Chapter 42

6.6K 195 6
                                    

• A/N
[ This chapter contains SPG scenes and narratively erotic. Kaya mga bata, skip niyo na na muna ang chapter na ito ha. Bawal pa sa inyo 'to. Huwag matigas ang ulo. At sa mga adult naman po na hindi sanay sa mga ganitong eksena, pakilagpasan na lang din po ang chapter na ito. ]

Stevie's

"So, what now?" Tanong ni Stevie kay Juanczo habang nakatayo sila sa verandah ng inupahan nitong silid sa Hilltop Escape. Kasalukuyan nilang pinapanood mula roon ang napakagandang sunset at mga nagsisimula ng magkislapang ilaw ng city lights ng Kelowna.

Nakatayo silang pareho at nakayakap mula sa kanyang likuran ang kasintahan.

Juanczo sniffed and kissed her neck before answering.

"You mean, what do we do after this?" Tukoy nito sa katatapos lang na nakakakilig na proposal nito sa may lawa.

Hindi naman siya agad makatugon sapagkat abala ang binata si Juanczo na hinahalik-halikan ang kanyang leeg pababa sa kanyang balikat kaya naman napapapikit siya sa sensasyong dulot noon. Maging ang mga kamay nitong nakayakap sa kanyang beywang kanina ay hindi na lang basta nakayakap ngayon kundi marahan na ding humahaplos sa kanyang tiyan at binibigyan siya ng kakaibang kiliti na umaabot pababa sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita.

"Y-yeah. Ano nang plano mo?" Umikot na siya paharap kay Juanczo dahil baka wala siya makuhang matinong sagot mula rito at nag-iinit na siya sa ginagawa nito sa kanyang katawan. And she knew where his seductive actions will take them.

Napasandal siya sa railing ng verandah sapagkat mas humigpit na ang pagkakayakap sa kanya ng kasintahan at ramdam na ramdam niya ang unti-unting pagkabuhay ng pagkakalalaki ni Juanczo dahil may kanipisan lang ang summer dress niya at naka-sweatpants lang ang binata.

"B-babe, sagutin mo muna 'ko." Aniya ng hindi kumibo ang kasintahan at patuloy lang na hinahalikan siya sa leeg at pinaglalandas ang mga labi mula sa likod ng kanyang tenga pababa sa leeg at balikat niya.

At dahil nakahantad ang kanyang likod sa suot niyang long back summer dress, ramdam na ramdam din niya ang kakaibang init na dala ng haplos ni Juanczo sa kanyang likod.

Juanczo bit her earlobe then finally stopped teasing her.

"I'm actually doing it right now, baby." Sagot nito sabay halik sa kanyang labi na may mapanuksong titig sa kanya.

Napairap siya sa naging sagot nito.

"I'm serious, babe. We need to make a plan kung paano natin 'to masasabi sa mga magulang ko. Sinuway lang naman natin ang kagustuhan nila." Worried na sabi niya. Nag-aalala siyang hindi matatanggap ng kanyang mga magulang ang kanyang desisyon lalo na ang kanyang daddy.

Juanczo just chuckled when he saw her worried face.

"Seryoso din naman ako ah." May kislap sa matang tugon ni Juanczo at ipinagpatuloy ang paghalik sa leeg niya.

"Babe naman eh." Reklamo niya habang sinusubukang itulak ang binata dahil nag-uumpisa na siyang madarang sa ginagawa nito sa leeg niya. Hindi pa sila tapos mag-usap at hindi siya matatahimik hangga't hindi niya malalaman kung may malinaw na bang plano si Juanczo.

"What?" Natatawang tanong sa kanya ni Juanczo.

"Mamaya mo na kasi ako landiin. Sagutin mo muna yung tanong ko." Naiinis na siyang sabi.

"I just told you I'm actually doing it right now." May kislap ng kapilyuhan sa matang sagot ni Juanczo.

Napamaang siya sa sagot nito.

"Hindi ko pa rin gets." Nakanguso niyang sabi.

Natawa na naman si Juanczo sa reaksiyon niya.

"What I meant is, bubuntisin na kita agad para nang sa ganon wala ng magawa ang parents mo para hindi tayo payagang magpakasal." Ani Juanczo na hindi maalis-alis ang pilyong ngiti sa mga labi habang nagsasalita.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon