Chapter 32

5.4K 155 2
                                    

Lorena's

"Mga inutil!" Sigaw ni Lorena sa mga tauhan niya na mga nakahandusay na sa sahig.

Pababa na sana siya sa basement upang puntahan ang kanyang anak na si Floren. Kahit papaano kasi'y nakonsensiya siya sa sinabi ni Juanito.

Ngunit nasa ikatlong palapag pa lamang siya nang makarinig na ng putukan sa labas ng gusali.

Naningkit ang kanyang mga mata sa galit nang sabihin sa kanya ng isa niyang tauhan na napasok sila ng mga kalaban. At sigurado siyang kampo ng mga Vergara iyon.

"Nasaan sila Henry? Si Fabio?!" Malakas niyang sigaw sa kanyang mga tauhan na nakapaligid sa kanya habang nagmamadali silang patungo sa basement. Panay ang kubli nila para makaiwas sa putukan.

Malinaw na hindi sumunod sa usapan ang mga Vergara. Kaya habang naglalakad siya ay nag-iisip na siya ng paraan kung paano makakaganti sa mga ito.

*****

Stevie's

Nagulantang sina Stevie at Floren nang biglang bumukas ang pintuan nang silid na kanilang kinaroroonan.

Napaatras sila pareho nang nagmamadaling pumasok si Fabio na may hawak na baril.

"Henry, pinapatawag kayo ni Lorena sa itaas. Madali kayo! Pinasok na tayo ng mga kalaban!" Sigaw na utos ni Fabio. Bahagya pa itong hinihingal habang nagsasalita.

Mabilis namang tumalima ang tatlong tauhan ng mga ito. Ngunit sa kaniyang pagkabigla ay humandusay ang tatlo sa sahig pagkatapos pagbabarilin ni Fabio bago pa man makalabas ang mga ito sa silid.

Nanlalaki ang kanyang mga mata sa nasaksihan. Si Floren ay nagsumiksik sa kanya habang nanginginig sa takot.

Natakot siya ng husto nang lumakad na si Fabio palapit sa kanila.

Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha ng lalaki ngunit halata sa kilos ni Fabio na nagmamadali ito.

"Ah!" Napahiyaw sila ni Floren nang hilahin nito bigla ang dalagita.

"Parang awa mo na, huwag mong gagawin yan! Maawa ka sa bata!" Pagmamakaawa niya nang makitang naglabas ng kutsilyo ang lalaki habang mahigpit na hawak si Floren.

"Ate Stevie!" Natatakot na saad ni Floren. Umiiyak na ito habang nagpupumiglas.

But Fabio never did what she was thinking. He didn't hurt Floren but told her to turn around instead and cut the rope on Floren's hands using his knife.

Naguluhan siya sa nangyayari.

"F-fabio?" Hindi makapaniwalang saad ni Floren pagkatanggal ng tali sa kamay nito.

"I want you two, to run as fast as you can paglabas niyo sa silid na ito." Habang sinasabi nito ang mga katagang iyon ay siya naman ang tinanggalan nito ng pagkakatali sa kamay.

"W-what is happening?" Naguguluhan niyang tanong. Katulad din ba ito ni Lucilla? And speaking of Lucilla. Nasaan na kaya ang babae? Hindi na ito muli pang nagpakita sa kanila.

"Yeah! What is happening here?"

Sabay-sabay silang napalingon sa kapapasok lang na si Lorena sa silid at nasa likuran ang mga tauhan.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon