Chapter 30

6.8K 155 4
                                    

Ameelia's

Hindi sila mapakaling mag-asawa sa kinaroroonan nilang silid. Kasalukuyan pa rin silang nasa secret facility ng Hidden Forces na nasa ilalim ng kabundukan ng Tanay, Rizal. She doesn't know that a place like this exists in the Philippines. Para itong bahay ni Batman na na nakatago sa ilalim ng lupa.

Ang kanyang asawa ay palakad-lakad at hindi mapakali. Siya naman ay hindi binibitawan ang rosaryong hawak na gamit sa pagdadasal.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa anak natin, Ameelia. Kung sanang sumama sana tayo sa kanya na pumunta sa Aurora. Baka hindi nangyari ito." Naluluhang saad ng kanyang asawa at bakas na bakas ang pagsisisi sa mukha.

Kanina pa nito sinisisi ang sarili. Bago kasi tumulak papunta ng Dingalan ang kanilang anak ay tinawagan sila nito at sinabing iniimbita sila ng ina ni Juanczo na si Monique Vergara para makapag-bonding naman daw sila.

Ngunit hindi sila nakasama kay Stevie sapagkat kasalukuyan silang busy sa pag-entertain sa mga bago nilang investors. Hands on silang mag-asawa sa kanilang kompanya kaya't hindi nila ito ipinagkakatiwala sa iba. Isa pa ay wala naman silang ibang maaasahang makatulong sa kanila sapagkat bawat pamilya nila ay abala din sa kani-kanilang mga negosyo.

Si Stevie na nga lang sana ang kanilang inaasahang makakatulong sa kanila ngunit mas pinili naman nito ang ibang larangan. Hindi na rin nila ito pinigilan sa gustong gawin sapagkat kaya pa naman nila pamunuan ang kanilang mga negosyo.

Gusto sana niyang magpaalam sa asawa at siya na lang ang sasama sa anak dahil namimiss na rin niyang makasama si Stevie. Pero ayaw din naman niyang iwang mag-isa si Manuel na humarap sa mga investors. Alam niyang kailangan siya nito.

Sa isang taon kasing lumipas ay lalong naging busy ang anak nila kaya nga hindi naman sumama ang kanilang loob ng sapilitang paalisin ni Juanczo si Stevie sa pag-aartista nito. Sa nangyari kasi ay makapagpapahinga na ito kahit papaano.

"Stop blaming yourself, hon. Tulad nga ng sinabi mo kanina, kung hindi ito ngayon nangyari, malamang na mangyayari din ito sa ibang araw kung anak nga natin ang target ng mga kalaban ni Juanczo." Pagpapakalma niya sa asawa.

Kanina ay siya ang hindi mapakali at ito ang nagpapakalma sa kaniya. Pero nang makapasok sila sa silid ay nabaligtad ang sitwasyon.

"I will sue the Gonzalez's for doing this to our daughter. Kung dati ay nalulusutan pa nila ang kanilang mga kahayupan. Ngayon, I'll make sure myself that they will rot in jail." Galit na saad ni Manuel. Mariing nakakuyom ang kamao nito sa tindi ng galit. Ngayon lamang niya ito nakitang magalit ng ganito.

Bago sila pumasok sa silid ay sinabihan sila ng isang HF agent na kumpirmado na daw na mga Gonzalez nga ang kumuha sa kanilang anak. Kaya ganito na lamang din ang galit ng kanyang asawa.

Kaya abot-abot ang pagdarasal niya kanina pa sapagkat hindi birong kalaban ang mga Gonzalez.

Humigpit ang kanyang hawak sa rosaryo at taimtim muling nanalangin. Tahimik siyang nagdarasal at lumuluha. Umaasang hindi sila bibiguin ng Panginoon at pakikinggan ang kanyang mga dasal.

Makaraan ang ilang sandali ay may kumatok sa kanilang silid.

Pinagbuksan ni Manuel ang kumakatok na isa ring HF agent. Ayon sa kanyang pagkakatanda, Shadow ang tawag dito ng mga kasamahan. Ngunit isa itong babae. A beautiful lady to be exact. Bahagya nga siyang nagulat kanina na may mga babae pala sa lugar na ito. At mga agents din.

"Kamusta po kayo dito, Mr. and Mrs. Alonzo?" Nakangiting bati sa kanila ng babaeng agent. May dala-dala itong isang food tray na puno ng pagkain. "I brought dinner for the both of you." Sabay baba nito ng tray sa mesa.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon