Chapter 11

6K 138 3
                                    

Juanczo's

"I.. I'm sorry, what!?" Napaangat si Juanczo sa kinauupuan pagkarinig ng sinabi ni Jazon. Gulat na gulat siyang napanganga habang hinihintay ang sagot ng pinsan niya.

"A-Andrea is alive." Ulit nito na nilalamukos ang mukha sa labis na frustration.

"B-but how? H-how come?" Disbelief is written all over his face. "And how did you know?." Sunod-sunod na tanong niya.

"S-si Margaux ang unang nakaalam kaya umabot kami sa ganitong sitwasyon. N-nakunan ang asawa ko ng dahil sakin--

Hindi na natuloy ni Jazon ang nais sabihin sapagkat humagulgol na ito. Siya naman ay parang nanghihinang napasandal sa kinauupuan. Hindi siya makapaniwalang buhay si Andrea. Ang ex girlfriend ng kanyang pinsan na  buong akala nila ay namatay five years ago.

Pinahinahon muna ni Jazon ang sarili bago muling nagsalaysay ng mga pangyayari.

"H-hindi ko alam kung kelan nagsimulang mag-imbestiga si Margaux at kung paano niya nalaman na buhay pa si Andrea. B-basta ang alam ko lang pagkauwi ko galing business trip mula sa Japan, my wife approached me and handed me her cellphone na may recordings ng naging pag-uusap nila ni A-Andrea."

Huminga muna ng malalim si Jazon bago muling nagpatuloy. Siya naman ay mataman lang nakikinig na hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig.

"I...I got mad so I went to Ivonzky's house and found Andrea there which obviously waiting for me. And.. and she's already married and have one kid now. Ipinaliwanag din niya sakin lahat ng mga narinig ko sa recordings ni Margaux." Hayag muli ni Jazon na nagpalaki sa kanyang mga mata.

Ilan pa bang mga sikreto ang maririnig niya ngayong araw. Simula sa awayang William at Bryce na hindi niya alam kung anong kinalaman ni Senator Gamboa at Gabbrielle. At si Steven Lo na isa raw secret agent. Like what the fuck!?

Ngayon naman ay ang buhay naman palang si Andrea Ivonzky. Parang sasabog ang kanyang ulo sa mga sunod-sunod na rebelasyon mula sa kanyang pinsan.

"I was so mad after that. I feel betrayed. I was hurt. So instead of going home to my wife and comfort her. I went to a bar and got drunk. T-then I went home and...and Margaux and I had a fight. Sa.. sa ... sa sobrang galit ko naitulak ko siya. And that's the reason why w-we l-lost our b-baby.." Jazon exclaimed with so much agony while crying heavily. "Kasalan ko, Juanczo! Kasalanan ko kung bakit namatay ang anak ko! Kung bakit galit na galit sakin ngayon ang asawa ko!" Impit na sigaw ni Jazon habang pinupukpok ng mga kamao nito ang sarili.

Lumapit siya rito upang pigilan ito sa ginagawa. Nasasaktan siya sa nakikitang kamiserablihan ng kanyang pinsan. Oo nga at hindi niya gusto ang dahilan nito ng pagpapakasal kay Margaux pero sa nakikita niya ngayon kay Jazon, ramdam niyang may pagtingin rin ito sa asawa kaya hindi niya rin gugustuhing masira ng ganito ang pagsasama ng dalawa at baka mauwi pa sa hiwalayan.

Niyakap niya ng mahigpit si Jazon para pakalmahin ito.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Jazon. Naging biktima ka lang ng kasinungalingan ni Andrea. Naging biktima ka lang din ng galit mo kaya nagawa mo yon kay Margaux. Pero alam kong hindi mo yon sinasadya dahil kilala kita. Sasaktan mo muna ang sarili mo bago mo masaktan ang mga taong mahal mo." Masuyong saad niya sa pinsang impit pa ding humahagulgol sa kanyang balikat.
"The best thing you could do now is to rest. Para makapag-isip ka ng maayos ng mga susunod mong gawin."

Kumalas naman na sa pagkakayap niya si Jazon at pilit kinakalma muli ang sarili mula sa pag-iyak. Basang-basa ang mukha nito ng mga luha.

Damn! This is the first time I saw my cousin like this.

Wika niya sa isip at bumalik sa kusina niya para kumuha muli ng tubig para sa kanilang dalawa ng kanyang pinsan. Kaiinom lang niya ng tubig pero muli na naman siyang inuhaw sa mga narinig buhat dito.

Nang makabalik siya sa kanyang pinsan ay naalala niyang kailangan nga pala niyang ipasundo ang kasintahang si Stevie. Hindi pa nga pala niya natatawagan ang piloto niya.

"Drink water first. May tatawagan lang ako sandali." Pagkasabi non ay agad niyang tinawagan si Caleb Madrigal. Ang kanyang private pilot para ipasundo si Stevie. Tinext na lang din niya ang kasintahan na pumunta sa helipad ng HC Tower nila Jazon at doon ito pi-pick up-in ni Caleb.

Pagkabalik sa sala ay naalala niyang baka hindi pa kumakain ang kanyang pinsan kaya tumawag siya sa DK Rest-Oh para umorder ng pagkain nila. Siya man din ay nagugutom na sapagkat hindi pa siya nakakapag-agahan ay dumeretso na siya ng munisipyo para sa flag raising ceremony. It's monday kaya naman importanteng makadalo siya roon. Tinapos pa niya ang mga kailangang pirmahang dokumento bago siya lumipad patungong Zambales.

Pinagpahinga na muna niya ang pinsan habang hinihintay nila ang kanilang pagkain. Kapagkuwan ay naalala niyang tawagan si Mauricius Klyde para tanungin kung nasaan na ito.

"Nasaan kana Klatten?" Tanong niya rito ng sagutin nito ang kanyang tawag.

- I'm on my way, Dos. And I'm three fucking hours away to save your ass.-

Nakuha pa talaga nitong magbiro. Palibhasa kasi hindi ito ang stress na stress ngayon sa mga nangyayari.

"Fuck your ass!" He cussed.

- and I love you too, bud.-

Pinatayan na niya ito ng cellphone sapagkat dumaragdag pa ito sa stress niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din ang mga inorder niyang pagkain mula sa DK Rest-Oh. Ganoon ang kanilang naisip na ipangalan sa restaurant sapagkat may gimmick silang pa-spa at pa-massage sa isang bahagi ng naturang lugar para sa mga nais mag-relax muna habang naghihintay ng kanilang mga order na pagkain. Mayroon ding mini playground sa second floor ng restaurant para sa mga bata na may mga nakatalaga namang magbabantay.

Pagkatapos nilang pagsaluhan ni Jazon ang pagkain ay muli niya itong pinagpahinga sa kanyang kwarto.

Makaraan ang ilang sandali ay narinig niyang nag-iingay ang kanyang cellphone at nagmamadali niya iyong sinagot ng makitang si Gabbrielle ang tumatawag.

Nakiusap itong puntahan niya ito sa isang malapit na coffee shop sa labas ng DKRC. Pansamantala niya munang iniwan ang pinsan na nasa kwarto para puntahan si Gabbrielle.

Hayyy..ilang tao ba ang kailangan kong tulungan ngayong araw?

Malalim na napabuntung-hininga niyang sabi sa isip bago lumabas ng kanyang private suite at puntahan ang isa pang nangangailangan ng kanyang tulong.

***
Isang maikling update po muna ngayong gabi. At bukas po sa Chapter 12 siguradong hindi kayo mabibitin sa mga eksena na may halong SPG. 😅
Good night everyone 😴

Huwag niyo rin po kalimutang basahin ang istorya nina Jazon Chan at Margaux Sy sa Victims Of Love.
Thank you all guys.❤️

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon