"We chose to be sinner in our own ways. But we can undo our wrongdoings by choosing the right path and lifting your self to the Lord. Surrender yourself to Him and ask for forgiveness." - Monina Caliliw-Manguera
Fabio's
What went wrong?
Katanungang paulit-ulit nang umuukilkil sa isipan ni Fabio.
Ang tanging nais lamang niya ay makasama ang kanyang mag-ina--nang malaya at walang mang-mamata sa kanila.
Lorena is his first love and probably the last. Kaya niya ginagawa ang lahat para dito. Sumang-ayon siya sa lahat ng plano nito upang makamit nito ang hustisyang matagal na nitong ninanais.
Ang orihinal nilang plano ay i-blackmail ang mga Vergara para makuha nila ang kayamanan ng mga ito. At pagkatapos nila sa mga Vergara ay isusunod naman nilang patatahimikin si Jaime para tuluyan na silang makapagsama ni Lorena. Nasa plano din nilang ubusin ang kayamanan ni Jaime Gonzalez.
Aminado siyang nasilaw siya sa pera at kapangyarihan na maaari nilang makamit kung magtatagumpay ang kanilang plano. But after he did a thorough investigation of what really happened to Lorena's father, he found out that Lorena's accusations for the Vergara's was erroneous.
Mali ang pagkakaalam nito sa totoong nangyari na hanggang ngayon ay ipinagpipilitan pa din nitong ang mga Vergara ang sumira ng pamilya nila.
Sa totoo lang ay ilang beses na niyang kinausap si Lorena patungkol sa bagay na 'yon ngunit maging siya ay hindi na nito pinakikinggan. So he left with choice but to stand against her.
Mahal na mahal niya si Lorena kaya hindi siya papayag na may mangyaring masama dito. Hindi niya nanaising maagang maulila sa ina ang kanilang anak na si Loridee. Tama nang hindi siya ang kinikilala nitong ama. So he will do anything to save Lorena from this shambles that she created.
Kanina ay nagkunwari siyang hindi narinig ang mga sinabi ni Lucilla sa kausap nitong si Mayor Juanczo. Nagkubli lamang siya kanina kaya hindi siya nito napansin.
Ibinuga niya ang huling usok ng sigarilyo sa bibig at tinapakan ang upos niyon bago umalis sa kanyang kinatatayuan.
Matalas ang kanyang pakiramdam at hindi siya tanga para hindi mapansin na may kakaibang nangyayari simula nang magpakita sa kanila si Juanito Vergara.
Alam niyang nasa paligid lamang ang mga kasamahan ni Juanito.
Kung tutuusin ay maaari na siyang barilin ng mga nakita niyang kumikilos sa dilim ngunit hindi ginawa ng mga ito sa hindi niya rin malamang kadahilanan. At wala rin naman siyang balak makipag-palitan ng putok sa mga ito.
Tumuloy na lamang siya sa basement kung nasaan ang dalawa pang bihag.
Napag-isip-isip niyang tama ang sinasabi ng iba na hindi magbubunga ng maganda ang isang bagay kung sa kasamaan ito nagsimula.
Sana ay hindi pa huli ang lahat para maitama niya ang kanyang mga pagkakamali.
[ Hmmmm. Mukhang nadagdagan na naman ang mga tumatalikod kay Lorena. May idea na ba kayo sa mga susunod na mangyayari? Comment down below your thoughts.] - M.M
**** ****** ****
Juanczo's
"Guys, stop." Saad ni Juanczo nang mag-vibrate ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa. He took out his phone from his pocket and it says Lorena sent a video.

BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...