7- Date

6.5K 159 5
                                    

Stevie's

After a week of grieving, Stevie forced herself to get back to work. Napakarami na niyang naunsiyaming projects sa nakalipas lamang na mga araw. Tungkol naman sa The Club BGC niya ay laking pasalamat pa rin niya at nagprisinta pa rin si William na ito na lang muna ang bahalang mamahala sa club niya. Wala pa naman daw ito masiyado ginagawa sa DKRC at may mapagkakatiwalaan naman daw umano itong tao sa kompanya nito.

Nasa rehearsal sila ngayon sa loob ng Studio Nine kung saan magpeperform sila ng kanilang mga winning piece when they competed outside the country.

****
(Studio Nine is the largest operating TV Network in the Philippines. Owned by Senator Arthuro Gamboa and his son Bryce Maverick Gamboa is the current CEO na member din ng Dark Knights Riding Club and kung familiar po kayo sa Youtube Originals na Step Up - High Water, doon ko kinuha ang names ng ilan sa mga character dito sa aking story)

***

She's busy fixing up her shoelace when her friend Odalie approach her. Kasama rin niya ito sa grupo ng mga dancers ng Team Philippines na nagco-compete across the world. Ang Versatile Moverz PH.

"Hey." Bati nito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "I'm sorry for your loss, Stev(stef). And sorry din hindi man lang ako nakapunta sa burol ni Lola Emily." Odalie said in apologetic face.

"Thanks, girl. Naiintindihan ko naman ang situation mo kaya hindi ka nakapunta sa burol ni Lola. Alam ko naman na hanggang ngayon eh nagluluksa pa rin ang puso mo sa hiwalayan niyo ni Davis." Tukoy niya sa ex-boyfriend nitong ka-grupo din nila.

Davis cheated on Odalie kaya nauwi lang sa hiwalayan ang halos dalawang taon na ring pagiging magkasintahan nito. Ang masaklap pa,ka-grupo lang din nila ang ipinalit nito sa kanyang kaibigan at binuntis ni Davis na si Poppy Martinez.

They can't believe that behind her soft and vulnerable attitude outside is a bitchy woman hiding in the inside.

Nag-away si Odalie at Poppy kaya naman dahil sa nangyari ay nasuspinde ang tatlo sa kanilang grupo ng isang buwan at kamakailan lamang nakabalik sina Odalie at Davis.

And as for that bitch Poppy Martinez. She got her early karma when her parents disowned her because of the scandalous sex video kasama si Davis na kumalat at ito mismo ang may pakana para magkahiwalay ang kanyang kaibigan at si Davis.

"And speaking of that devil. Ang kapal ng mukha niyang lapitan at kausapin pa 'ko kanina! Huh! Nandidiri ako sa kanya! Kung pwede nga lang ipatanggal ko siya dito sa grupo natin. Naku! Nakakagigil talaga!" Galit na saad ni Odalie.

Naiintindihan niya kung ano ang pinanggagalingan neto. Kung siya man siguro ang nasa posisyon nito ay malamang ganoon rin ang magiging reaksiyon niya.

"Kaya for now, mag-focus ka muna para sa sarili mo ha. Tigil mo muna yang love life love life mo na yan. It's not healthy for you." Nakangiti niyang payo sa kaibigan habang nag-i-stretching na matapos ayusin ang kanyang sapatos na suot.

"Opo nanay. Oh, wait! Eh ikaw pala kamusta naman ang love life mo ha, friend? Trending ka na naman sa IG and Twitter girl! Haba talaga ng hair mo eh! Chika mo nga sakin kung sino yung Juanczo Vergara na 'yon." Kinikilig na saad pa ni Odalie sa kanya.

Alam niya ang tinutukoy nitong nagpatrending na naman sa kanya. Ang pinost ni Juanczo kamakailan lang noong huli silang magkasama sa coffee shop. Napaka-intriguing naman kasi ng caption nito kaya tuloy binaha iyon ng libo-libong comments and reactions. Marami ring nag-direct message sa kanya ng makita ang post na yon at nagtatanong kung ano ang relasyon nila ni Juanczo. Kung kasintahan na daw ba niya ito o nanliligaw pa lang. And as for Juanczo wala pa siyang balita dito simula noong huli silang magkita. Ni wala man lang itong paramdam sa kanya kahit nagpalitan na rin naman sila ng cellphone number nito.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon