Stevie's
Stevie feel so bored at the moment. Nandito siya ngayon sa isang charity event na dinaluhan nila ng kanyang ina which is held at Dark Knights Arena in Zambales.
She went outside the arena to breath some fresh air. It's not like she doesn't like the idea of attending charity events like this. Wala lang talaga siya sa mood ngayon para makipag-sosyalan so she left her mother inside.
The charity event is actually a silent auction which means the items for auction are displayed for participants to inspect closely. In front of each item is a document called a bid sheet where interested bidders can place a bid silently and anonymously using a bidder number.
Antique collections ang mga nakadisplay sa loob ng arena na open for bidding. And at the end of the fundraising event, iipunin lahat ng kinita ng bawat nabentang item at ibibigay ang seventy percent noon sa charity institution na napili ng fundraiser.
Bago siya lumabas ay nagsabi na siya sa Mommy niya ng item na gustong niyang bilhin. Antique wine glass iyon na balak niyang i-display sa bagong tayo niyang club.
Marahas na napabuntung-hininga si Stevie at inilibot ang kanyang paningin sa labas ng DK Arena to find some relaxing and quiet place to stay for a while. First time pa lang niya rito sa Dark Knights Riding Club kaya hindi niya pa kabisado ang lugar. At kahit naman siguro ilang beses siyang makapunta rito ay mahihirapan siyang libutin ito sa isang araw dahil sa lawak ng nasabing lugar.
That's why ayaw na sana niya sumama sa Mommy niya dahil bukod pa sa sigurado siyang halos matatanda lang naman ang a-attend ay may kalayuan din ang Zambales mula sa Manila. Kinailangan nilang magpunta ng mas maaga para makapag-ayos at makapagpahinga muna bago ang event. Good thing ay mayroong express way at may nakalaang hotel rooms para sa mga guests.
She settled her eyes on a coffee shop few meters away in front of the arena.
Oh great! DK Coffee Shop.
Mukhang kailangan niya ngang magpalipas na lang ng oras dito at magkape habang hinihintay matapos ang event. Ayaw naman niya kasing iwan ang Mommy niya dahil paniguradong masesermon siya nito.
She walks glamorously towards the coffee shop. Her navy blue off-shoulder two piece cocktail dress is gracefully swaying with her every move. She walked with total confidence and elegance.
Hindi na siya nagtaka ng halos lahat ng kalalakihan na naroon sa labas ng coffee shop ay napanganga sa kagandahan niya.
Ganoon siya lagi. DDSS. Diyosang Diyosa Sa Sarili. Pero may karapatan naman siyang mag-feeling diyosa because she possessed a body and face of a goddess.
[Hi sa mga ka DDSS ni Stevie! Hahaha!]
May gwapong lalaking nakasuot ng Dark Knights uniform na napasipol at binati siya sa salitang espanyol. She's a half Spanish-american half Filipino by the way.
"Hola hermosa! Que te trajo aquí?" (Hello beautiful! What brought you here?) Bati ng gwapong lalaki sa kanya.
She just rolled her eyes on him and continue walking towards the door of the coffee shop. Si William Alonzo ang taong bumati sa kanya. He is her first cousin. Magkapatid ang kanilang mga ama. Alam niyang aasarin na naman siya nito kaya wala siyang balak pansinin ito.
"Galing ako sa club mo kanina." Habol pang sabi ng pinsan niya ng tangka na niyang bubuksan ang glass door ng shop. Napatigil siya sa sinabi nito. Matalim na tinging binalingan niya ang pinsan.
"Lulugihin mo ba talaga ang business ko?" Iritadong tanong niya rito.
Bawat punta kasi nito sa club niya ay hindi ito nagbabayad kahit na nga ba umaabot ng halos sixty thousand pesos ang nagastos nito roon. Ang katwiran kasi nito ay magkamag-anak naman daw sila. Ang masaklap pa ay karay-karay nito ang mga kasamahan na member din ng Dark Knights Riding Club at kung ano-anong kayabangan ang pinagsasasabi.
BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...