Chapter 28

6.1K 172 3
                                    

Stevie's

Ilang sandali lamang ang lumipas ay nakita muli ni Stevie na pababa mula sa hagdanan si Senator Gonzalez kasunod ng mga goons nito. At kagaya kanina ay nakakalokong ngisi pa rin ang nakaguhit sa labi nito habang nakatingin sa kanya.

She returned the devil's gaze with a sharp look. Her jaws are clenching with full of anger.

Mga hayop! Pagbabayaran niyo lahat ng ito!

Nais niyang isigaw ang mga salitang 'yon kay Jaime ngunit may panyong nakatali sa kanyang bibig. Kaya sa halip ay sinundan na lamang niya ng masamang tingin ang papalayong bulto ng senador.

"Hmmmm! Hmmmm!"

Ibinaling niya ang tingin kay Floren na umuungol at nakatingin kay Lucilla na papunta sa direksiyon nila.

Lucilla took off the handkerchief on Floren's mouth and let her neice drink some water.

Alam na niya sa mga sandaling iyon na hindi ito katulad ng kapatid nito. Siguro ay katulad lamang din ito ni Floren na masiyado ang takot kay Lorena at walang magawa kaya nagiging sunu-sunuran na lang.

"Thanks, Tita Lucilla." Rinig niyang pagpapasalamat ni Floren pagkatapos nitong makainom ng tubig.

Akala niya ay si Floren lang ang papainumin ng tubig ni Lucilla ngunit umikot ito paharap at naglakad patungo naman sa kanya upang tanggalin din ang panyong nakatali sa kanyang bibig.

Hindi siya tumanggi ng ilapit nito ang bottled water sa kanyang bibig upang painumin siya. Ngunit labis niyang ipinagtaka ang sinabi nito.

"Please take care of my niece, Stevie."

Halos pabulong lang nito sinabi ang mga katagang iyon, sapat lamang upang marinig niya. Pero kuhang-kuha niya ang mensaheng nais iparating ng mga mata nitong matiim na nakatitig sa kanya.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang awa niyang nararamdaman para kay Lucilla habang sinusundan ito ng ng tingin na lumalakad na pabalik sa itaas. Ngunit isa lamang ang kanyang nasisiguro ngayon. Lucilla is not an enemy at all. Hindi na rin nito ibinalik ang panyo sa kanilang bibig.

Muli siyang nabuhayan ng loob.

Tumingin siya kay Floren na nakatingin din sa kanya. Hindi niya sigurado kung nay sinabi din dito si Lucilla kaya nakangiti na ito ngayon sa kanya. She smiled back and pray for their safety. May kakaibang kaba kasi siyang nararamdaman.

NAKAYUKYOK ang ulo ni Stevie ng bigla siyang magulat sa sunod-sunod na putok ng baril na kanyang narinig mula sa kung saan.

"W-what's that, Ate Stev?" Nahintakutang tanong sa kanya ni Floren.

"It's a gun shots." Bulalas niya.

Bigla ang pagsalakay ng takot sa kanya nang nagmamadaling bumababa sa hagdanan sila Lorena kasunod ng mga tauhan nito. Pawang mga armado ang mga ito at handang-handang pumatay ng tao ang mga itsura.

"Dalhin niyo ang dalawang 'yan! Madali kayo!" Malakas na sigaw ni Lorena bago ito bumaling sa kanya at binigyan siya ng isang malutong na sampal sa pisngi na halos ikabingi niya.

"Mom, stop it!" Rinig niyang sabi ni Floren.

"Shut the fuck up, Floren!" Sigaw muli ni Lorena. "And you, and your stupid boyfriend! Akala ba niya maiisahin niya kami ha?! Pwes! Nagkakamali siya!" Baling naman nito sa kanya.

Sa halip na matakot siya ay isang mapang-insultong ngisi ang ibinigay niya rito. Manhid na siya sa anumang pananakot nito. Ngayon pang alam niyang dumating na ang kanilang rescue.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon