Chapter 1
Bias
"Kumain ka na muna."ani Tita Milda sa akin at dumiretso sa kusina para paghandaan ako.
"Buti naman at dumito ka muna. Masaya dito pag buwan ng January. Maraming ganap kasi pyesta."ani Kuya Cezar at kinuha na ang maleta ko para dalhin sa kwarto na para sa akin.
Ngumisi lang ako at bumaling sa ama na ngayo'y nakatitig rin sa akin. Pumuputi na ang buhok niya. Bumuga siya ng malalim na hininga.
"Anong nangyari sa'yo, Crystal? Ang dami kong nabalitaan sayo."aniya at napailing.
Umalis nga ako roon kay Tita Ara para makaiwas sa ganitong usapin tapos ngayon naman, pati dito, makakaabot yun?!
"Fake news 'yang nabalitaan n'yo, Pa."iritadong sambit ko.
"Wag munang pag-usapan yan, Rey. Kakadating lang ng anak mo. Hayaan mo muna siyang magpahinga."ani Tita Milda at nilapag sa harap ko ang pagkain.
Bumaling ako sa kaniya at matamis na ngiti naman ang binigay niya sa akin. Sumulyap ako sa hoops sa kaniyang tainga na ang laki-laki. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang damit. Nakapambahay lang naman siya pero pambahay lang din ba niya ang hikaw na yon? Hindi bagay. Parang... pokpok.
"May boyfriend ka na ba, hija?"tanong niya sa akin.
Tumikhim ako at binaba ang tingin sa pagkain. "Wala pa, po."
"Eh, sino iyong Jarbo na yon? Hindi mo boyfriend? Anong tawag don? Fling?"ani Papa kaya naman nilingon ko siya.
Anger starts to boiled inside me. Ikaw nga, cheater. Wala naman akong sinabi sayo. Hindi nga kita pinapakialaman. Hindi ko nga kayo pinagsabihan ng masama. Samantalang, ikaw? Bali-balita lang ay naniwala ka na agad. Hindi manlang ako tanungin kung totoo ba. Wow, the audacity...
"Customer."tanging sagot ko.
Napamura si Papa. Si Tita Milda naman ay nakitaan ko ng gulat. Pumasada pa ang tuwa sa mata niya pero agad ring nawala iyon.
'Tsaka ko lang napagtanto na iba pala ang tunog non sa kanila. Damn it! Hanggang dito ba iisipin pa rin ng mga tao na pakangkang ako?!
"Nagtitinda ako ng mga dessert, Papa. Hindi iyong iniisip niyo. Hindi ako ganon."
"Ay, weh, Crystal?"si Kuya Cezar na kalalabas lang ng kwarto. "Buti nalang! Next week, may handaan doon kila Joel. Ako kasi ang magluluto ng dessert. Eh, di ako marunong."aniya at napakamot sa kaniyang ulo.
Anak ni Tita Milda si Kuya Cezar. Mayroon pang dalawa. Si Veronica at Lester. Wala sila rito at minsanan lang yun umuuwi noon pa man. Si Kuya Cezar lang ang kasundo ko dahil may ugali ang dalawa na yun.
"Oh! Buti naman. Para may mapaglibangan siya. Ipakilala mo sa mga girls mo si Crystal para magkaroon ng kaibigan."humagikhik si Tita Milda.
Nilunok ko ang pagkain sa aking bunganga bago nagsalita. "Okay lang ba yun, Kuya? Hindi naman ako invited."
Humalakhak si Papa. "Walang gano'n dito, Crystal. Pwede kang kumain kahit saan kahit 'di ka invited. Pyesta eh. 'Tsaka nandoon naman si Kuya Cezar mo kaya hindi mo kailangang mahiya."
Wow, ayos. Magtake-out kaya ako? Pwede na akong makasurvive ng isang linggo non. I laughed at that thought.
"Pwede mo rin siyang ipakilala sa mga boys doon–"
"Milda, hindi. Hayaan mo ang lalaki na lumapit."putol ni Papa kay Tita.
Napanguso ako at tumaas ang kilay. Lagi niya ring pangaral sa akin yan nung bata ako. I wonder what happened with them? Si Tita Milda ba ang lumapit o si Papa?
![](https://img.wattpad.com/cover/236113060-288-k16916.jpg)
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...