Chapter 18(spg)

7.7K 141 0
                                    

Juanczo's

"See you later, my queen." He said and kissed her on the lips. Kakatapos lang nilang mag-breakfast at paalis na siya papuntang munisipyo. "And don't forget to take your pills, okay?" Pabulong niya pang sabi. Namula naman agad ang pisngi ni Stevie sa sinabi niya. He finds it cute kaya kinurot niya ang mga pisngi nito.

Napag-usapan kasi nilang gagamit muna sila contraceptive para maiwasang mabuntis ito. Wala pa kasi sa plano nila ang magkaanak sa istado na rin ng kanilang trabaho. Wala pa rin sa list of priorities niya ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak kaya hangga't maaari ay nag-iingat sila.

"Baka marinig ka ni Mommy. Nakakahiya!" Ganting bulong nito sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aww!" Tatawa-tawang humakbang na siya palayo dito para hindi na siya nito makurot. Malakas din kasi ang kiliti niya sa tagiliran. Alam na alam ng kanyang kasintahan kung paano siya gagantihan.

"Ah, look at them, Kuring. They're so sweet. Parang kami lang noon ng Don Juan niyo noong magnobyo pa lang kami." Narinig niyang wika ng kanyang ina sa kanilang kasambahay. Hindi pa nakuntento ang kanyang ina at lumapit pa sa kanila. "Go now, hijo. Baka ma-late ka sa flag ceremony. Vergara's never been late. Ako ng bahala dito sa future manugang ko." Sabay akbay pa kay Stevie. Natutuwa siyang madaling nakapagpalagayan ng loob ang mga ito.

"Alright, Mom. Please take good care of my queen. And please huwag mo kong sisiraan sa kanya." He exaggeratedly said. Alam niya kasi kung gaano kadaldal ang kanyang ina pagdating sa kanya. Kaya everytime na magkkwento ito ng buhay niya ay wala itong pinapalagpas even the most embarrassing moments of his life.

"Of course not! Why would I do that to my unico hijo?. You're Mama loves you so much.." OA din namang sagot ng kanyang ina na ikinatawa ni Stevie.

"Gotta go, ladies." Saad niya at chineck ang kanyang wristwatch kung anong oras na.

"Use your car, Dos. It's not safe to use your motorbike."

Napaungol siya sa sinabi ng ina. Alam na niya kung ano ang susunod nitong sasabihin. Na baka matulad siya sa kanyang Tito Raymundo na namatay dahil sa aksidente habang nag-mumutor ito. So instead of arguing with her mother, he asked Kuring to get his car key.

He left the house using his matte black Audi S6. He and his cousin Jazon loves the matte colors so most of their cars and motors are all paint in matte's.

INSPIRE na inspire magtrabaho si Juanczo buong umaga sa kaalamang uuwi siya mamayang lunch sa kanilang mansiyon na madaratnan ang kanyang kasintahan. He is looking forward for afternoon to come. Kung pwede nga lang niyang hilain ang oras para makauwi na siya at muling makita ang kasintahan ay ginawa na niya.

Maya't-maya rin ang sulyap niya sa picture frame nito na nasa ibabaw ng kanyang office table. It was taken when they went to DK Island and he took a photo of her while they were watching the sunrise.

Stevie is so beautiful in that picture. He can't help but to smile everytime he would look at her photo.

At dahil maganda ang mood niya, lahat din ng mga nasa munisipyo ay maganda din ang mood. Pero bago sumapit ang tanghalian ay uminit na naman ang ulo niya ng ibalita ng kanyang sekretarya na si Lucila na hindi raw inaprubahan ng Department Of Health ang mga hospital equipments nila para sa kapapatayo pa lang niyang public hospital sa Dingalan.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon