Dedicated to FlorenCastillo
Stevie's
DALAWANG oras pa bago ang opening ng club ay pumasok na siya sapagkat tumawag ang bagong hire niyang manager na si Samantha na inirekomenda ni Juanczo dahil may mga importante raw na mga dokumento galing BIR na kailangan niyang pag-aralan.
Nagdesisyon na kasi ang kanyang kaibigan na si Margaux na makipag-sosyo sa club kaya naisipan niyang palitan ito ng pangalan.
2G's Club na ang ipinalit niyang pangalan sa The Club BGC. Ito ang pangalan ng tandem nila noong nasa training school pa sila ni Margaux na ibig sabihin ay Two Goddesses.
Kaya nga kahit pagod siya galing sa maghapong taping imbes na magpahinga ay agad siyang nagmadaling pumunta sa club.
NAGULAT si Stevie ng pagpasok niya sa loob ng The Club BGC ay nakahanay ang kanyang mga empleyado sa kanyang daraanan at may tig-iisang hawak na pulang rosas.
Bawat lagpasan niya ay iniaabot sa kanya ang nasabing bulaklak.
Nagtatanong ang kanyang mga matang nakatingin sa kanyang mga empleyado.Mabilis siyang tumalima kanina na magpunta sa club ng marinig ang salitang BIR. Alam niya kasi kung gaano kaimportante ang mga dokumento galing doon.
Ngunit pagpasok nga niya ay nabungaran niyang nakahanay ang kanyang mga empleyado pati na ang mga naka off duty. Free lodging ang kanyang mga tauhan sa club at nasa dulong palapag ng kanyang building ang tirahan ng mga ito kaya madali lamang tawagin ang mga ito kung sakali. Siya naman ay may private room din sa fourth floor kung saan siya nagpapahinga at paminsan-minsan ay nagpapalipas ng magdamag sa tuwing wala siya sa mood umuwi ng kanilang bahay.
"What is happening, Andrei?" Tanong niya sa bartender na nasa hulihang pila at inalalayan siyang lumakad papunta sa may hagdanan na patungo sa second floor kung nasaan ang kanilang center stage for performances.
Nahigit niya ang kanyang hininga sa nakitang ayos noon. May mga nakataling pulang lobo sa railing. May mga petals na nakasabog at may mini candles sa bawat baitang ng hagdan.
Ngumiti lamang ang bartender sa kanya at sinenyasan siyang umakyat na sa second floor. Base sa ngiti ng kanyang mga empleyada ay mukhang alam na niya kung sino ang may pakana nito. At kinilig siya sa isiping iyon.
Naririnig niya pang naghahagikgikan sa kilig ang mga kababaihan niyang empleyado bago siya tuluyang makaakyat sa second floor ng club.
Walang ibang ilaw na nakasindi roon kundi ang mga nagkalat na kandila. Pero naaaninag niyang may hugis pusong gawa rin sa mga petals ng rose na nasa gitnang bahagi ng sahig.
Nagulat siya ng biglang may yumakap sa kanyang likuran. Matatakot na sana siya ng bigla itong magsalita. Noon lang niya napagtanto kung sino ito. Iba kasi ang gamit nitong pabango ngayon hindi katulad ng madalas nitong ginagamit na Hugo Boss.
"Happy first monthsary, babe." Bulong ni Juanczo sa kanyang teynga at ginawaran siya ng mabining halik sa kanyang pisngi. Kasabay noon ay ang pagbukas ng ilaw sa may stage at nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang may teddy bear doon na halos kasinglaki niya. Akap-akap noon ang bouquet of red roses na may halong expensive brand ng chocolate na sa pagkakaalam niya ay sa ibang bansa pa lamang nakakabili.
Maluha-luha siyang umikot para makita ang kasintahan. Isang linggo na kasi niya itong hindi nakikita pagkagaling nila sa Zambales. Pareho na kasi silang naging busy nito at puro sa text and calls na lang sila nakakapag-usap.
"This is too much for a first month, my love.." aniya at malaya ng tumulo ang kanyang luha sa kanyang mga pisngi.
Umangat ang mga kamay nito at masuyo nitong pinunasan ang luha niya. Bahagya pa nitong kinurot ang dulo ng kanyang ilong.
BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...