Chapter 43

7.6K 152 2
                                    

Stevie's

"I can't believe you let this happen, Papa!"

Dumadagundong ang galit na galit na boses ng ama niyang si Manuel sa engrandeng sala sa loob ng mansiyon sa Casa Catalina.

Agad kasing lumipad ang kanyang mga magulang pabalik ng Kelowna makaraang kumalat sa internet ang wedding proposal sa kanya ni Juanczo.

May balak pa sana silang mamasyal ni Juanczo sa buong Kelowna City ngayong araw ngunit nakatanggap siya ng tawag sa kanyang abuela at sinabing importanteng makauwi na muna sila sa Casa Catalina at isama raw niya ang kanyang fiancé.

Nakaramdam na siya ng hinala kung ano ang madadatnan sa mansiyon dala na rin ng kaseryosohan ng tinig ng kanyang abuela sa kabilang linya. Kaya naman inaasahan na niya ang ganitong eksena.

Pagbungad pa lamang nila ni Juanczo sa pintuan ng mansiyon ay agad ng sinalubong ng suntok sa panga ng kanyang ama ang kasintahan. Galit na galit ang kanyang ama dahil sinuway nila ang utos nitong layuan na siya ni Juanczo.

Hindi naman nagpatinag si Juanczo sa halip ay mapagkumbabang humingi ng patawad sa kaniyang nagawa. Ngunit nanindigan pa rin ang binata na hinding-hindi na ito makakapayag na muli pa silang magkalayo.

May ilang minuto na rin ang tensiyon sa mansyon at pawang mga nakaupo na silang lahat sa sofa habang ang kanyang ama ay wala pa ring tigil sa paglilitanya.

Sa totoo lang ay hindi siya sanay na ganito ang ugali ng daddy niya. Her father is always calm and composed whenever he talks. Isa itong madiplomasyang tao. Kahit na nga ba galit na ito dati ay mahinahon pa rin itong nakikipag-usap.

Marahil ay nasagad lang talaga ang pasensiya nito sa kanila kaya ito nagkakaganoon ngayon. Pulang-pula na ang mukha nito sa galit.

Pero hindi naman niya makuhang matakot ng husto sapagkat sa tuwing tumitingin siya sa kanyang Lolo Matias ay pawang amusement lamang ang nakikita niya sa mga mata nito at parati siyang tinitignan na para bang sinasabing ito ang bahala at magtiwala lamang siya. Ganun din naman ang kanyang abuela at mommy na pawang mga tahimik lamang sa tabi ng kanyang abuelo at daddy.

Silang dalawa naman ni Juanczo ay tahimik lamang din na magkatabing nakaupo at mahigpit na magkasalikop ang mga kamay.

"¿Por qué dejan que todo esto suciedera, Papa, Mama?" (Why did you let this happen?)

Galit pa ring tanong ni Manuel. Pero hindi katulad kanina ay mas kalmado na ito at nabawasan na ang pamumula ng mukha sa galit.

Naramdaman niyang humigpit pa lalo ang hawak ni Juanczo sa kanyang kamay. Ibinaling niya ang kanyang tingin dito na mababanaag ang pag-aalala sa gwapo nitong mukha. Bahagya na ring namumula ang parte ng mukha nitong tinamaan ng suntok ng kanyang ama.

Nginitian niyang ang kasintahan para sabihin ditong magiging maayos din ang lahat. Nararamdaman kasi niyang hindi rin siya matitiis ng kanyang ama.

"No vi nada malo en lo que hicimos, mi hijo." (I didn't see anything wrong with what we did, my son.)

Narinig niyang sagot ng kanyang abuelo. Hindi man lang itong kakikitaan ng pag-aalala sa mukha. Mukhang siyang-siya pa nga itong iniinis ang kanyang ama.

"You're unbelievable, Papa!" Her father hissed.

"Por que, Manuel? ¿Quires que tu hija pasará lo mismo que nosotros te hicimos a ti y a Ameelia?" (Why Manuel, do you want your daughter to experience the same thing we did to the and Ameelia before?)

Bakas na ang kaseryosohan sa tinig ng kanyang abuelo sa huling sinabi.

Napansin niya namang natigilan ang kanyang ama at bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha na waring naaalala ang nakaraan. Bumaling pa ito sa kanyang ina na tahimik pa rin sa tabi nito. Kapagkuwan ay sa kanya naman bumaling ng tingin ang kanyang ama.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon