Lucilla's
Awang-awa si Lucilla sa nakitang kalagayan ng kanyang pamangkin. Hindi niya maatim makita itong nakagapos doon kaya malalaki ang kanyang mga hakbang na sinundan ang kapatid sa itaas kung nasaan ang control room. Andoon lahat ng CCTV monitors at doon din bumubuo ng plano si Lorena.
Alam na niya ang pasikot-sikot sa lugar sapagkat ilang beses na rin siyang napunta roon sa tuwing magkikita sila ng kanyang kapatid.
Isang abandonadong gusali ang kanilang kinaroroonan. Isa ito sa mga proyektong kinurakot ang budget ng senador na si Jaime Gonzalez. Asawa ng kanyang Ate.
Matapos kasi nitong makuha ang kaukulang budget na umaabot sa tatlong bilyong piso ay basta na lamang nitong ipinahinto ang pagpapagawa ng project.
Tinapalan ng pera ni Jaime ang lahat ng pwedeng matapalan para lang hindi mabisto ang kaanomalyahan nito. Siya ang tumatayong accountant ng mag-asawa kaya alam niya lahat ang iligal na gawain ng dalawa.
"Ano pang ginagawa mo dito? Have I told you to get us food?" Iritadong saad sa kanya ni Lorena ng makita siya.
Yon ang isa pa niyang papel sa buhay ng kanyang kapatid. Dakilang utusan.
Noong una ay ayos lang sa kanya ang mga pinaggagawa ng kanyang Ate sapagkat alam naman niyang para sa kanila din naman ang ginagawa nito.
Bago siya magtrabaho sa mga Vergara at maging secretary ni Juanczo ay maraming sinabing hindi magaganda patungkol sa mga ito ang kanyang kapatid. Sa madaling salita ay na brain washed siya.
Kung gaano kagalit ang kanyang kapatid sa pamilya ni Juanczo ay ganoon din siya. Kaya naman palagi lamang siya noong pumapayag sa kagustuhan ni Lorena.
Ngunit kalaunan ay nakilala niya ang buong pamilya ng mga Vergara at nakita niyang mali ang iniisip dito ng kapatid. Mabubuting tao pala ang mga Vergara.
Hindi naman pala masasama ang mga ito katulad ng sa kwento ni Lorena sa kanya. Sa katunayan nga ay kabaligtaran lahat ng akusasyon ng kanyang kapatid.
Nagsagawa rin siya ng sariling imbestigasyon patungkol sa naging kaso ng kanyang ama noon. At ayon sa kanyang nalaman ay hindi naman pala totoong inangkin ng mga Vergara ang kanilang mga ari-arian noon. Ipinambayad pala lahat ng mga iyon sa naging pagkakautang ng kanilang ama.
Pagkatapos ng kanyang naging imbestigasyon ay kinausap niya si Lorena upang pasubalian ang mga paratang nito sa mga Vergara. Ngunit nagmistula lamang itong bingi at bulag.
Nagawa pa nga nitong idamay ang sariling anak makapaghiganti lang.
"Ate, maawa ka naman sa anak mo. Huwag mo na siyang idamay." Saad niya.
"Pwede ba, Lucilla. Huwag mo 'kong dramahan at baka hindi kita matantiya! Saka baka nakakalimutan mo! Vergara pa din ang batang 'yon. Kaya maaari niya tayong ipagkanulo."
Galit na saad ng Ate niya.Nahindik siya sa narinig.
"Anak mo si Floren, Ate." She said.
Napansin niyang bahagyang natigilan si Lorena sa sinabi niya.
Hindi siya makapaniwala sa pinagsasasabi ng kapatid. Napaka-walang puso nito. Pati sariling anak ay kayang gawan ng masama.
"Ganyan na ba kalaki ang galit mo sa mga Vergara kaya naaatim mong saktan pati ang sarili mong anak?" Sumbat niya.
"Yes! At kaya kong gawin lahat magtagumpay lang ang plano ko!" Nanggagalaiting tugon naman ni Lorena. Naglilitawan ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang galit.
BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...