Epilogue

9.5K 200 15
                                    

Months later....

Juanczo's

Pakiramdam ni Juanczo ay siya na ang pinaka-maligayang tao sa buong mundo.

Katatapos lang ng engrande nilang kasalan na ginanap sa Magalawa Island (DK Island). Hindi sila agad nakapagpakasal ni Stevie sapagkat naging maselan ang unang buwan ng paglilihi ng kanyang asawa. Palagi itong nagsusuka at palagi ring nakahiga lamang maghapon sa kanilang silid. Kaya naman siya lang ang punong-abala sa kanilang kasal.

Nakahinga siya ng maluwag at sa wakas ay umayos na ang pakiramdam ni Stevie at naikasal na nga sila.

At dahil hindi na siya single, ilang bilyon ang awtomatikong i-dinonate niya sa ilang charity institution. Hinayaan din niyang ang asawa ang magdesisyon kung nito balak i-donate ang naturang pera.

Pero sinorpresa niya ito ng malamang nagpatayo siya ng isang dance learning school para sa mga taga isla. Tuwang-tuwa ito at nangakong isa ito sa magiging dance instructor ng mga taga isla once na makapanganak ito.

Ang club naman na pag-mamay-ari ng kanyang asawa ay tuluyan ng pinanghawakan ng pinsan nitong si William at kapartner pa din si Margaux na asawa naman ni Jazon.

"What is this?" Rinig niyang tanong ng kanyang asawa sa pinsan niyang si Samuel Vergara.

Narito kasi sila ngayon sa isang ilog sa Gabaldon, Nueva Ecija na kung tawagin ay Dupinga River ng mga taga-rito.

Tubong Nueva Ecija ang kanyang pinsan na si Samuel na siyang tumulong sa mga taga Magalawa Island upang mabawi ang isla sa mga nais umangkin doon.

Magkapatid ang ama nila ni Samuel at nagmamay-ari ang mga ito ng napakalawak ng lupain sa bayan ng Gabaldon. Kay Samuel siya natutong magkaroon ng hilig sa kabayo sapagkat nag-mamay ari ito ng isang rancho kung saan ay napakarami nitong alagang kabayo na mga hybrid at mamahalin.

"Ah. We called it tinumis. Our local style of Dinuguan. Try it. Paborito 'yan ng asawa mo. Palagi niya yang pinapaluto kay Papa sa tuwing bibisita siya dito sa Gabaldon at mag-aayang mag-picnic dito sa ilog." Sagot ni Samuel sa kanyang asawa.

[Tinumis resembles another famous Filipino dish known as Dinuguan, which is also known as blood stew. The main difference between the two dishes has something to do with the ingredient that makes the dishes taste sour. Vinegar is used to make dinuguan, while tinumis uses either: tamarind leaves, tamarind flower, or tamarind mix. Pwede rin pong samahan ng hilaw na papaya ang tinumis. Pasintabi na lang po sa mga non-catholic readers ko. ☺️ Ang intensiyon ko lang po ay ipagmalaki kung anong meron ang bayan ng Nueva Ecija na wala sa ibang lugar.]

Alam niyang hindi naman maselan si Stevie sa pagkain kaso lang ay nagsimula itong maging pihikan noong naglihi na ito.

"Hmmm. It looks yummy. At amoy masarap." Nasisiyahang wika ng kanyang asawa at mukhang takam na takam nga sa tinumis at sinimula na itong lantakan.

Napapailing na lang siya habang tinitignan ang maganang pagkain ng asawa. Ngayon lang kasi ulit ito nagkaganang kumain sa sobrang pihikan at selan ng paglilihi. Mukhang tinumis pa yata ang nagpaglilihian ng kanyang asawa na pagkain.

Magana na rin silang nakisabay kay Stevie at pinagsaluhan ang mga nakahandang pagkain sa kanilang harapan.

PAGKATAPOS nilang maglibot sa Nueva Ecija ay dumiretso na silang pauwi sa Dingalan, Aurora.

Nais kasi ng kanyang mga magulang na maka-bonding pa si Stevie.

"Ah look at you, Stevie. Blooming na blooming ka. I'm sure babae ang unang apo ko. Ah! I'm so excited!" Natutuwang sabi ng kanyang ina na si Monique.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon