Stevie's
Abala si Stevie sa pag-iisip kung paano siya makakatakas mula kay Lorena ng muli na namang bumukas ang pintuan ng silid na kanyang kinaroroonan.
Pumasok ang isang goon na may bitbit na maliit na mesa at upuang monoblock. Nang maiayos nito ang upuan at mesa ay siya namang pagpasok ni Floren.
"Eat." Matigas na utos nito sa kanya matapos nitong ilapag ang naka-styrofoam na pagkain. Meron din kasamang disposable spoon at bottled water ang dala-dala nito.
Lalo pa niyang naramdaman ang gutom at uhaw pagkakita sa mga iyon.
"How? You see I'm tied up here." Reklamo niyang saad.
Mataray namang umirap ito sa kanya bago sinenyasan ang lalaking goon upang kalagan muna siya.
"Tulungan mo na din siyang makaupo sa upuan." Muling utos nito sa lalaki pagkatapos makalag ang kanyang tali sa kamay.
Guminhawa ang kanyang pakiramdam matapos maalis siya sa gapos. Ngunit nag-iwan naman iyon ng mapupulang marka. Bahagya rin siya nagkasugat doon sa higpit ng kanyang pagkakatali.
"Don't you dare make a bad move, or you'll die." Banta sa kanya ni Floren.
"As if naman may magagawa ako. Kamay ko lang ang walang tali pero tignan mo naman ang mga binti ko o." Inis naman niyang tugon dito.
Muli pa siya nitong inirapan habang pinagmamasdan ang pag-alalay sa kanya ng tauhan ng mga ito na makaupo sa upuan.
"Masama din talaga ugali. Manang-mana sa ina." Pabulong niyang saad ng makaayos na siya ng pagkakaupo.
"What did you say?" Malakas na bulyaw nito ng marinig siyang may ibinubulong.
"Sabi ko, salamat naman at naisipan niyo pa 'kong pakainin. Your evil mother will kill me anyway." Patuya niyang sagot dito.
"Stop talking okay! Just eat your food!" Mataray na naman nitong tugon sa kanya at sinenyasan ang goon na lumabas muna.
Nagulat siya ng bigla itong tumabi sa kanya at nagbago ang ekspresyon ng mukha. Floren leaned down and whisper.
"You have to eat fast, Ate Stev. Bago ka pa maabutan ni M-mommy." Tila kinakabahang sabi ni Floren. Pabulong lamang ang pagkakasabi nito na sapat lang upang marinig niya.
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. May hinalang unti-unting nabuo sa kanyang isipan. Nabuhayan siya ng pag-asa sa nakitang pagbabago ng ekpresiyon sa mukha ni Floren.
Lumayo muli ito sa kanya at sinenyasan siyang kumain na.
Mabilis naman niyang kinuha ang pagkain at sinimulang kumain.Gutom na gutom at uhaw na uhaw na siya kaya wala pang limang minuto ay naubos niya ang kinakain at inumin na dala nito.
"Thanks for this." Aniya kay Floren na nakatitig lamang sa kanya. Bakas sa anyon ng mukha nito ang pagkaawa. Parang hindi ito ang Floren na mataray kanina.
Pamaya-maya ay humalukipkip ito at ibinalik na naman ang mataray na itsura ng muling bumukas ang pintuan at pumasok muli ang tauhan ni Lorena upang kunin ang lamesa. Pati na rin ang kanyang mga pinagkainan.
Nagpasalamat siya at pinabayaan na nitong nakaupo siya sa monoblock ngunit muli naman nitong tinali ang kanyang mga kamay sa likod ng upuan.
Sumenyas si Floren sa kanya gamit ang mga nito upang ituro ang cctv. Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin kaya nagpanggap siyang walang anumang sinabi sa kanya si Floren habang nasa loob pa rin ang tauhan ni Lorena.
She knows a little self defense sapagkat may martial arts lesson din na ino-offer ang kanilang learning school. Paminsan-minsan ay sumasali siya roon at natuto nga siya ng mga basic self defense. But she didn't want to take a risk dahil hindi naman siya ganoon kasanay makipag-bakbakan.
BINABASA MO ANG
The Mayor
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie Doré is a total performer. She can act, sing and she's a very good dancer. She has everything that every woman like her could ask for. Wealth...