Sorry po sa mabagal na update ha. Naging busy lang po sa buhay-buhay. Pero I'll try po na makapag-publish ngayon.
Maraming-maraming salamat po sa suporta niyong lahat. ♥️
Chapter 28 sneak peek ♥️
Nakayukyok ang ulo ni Stevie ng bigla siyang magulat sa sunod-sunod na putok ng baril na kanyang narinig mula sa kung saan.
"W-what's that, Ate Stev?" Nahintakutang tanong sa kanya ni Floren.
"It's a gun shots." Bulalas niya.
Bigla ang pagsalakay ng takot sa kanya ng nagmamadaling bumababa sa hagdanan sila Lorena kasunod ng mga tauhan nito. Pawang mga armado ang mga ito at handang-handang pumatay ng tao ang mga itsura.
"Dalhin niyo ang dalawang 'yan! Madali kayo!" Malakas na sigaw ni Lorena bago ito bumaling sa kanya at binigyan siya ng isang malutong na sampal sa pisngi na halos ikabingi niya.
"Mom, stop it!" Rinig niyang sabi ni Floren.
"Shut the fuck up, Floren!" Sigaw muli ni Lorena. "And you, and your stupid boyfriend! Akala ba niya maiisahin niya kami ha?! Pwes! Nagkakamali siya!" Baling naman nito sa kanya.
Sa halip na matakot siya ay isang mapang-insultong ngisi ang ibinigay niya rito. Manhid na siya sa anumang pananakot nito. Ngayon pang alam niyang dumating na ang kanilang rescue.
"Good luck, bitch." Saad niya sabay dura sa mukha nito.
Nanlalaki naman ang mga matang hindi makapaniwala si Lorena na dinuraan niya ang mukha nito.
Akma sana siya nitong sasabunutan ng biglang may pamilyar na boses ang nagsalita.
"Don't you dare, Lorena!"

BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...