Author's Trivia (Fact)

6.5K 113 11
                                    

Peripartum Cardiomyopathy

Peri means "around the heart"
Post partum (Latin phrase) means "after childbirth"
Cardio means "heart"
Myo means "muscle"
and Pathy derived from the Greek word phatos which means "suffering or disease"

Peripartum cardiomyopathy is a weakness of the heart muscle that by definition begins sometime during the final month of pregnancy through about five months after delivery, without any other known cause. Most commonly, it occurs right after delivery. It is a rare condition that can carry mild or severe symptoms.


More than a year ago my older sister also suffered from this kind of heart condition that almost took her life.

She was intubated at the ICU for several days to help stabilize her breathing and to remove the mucus in her lungs caused by the said heart condition. And I have witnessed how hard the procedure of her medication was. The hospital bill is not a joke. It's a serious amount that an average people like us cannot afford to pay that's why up until now my sister is obliged to pay the debt from her in laws.

So why am I telling you this guys?

It is because I want to raise an awareness for the pregnant women out there. At dahil mga babae ang mostly Wattpad readers that's why I'm taking the opportunity to share my sister's experience about this kind of matter.

Hindi imposibleng maranasan din natin ang ganitong sakit mga Meses.

Ayon pa sa pagkakatanda ko sa sinabing diagnosis ng Doctor na gumamot sa Ate ko, nakukuha daw ang sakit na Peripartum Cardiomyopathy everytime na magbubuntis ang isang babae.

May mga unwanted fluids daw kasi na nabubuo sa katawan bago at pagkatapos manganak na napupunta sa baga at nag-c-cause iyon upang mahirapang mag-pump ng maayos ang puso which causes to abnormal heart rate and patuloy na pagtaas ng blood pressure. Kaya konting lakad at kilos lang noon ng Ate ko hinihingal na siya.

At kung patuloy na manganganak ang may ganitong uri ng kondisyon sa puso ay maaari na niya itong ikamatay.

Good thing that my sister underwent a ligation after she gave birth to her third child. Dahil hindi na kakayanin pa ng kanyang puso kung muli siyang magbubuntis. The doctor also said na pahina ng pahina ang puso ng taong may ganitong kondisyon sa tuwing manganganak ito.

(Shout-out nga pala sa Ate kong napakatapang na nilagpasan ang napakahirap na pagsubok na iyon sa kanyang buhay.) ladyziggy

Kaya ang payo ko sa inyo mga Meses, be vigilant. Maging aware tayo sa ating kalusugan habang tayo ay nagbubuntis. And make sure na matatanggal lahat ng unwanted fluids sa ating katawan pagkatapos manganak.

Please always consult your doctor kung may nararamdaman na kayong kakaiba sa inyong katawan habang kayo ay nagbubuntis. Magpa check up na kayo kaagad. Maaari itong maranasan ng kahit sinong babae.

I was emotional while writing this dahil naaalala ko ang mga panahong nasa hospital kami at binabantayan ang Ate ko.

I was there and witnessed my sister suffering on that hospital bed inside the ICU. Habang may kung anu-anong mga tubong nakakabit sa loob at labas ng kanyang katawan.

That was also the time that I prayed almost every minute. Yung tipong kahit naglalakad ako sa hallway ng hospital o sa kalsada para bumili ng gamot sa butika, nagdadasal pa din ako. O kahit sa mismong butika habang bumibili na ako ng mga gamot na kailangan ng kapatid ko, nagdadasal pa din ako.

We almost lost her. Pero sadyang napakabuti ng ating Panginoon sapagkat dininig niya ang aming panalangin at binigyan Niya muli ng panibagong buhay ang aking kapatid.

Noon ko mas napatunayan na talagang napaka-makapangyarihan ng taimtim na pananalangin. 😇

Nakalabas ang Ate ko ng hospital after a week only. And it's a miracle sabi nga ng mga Doctors noon. Dahil sa kalagayan niya noon akala namin tatagal pa siya ng ilang buwan sa loob ng ICU. But God made a miracle again at hindi niya hinayaang magtagal si Ate sa loob ng ICU. After three days nailipat na siya sa private room at doon na lang siya inobserbahan hanggang sa makalabas nga siya. And the rest is history. ☺️

Sinasabi ko sa inyo ito upang magsilbing inspirasyon at aral na rin. Huwag nating baliwalain ang ating mga nararamdaman na sakit sa katawan. Higit sa lahat, alagaan natin ang ating mga sarili lalo na kung kayo ay kasalukuyang nagdadalang-tao. Prevention is better than cure diba.😉

Salamat sa Panginoong Diyos. 🙏

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon