Stevie's
Stevie couldn't take it anymore so she decided to confront Juanczo once he entered the room. Nakaupo siya sa dulo ng kama at sinusundan ito ng tingin habang tinatanggal ang kurbata nito.
"Are you happy?" She asked coldly.
Awtomatikong nangunot naman ang noo ng kanyang nobyo sa kanyang tanong.
"What do you mean?" Maang na tanong ni Juanczo sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
"Ang sabi ko, m-masaya ka pa ba? D-dito? Sa nangyayari sa'tin? Kasi ako--" Napasigok na siya sa huling sinabi at nag-unahan ng pumatak ang kanyang mga luha. ".. k-kasi ako, hindi na ko masaya, Juanczo. Believe me I tried so many times to understand our situation. Pero habang tumatagal, it's getting worst between us.." she said in between her sobs. Panay rin ang punas niya ng kanyang mga luha habang nagsasalita. Samantalang si Juanczo naman ay tahimik na lang na napaupo sa sofa.
"What do you want me to say?" Ganting tanong nito. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. He remained calm with his poker face.
"M-mamili ka, Juanczo. Me or that fucking political career of yours!" Lakas-loob niyang tanong dito.
Hindi naman makapaniwalang napatitig sa kanya si Juanczo.
"Stevie, you know from the very start that I am committed to this job as a public servant. So why the hell asking me dumb questions like that?" He hissed. Halatang hindi nito nagustuhan ang narinig mula sa kanya.
"I'm tired, Juanczo. Pagod na 'kong maging second best lang sa'yo. I want to be on top of your priority." She tried hard not to broke her voice while saying that words. Pero ang kanyang mga luha ay ayaw pa ring magpaawat sa pagpatak.
"Stop crying, please. And stop this bullshit, Stevie! This is nonsense!" Halos pabulyaw ng saad ni Juanczo sa nagtatagis na mga bagang.
Nag-init na rin ang kanyang ulo sa sinabi nito. Ganon ba talaga ang tingin nito sa mga sinasabi niya? Walang kwenta?
"Nonsense? Huh! Why can't you just choose me? Because I am not enough? Because you care about your political career more than you care about me? About my feelings ha?!" Pasigaw na rin niyang sabi at napatayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Humakbang siya palapit dito nang hindi ito sumagot sa kanya. "Answer me!"
"Stop it, Stevie!" Galit na kinuha ni Juanczo ang kanyang mga braso at mariing hinawakan. Nagulat at natakot man siya sa naging reaksiyon nito ay pilit pa rin niyang pinatatag ang kanyang sarili. "Maybe you should ask yourself too. That if you really love me enough, you will not ask questions like that and you didn't have to feel that way. And don't make me choose or else we will ended up hurting each other." Mariing wika pa nito sabay bitaw sa kanya at tuloy-tuloy na pumasok sa banyo upang maligo.
She was left dumbfounded by his words.
"Don't make me choose or else we will ended up hurting each other."
"Maybe you should ask yourself too. That if you really love me enough, you will not ask questions like that and you didn't have to feel that way."
Huh! How dare him to question her love for him. She had sacrifice her showbiz career para lang wala itong masabi at para wala na silang pag-awayan pa sa kadahilanan lang na napakaseloso nito. Muntik pa siyang makasuhan ng breach of contract dahil sa kagustuhan nito. Pero ginawa pa rin niya. Sinunod niya lahat ng gusto nito.
Lahat ng ayaw nito, iniwasan niyang gawin. Ang huwag magsuot ng masiyadong sexy na mga damit, huwag mag make-up kapag ito ang kasama niya. Bawal makipag-usap sa members ng DKRC kung hindi ito kasama. Bawal siyang makipagkita sa mga kaibigan niyang lalaki kapag hindi ito kasama o wala siyang chaperone. At kung ano-ano pang mga ipinagbabawal nito ay hindi na niya ginagawa kahit napakahirap minsan sa kanyang sundin iyon.

BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...