*Revelations begins here*
Stevie's
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Stevie kahit ramdam pa din niya ang pagkahilo. Wala pa siya sa tamang huwisyo ng pilitin niyang bumangon ngunit agad din siyang napabalik sa pagkakahiga sa maduming sahig ng hindi niya magamit ang kanyang mga kamay sa pagbangon.
Pakiramdam niya ay hindi niya kayang igalaw ang mga braso at paa.
What is happening to me?
"Ugh!" Napaungol siya ng sinubukan na naman niyang bumangon ngunit pabagsak lamang siya muling napahiga sa sahig. Kahit anong pilit niyang ibukas ang kanyang mga mata ay hindi niya magawa sapagkat hilong-hilo ang kanyang pakiramdam. At sa tuwing susubukan niya ay parang sumasakit ang kanyang ulo.
Hilong-hilo ang kanyang pakiramdam at hindi niya matandaan kung anong nangyayari. Ang tanging nasa isip lamang niya ay uhaw na uhaw na siya at masakit ang kanyang buong katawan.
"T-tu-tubig... I.. I n-need w-water.." paos niyang tinig habang pinipilit pa ring bumangon at ibukas ang mga mata.
Bakit walang nakakarinig sa'kin?
Panaginip lang ba 'to? Am I only dreaming?"M-mom? D-dad?" Paos niya pa ring tinig habang tinatawag ang mga magulang.
Where are they?
Nag-umpisa na siyang makaramdam ng takot nang wala man lang sumasagot sa kanya. Napakatahimik lang din ng paligid at tanging paghinga lamang niya ang kanyang naririnig.
She feels groggy when she forced herself to get up again. Pinilit niyang itukod ang kanyang mga kamay na hindi niya alam kung anong nangyayari sa mga iyon at hindi niya mapaghiwalay at maigalaw ng maayos.
Dammit!
"J-juanczo! B-babe? H-help...me.. I can't...--" pumasok sa kanyang ala-ala na nasa Hacienda Vergara nga pala siya kaya kahit anong tawag niya sa mga magulang ay hindi sasagot ang mga ito. Pero parang mas bumigat naman ang pakiramdam niya ng banggitin ang pangalan ng kanyang nobyo.
"Ugh! Fuck!" Frustrated na muli na lamang niyang ibinagsak ang katawan sa malamig na sahig.
Why am I lying on the floor? What is really happening?
Litong-lito ang pakiramdam ni Stevie habang mariing nakapikit ang mga mata. Pilit niyang inaalala sa isip ang mga nangyari.
Muli niyang sinubukang imulat ang mga mata kasabay ng pag-alala sa mga pangyayari.
Nagpasalamat siya nang kaunti na lang sakit sa ulo at hilo ang kanyang naramdaman ng muling subukang idilat ang mata.
Ngunit malabo ang tingin niya sa paligid. Bahagya pa siyang nag-adjust sa liwanag ng ilaw sa kisame na nasa tapat niya.
May isang minuto pa niyang sinanay ang mata sa paligid bago ito naglinaw.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang hindi silid ni Juanczo sa mansiyon ng mga ito ang nabungaran niyang paligid. Kasabay ng pagdaloy lahat ng ala-ala sa kanyang isipan.
Don't make me choose or else we will ended up hurting each other.
I love serving people that's why I'm running for a higher position right.
Do whatever will makes you comfortable and happy,Stevie. But always remember that I love you.
Promise me that you will eat kahit na hindi mo ako kasabay ha.
I am very sorry, Stevie. But this is for the better.
You can leave now, Stevielyne. I already instructed my personal pilot to fly you back to Manila.
BINABASA MO ANG
The Mayor
RomantizmMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...