Chapter 44
Fake
"Are you okay?"tanong ng make up artist sa akin pagkapasok ko sa backstage. Tapos na ang pictorial namin at si Cessa nalang ang naiwan doon. Uuwi na ako. Magpapahinga na ako.
Tumango ako at pagod na ngumisi. Agad na akong pumasok sa fitting room para magbihis. Pati sila ay alam na hindi na maganda ang pakiramdam ko kanina doon.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ang matamlay kong mukha. Tumulo ang luha sa mata ko. Agad akong lumunok at napapikit. Kinontrol ko ang paghinga ko. Breathe in. Breathe out. I'm gonna explode right now. Ayokong umiyak. Ayokong magmukhang mahina.
Kakausapin ko si Raze. It's now or never. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin o sabihin niya. Gusto ko lang siya makausap. Gusto ko lang malaman niya. Pagtapos no'n, siya na ang bahala. Magmu-move on na ako at haharapin ang panibago kong buhay.
I have many things to face. Uunahin ko muna 'tong ayusin bago sila Papang. Let's take everything slow, Crystal.
Lumabas ako ng fitting room. Nakita ko ang dalawang model doon na nakatingin sa akin. Nagbulungan at tumawa.
Kinagat ko ang aking labi at agad na kinuha ang bag ko. You made your point, everyone. I know I'm not good at anything. Don't laugh at me.
Lumabas na ako at nakita si Cessa na nandoon pa rin at kinukuhanan. Agad kong hinanap si Raze at nakita ko siyang nasa malayong couch pero nakatanaw pa rin kay Cessa.
Nilunok ko na ang pride ko at agad na lumapit sa kaniya kahit na abala siya sa pagtingin sa babae na 'yon. Bawat hakbang ko ay dinudurog ang puso ko. Wala na akong epekto sa kaniya. Hindi niya ako halos tingnan. Ang sakit sakit lang.
Abala ang lahat sa panonood kay Cessa at pag-aayos pero may iba pa rin na nanonoo sa akin ngayong papalapit ako kay Raze.
"Raze."tawag ko sa kaniya.
He just let out a silent, "Hmmm?"
Hindi siya nag-abalang tingnan ako at nakatingin lang kay Cessa. Nilingon ko ang pwesto ni Cessa at nakitang nakatingin ito sa pwesto namin. Agad din naman siyang tumingin sa camera at hindi na kami pinansin.
Kakausapin ko lang naman saglit ang boyfriend mo. Wala akong gagawin.
"Raze." Baling ko ulit kay Raze.
"What is it, Crystal?"iritadong sambit niya, hindi pa rin tinatanggal ang tingin kay Cessa. Nayayamot pa dahil naiistorbo ko siya.
Para akong sinaksak ng ilang beses dahil sa inaakto niya. Can you be a bit considerate, Raze? Nasasaktan na ako at wala ka manlang pakialam.
"P-P'wede ba tayong mag-usap?" Nabasag ang boses ko.
Binaling niya na ang tingin sa akin at nagtaas ng kilay. "We're now talking. What do you want?"supladong sambit niya.
Ang inakala kong malayong si Raze ay mas lalo kong tinanaw. Mas lalo lang nasampal sa akin na hinding hindi kami pupwedeng mangyari dahil malayo siya. Ibang iba na ang kaharap ko. Ibang tao na. Hindi na siya 'yong Raze na minahal ko talaga no'n. Ang inakala kong mga posibilidad na p'wede kaming maulit dahil sa mga kinilos niya nitong nagdaang araw ay nawala na parang bula.
"Somewhere private, Raze. K-Kahit saglit lang naman..."
Nangilabot ako dahil sa tunog nakikiusap ng boses ko. Ganitong ganito ang tono niya no'ng unang beses kaming nag-usap sa Engagement Party. Ganito siya manghingi ng sagot sa mga tinanong niya.
Ang malamig niyang tingin ay lalo lang nadepina nang kumunot ang noo niya sa akin. Tingin palang ay nanliliit na ako. Tingin palang ay para na akong naiinsulto.

BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...