Chapter 37

6.4K 170 10
                                    

Juanczo's

Katatapos lamang ng kanilang regular session sa senado at sa kanyang sariling opisina naman sa Quezon City siya dumiretso upang asikasuhin naman ang kaniyang negosyo na medyo napapabayaan na niya. Good thing he has his cousin Jazon Chan on his side who always helped him in running his businesses. Hindi na rin naman kasi masiyadong busy ngayon si Jazon sa H-C Tower sapagkat napunta na sa isa pa nitong pinsan na si Ivan James Chan ang pamamalakad doon na isa ring member ng Dark Knights Riding Club.

Juanczo took off his coat and loosened his necktie before sitting down to his swivel chair inside his office at JHV Telecom., Inc. building. It's his own company na itinayo niya gamit ang kanyang sariling pera. Ang JHV ang nangungunang telecommunications company sa buong bansa. JHV which literary means Juanito Herrera Vergara.

Juanczo knew that having a higher position in the government comes with a bigger responsibility. Kung dati-rati ay sa Dingalan lamang siya namumuno at nagdedesisyon, ngayon ay kasama at katulong na siya ng presidente ng Pilipinas sa pamumuno at pagdedesisyon para sa buong bansa.

He heaved a deep sigh bago sumandal sa kanyang kinuupuan at hinilot ang kanyang sintido na bahagya ng nananakit. Ilang araw na siyang puyat.

Bukod kasi sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo ay araw-araw na rin siyang abala simula noong nanumpa siya bilang isa sa bagong senador ng Pilipinas kaya naman halos wala na siyang maayos na tulog at pahinga.

Kaya nga kahit gaano man kasidhi ang kanyang pagnanais na puntahan at kausapin si Stevie ay hindi niya magawa dahil sa sobrang busy niya. Pero tahimik niyang nahiling na sana ay napanuod nito ang interview niya noong nakaraan at nagpahayag siya ng pagmamahal para dito.

Wala na siyang pakielam kung magalit man ang mga Alonzo sa kanyang ginawa. Gusto lang naman niya iparating kay Stevie na mahal na mahal pa rin niya ito at totoong handa siyang gawin ang lahat para sa dalaga. He's confident that Stevie still loves him too. Ramdam niya iyon.

Sa pagka-alaala kay Stevie ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa, binuksan ang Instagram, at pinuntahan ang account ng dalaga.

He always do that in his spare time. Lalo na kung stress na stress na siya sa buhay niya. Isang tingin lang kasi niya sa larawan ni Stevie ay nawawala na lahat ng stress niya. Stress reliever niya si Stevie kumbaga.

Napangiti siya ng makita ang latest post nito. Kasalukuyan itong nasa Canada ngayon kasama ang buong pamilya nito.

She's really beautiful and photogenic. May kuha ito na masayang namimitas ng ubas kasama ng mga trabahador. Meron ding tumutulong ito sa pagpupunla, picture sa loob ng winery at kung saan-saan pang spot kung saan ito naroroon ngayon.

Pawang mga nakangiti ang dalaga sa lahat ng larawan nito. Pinanuod din niya ang video nito habang kasama nitong naglilibot sa vineyard ang Lolo nito. Mas lalo pa yata itong gumanda ngayon. At nag ♥️ react siya sa lahat ng recent posts nito.

"Ah! I missed you so damn much, baby." Buong pagsuyo niyang saad habang hinahaplos ang mukha ni Stevie sa screen ng cellphone niya.

Kabaduyan man sa paningin ng iba ay hinalikan niya ang screen ng kanyang cellphone sa tapat ng labi ni Stevie.
His eyes started to well up sa labis na pangungulila sa dalaga. Itinapat pa niya sa kanyang dibdib ang cellphone niya na animo yapos-yapos niya ito.

"Can you hear my heartbeat, babe? Ikaw at ikaw ang lang tanging itinitibok niyan." Madamdamin niya pang pahayag.

He immediately wiped his tears when he heard a sudden knock on his door. Umayos na rin siya ng pagkakaupo at ibinalik ang cellphone sa bulsa.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon