Chapter 19

6.2K 143 2
                                    

Stevie's

Months later....

"Stevie, hija. What are you doing out here? Oh! Wait, let me guess. Naiinip ka na sa loob no. Dahil wala na silang ibang pinag-usapan kundi politics, politics, politics and politics."

Bahagyang nagulat si Stevie ng biglang magsalita sa likuran niya ang ang Mommy ni Juanczo na si Monique.

May hawak pa itong kopita ng alak sa isang kamay at namumula na rin ang mukha nito. Palantandaan na tinatamaan na ito ng naiinom. Mabuway na rin kasi ang tayo nito.

Nandito sila ngayon sa DK Lounge and Bar kung saan nagaganap ang after party ng katatapos lang na concert for a cause sa DK Arena.

It's Christmas pero napakalungkot ng kaniyang pakiramdam.

Nagkasamaan pa sila ng loob ni Mama Luisa na handler niya sapagkat kumalas na siya sa kanyang grupo na Versatile Moverz PH. Muntik pa rin siyang makasuhan ng breach of contract ng Studio Nine dahil hindi na niya itinuloy ang mga nakalinya pa niya sanang upcoming projects doon.

At ang dahilan? Nagseselos si Juanczo sa mga lalaking nali-link sa pangalan niya. Pati sa kanyang mga ka-grupo sa VMPH.

Mabuti na lamang at mismong si Bryce Maverick Gamboa na ang umayos ng lahat para sa kanya. Nagbayad na lang din ng malaking halaga ang kanyang nobyo bilang penalty sa hindi niya pagtugon sa nasasaad sa kanyang kontrata ng Studio Nine at VMPH Management.

"Para yun lang?"

Naalala niya pang sabi ng kaibigan niyang si Odalie sa kanya ng magpaalam siya rito na aalis na siya sa grupo.

"Tapos siya malaya niyang magagawa lahat ng gusto niya ganon? It's unfair, Stev!"

Malalim siyang napabuntung-hininga ng maalala ang naging reaksiyon ni Odalie. Tutol talaga kasi ito sa dahilan ni Juanczo kung bakit siya pinag-quit sa showbiz. Pero mahal na mahal niya ang kasintahan at ayaw niyang magkagalit sila ng dahil lang sa trabaho niya. Ang kainaman lang ng nangyari ay mas makakapag-focus na siya sa 2G's Club.

Lalo na ngayo't nagkabalikan na sina Jazon at Margaux na siyempre pa dahil sa tulong nilang dalawa ni Juanczo.

Sigurado siyang mag-f-file ng vacation leave ang kaibigan at siya muna ang maiiwan doon para mamahala.

"Hija. Are you okay?" Untag ni Monique sa kanya ng hindi siya agad nakasagot dito. "Iniisip mo pa rin ba ang pag-alis mo sa Studio Nine at VMPH?"

"Yes po, Mommy." Nahihiya niyang tugon dito. Kanina ang farewell performance niya bilang Stevie Doré.

Bago pa man siya nagdesisyon na sundin ang gusto ni Juanczo ay kinausap muna niya ang kanyang magulang. Susuportahan daw ng mga ito kung ano man ang kanyang magiging desisyon. Tutal ay may naghihintay namang posisyon para sa kanya sa family business nila ayon pa sa mga ito. Mainam din daw na makakapagpahinga siya ng maayos hindi katulad dati na lagi siyang puyat kaka-taping.

"I'm sorry, hija. My son can be too possessive sometimes. But for the people he truly loves only. Ganoon siya magpakita ng pagmamahal."

"Hindi ko lang po kasi talaga maiwasang malungkot. Pero hindi ko naman po pinagsisisihan ang naging desisyon ko. Mahal na mahal ko ho ang anak niyo kaya gagawin ko lahat mapasaya lang siya." Madamdamin niyang sabi kay Monique.

"Ahhh. Hindi talaga nagkamali ng pagpili sayo si Juanito ko." Kinikilig namang saad ni Monique.

Ilang minuto pa silang nagkwentuhan bago nila napagpasyahang bumalik na sa loob ng DK Lounge and Bar.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon