5- Excited

8K 187 0
                                    

Juanczo's

Ten thirty in the evening at binabagtas pa rin ni Juanczo ang kahabaan ng Gabaldon-Dingalan road. Galing siya sa katatapos lamang na conference meeting sa Palayan City Convention Hall kasama ang iba pang Mayor sa mga kalapit bayan para pag-usapan ang mga upcoming projects para sa kanilang mga distrito.

Hindi na siya nagsama ng mga driver-bodyguards sapagkat safe naman ang kanyang pupuntahan at mga dadaanan. Isang tahimik na bayan kasi ang Nueva Ecija na katabing-katabi lamang ng kanyang bayang pinamumunuan.

While driving he heard his expensive smartphone rang and it was William who is calling. He immediately press the button of his bluetooth earphone and answer the call.

"May problema ba sa DK, Alonzo?" Agad niyang tanong dito.

["Everything's well, VP. Magpapaalam lang sana ako na hindi ako makapag-duty bukas."]

Nangunot ang kanyang noo sa tinuran nito. Ngayon pa lamang kasi ito nagpaalam na liliban sa duty nito.

"Why? If it's really important I can call Steven Lo para siya na muna ang pumalit sa'yo. I know he's free now." Tukoy niya sa TV host na member na rin ng Dark Knights Riding Club.

["I already told him VP but we need your approval of course."]

"No problem, Willy. Alam ko naman hindi lang sa DK umiikot ang mundo nating lahat. By the way, saan ka nga ba pupunta para alam ko na din kung saan ka hahanapin kung sakali?"

Rinig niya ang pagbuntung-hininga ni William sa kabilang linya.

["L-lola Emily just passed away."] Malungkot nitong tugon.

Natapakan niya ang preno sa sinabi ng kausap. Kilala niya ang tinutukoy na Lola Emily ni William. Emily Panganiban. And Stevielyne Alonzo's grandmother which he just recently know.

Ilang beses na rin niyang nakadaupang-palad sa ilang charity works na dinaluhan niya si Emily Panganiban. Kilala rin ito bilang isang mabait at matulunging tao lalo na sa mahihirap.

Parang mas sumidhi pa tuloy ang kanyang kagustuhan na makita si Stev ngayon. He suddenly want to comfort her.

["You still there, bro?"] Untag ni William sa pananahimik niya.

"Ah yes, yes. Please extend my condolences to your cousin's family."

["I will."]

"Pakisabi na rin kay Tita Ameelia and Stevie na susubukan kong maka-attend sa funeral." Sabi niya sa kausap. Hindi niya alam pero parang may nagtutulak talaga sa kanya na puntahan si Stevie at makita ito para personal na makiramay.

["Yeah, sure. I'll just text you the details kung kelan at saan ang funeral. Hindi pa rin kasi ako nakakapunta sa burol dahil sa akin ibinilin ni Stevie ang club."]

"Alright, Alonzo. Bye."

Napabuntung-hininga siya ng malalim sa pagod na nararamdaman mula maghapong tuloy-tuloy na appointments and meetings niya. Parang gusto na tuloy niyang magsisi at hindi siya nagsama ng driver man lang.

Pinaandar na niya muli ang sasakyan at muling nagbyahe pauwi ng Aurora.

Ilang minuto na lang din naman ang layo niya sa Dingalan at sa wakas ay makapagpapahinga na siya.

Minsan ay hindi na niya rin alam kung ano ang uunahin sa dami ng commitments niya. Pero mas pina-priority niya pa rin ang buhay pulitika.

He wanted to run for a higher position para mas lalo siyang makapaglingkod sa mga nangangailangan ng tulong. He's too ambitious that he even forget how to live a normal life that he used to have before he run for Mayor in their town.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon