuloy ang naging plano ng ina ni Stevie na mag-stay pa sa DKRC sapagkat ilang minuto matapos nilang makapasok sa kanilang silid sa DK Hotel ay nakatanggap sila ng masamang balita na isinugod na naman umano sa hospital ang Lola Emily niya na nanay ng Mommy niya.

Pangalawang atake na iyon ng kanyang Lola ngayong buwan at alam nilang delikado ang sitwasyon nito. Kaya naman hindi na sila nagdalawang-isip pa na bumalik pauwi sa Manila para puntahan ito.

Abot-abot ang dasal nilang mag-ina habang bumabyahe sapagkat ang huling balita sa kanila ng Tita Almeera niya na kapatid ng kanyang ina ay hindi pa rin daw gumigising ang kanyang abuela.

Ilang oras din ang binaybay nila sa daan bago makarating sa Quizon Medical Center sa Makati City kung nasaan ang kanyang Lola Emily.

Nang makarating sila roon ay lakad-takbo nilang tinungo ang ICU na kinaroroonan ng huli. Naabutan nila sa labas ang Tita Almeera niya at ang asawa nitong si Dominico Russel.

"I'm glad you're finally here. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ameelia." Emosyonal na salubong sa kanila ni Almeera at niyakap ang kanyang ina. Siya naman ay nakiyakap rin sa mga ito at binigyan ng matamlay na ngiti si Dominico bilang pagbati.

Halatang galing sa pag-iyak ang kanyang Tita sapagkat bakas sa mga mata nito ang pamamaga noon.

"How is she?" Naluluha ng sambit ng kanyang ina. Pilit niyang pinapatatag ang sarili sapagkat ayaw niyang magpakita ng kahinaan ngayon sa harap ng kanyang pamilya.

Hanggat maaari ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob para sa mga ito at hindi makakatulong sa sitwasyon kung pati siya ay magbe-breakdown.

"S-she's in coma, Amy. And the doctor said only miracle can help her this time." Lumuluha ng pahayag ng Tita Almeera niya. Napasinghap silang mag-ina sa narinig. Napakapit ng mahigpit sa kanyang braso ang mommy niya at tila doon kumukuha ng lakas. Inalalayan naman niya ito at hinawakan rin sa kamay.

"C-can we see her Tita?" She asked while composing herself not to burst into tears of what her Tita said.

Mahal na mahal niya ang kanyang abuela. Para na rin itong tumayong ina para sa kanya sapagkat sa bahay ng mga Lolo't Lola siya naglalagi tuwing naiiwan siya ng kanyang mga magulang para sa business trip ng mga ito.

Sa Lola Emily nila namana ng kanyang Mommy ang husay nila sa pagsasayaw. Isa rin kasi itong sikat na mananayaw noong kapanahunan pa nito.

Nanariwa na naman sa kanyang ala-ala ang pagpanaw ng Lolo Miguel niya na halos isang taon pa lamang din ang nakakaraan. Asawa ito ng Lola Emily niya. It was the most heartbreaking moment of their lives. Kaya naman sobrang sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ng ganito ang kanyang ina at tita sapagkat nanganganib na naman mawalan ang mga ito ng magulang.

"Of course. I will just talk to the nurse in-charge for Mommy Emily." Sagot naman ni Dominico sa kanya at mabilis na lumapit sa nurse station.

Pagbalik nito ay may dala-dala na itong dalawang pares ng physician's attire na hospital gowns and hair covers. Agad nitong iniabot ang mga iyon sa kanilang dalawa ng kaniyang mommy.

"Limited only for two persons ang pwedeng makapasok ng sabay sa loob kaya kayo na lang muna." Saad ni Dominico sa kanila at tinabihan muli ang kanyang Tita Almeera sa upuan na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

"Thanks Tito Dom." Nagpasalamat muna siya rito bago sinimulang isuot ang physician's attire sa katawan.
Kapagkuwan ay tinulungan naman niya ang kanyang ina sapagkat parang wala ito sa sarili na hindi magkandatuto sa pagsuot ng hospital gown.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon