Chapter 33
Fight Again
Umalis kami ng Mindoro. Batangas daw ang tungo namin. Nag-offer silang sa Maynila pero tumanggi ako dahil maraming makakahanap sa akin doon.
Nandoon si Mara. Si France. Si Dominic. Ang pamilya Guavano. Si Tita Ara. Maraming pwedeng humatak sa akin pabalik ng Mindoro.
Hindi nila maiisip na nasa Batangas lang ako. Wala akong kakilala roon. Wala akong mapupuntahan. Hindi nila maiisip na nandoon nga ako.
"Anong sasabihin natin kay Papang?"tanong ni Mia kay Jael.
Nasa yate na kami at nakahiga lang ako sa kama at pinipilit ang sariling matulog. Nagdesisyon akong umupo para makinig sa kanila.
"Ikekwento ko muna kay Papa ang tungkol sa kaniya. Siya na ang magsasabi no'n kay Papang."
"Kuya, alam mo naman si Papang. Magagalit 'yon satin. Alam mo namang ayaw no'n na nagpapatira tayo sa bahay. Iisipin no'n na nagwawaldas tayo ng pera."
Tumikhim ako. "P-Pwede akong maging yaya..."
Kahit papaano pala, may mga tao pa ring handang magmalasakit nang walang hinihinging kapalit. Nananahimik ang mga buhay nila pero eto ako, binigyan sila ng perwisyo.
Agad na umiling si Mia. "Hindi ka namin magiging yaya, 'no! No way!"
"Hindi rin maniniwala 'yon. Sinabi ko kay Papang last week na hindi muna ako magha-hire ng trabahante. Nagtanggal nga ako ng mga kasambahay."ani Jael.
Tumango si Mia. "Praktikal kasi 'yon si Papang. Ayaw niya ng magastos. Ayaw niya ng nagsasayang ng pera. Kapag naman sinabi naming tinutulungan ka namin, dadalhin ka no'n sa mga facilities ng gobyerno."
"Magtatrabaho nalang ako sa Batangas. Okay na siguro 'yong tinulungan n'yo ako makaalis sa Mindoro..."sambit ko.
Nilingon ako ni Jael at saglit akong tinitigan na para bang pinag-iisipan ang sinabi ko.
Nang makarating kami sa Batangas, dumiretso kami sa mall. Napag-alaman kong maraming mga bodyguards ang sumusunod sa amin.
Habang papasok kami sa loob ng mall, namutla ang mga bodyguards at ilang mga empleyado doon habang nakatingin kay Mia.
Hinila niya lang ako sa mga mamahaling boutique. In-assist siya kaagad ng mga empleyado at napansin ko kaagad ang special treatment sa kaniya.
Binili niya ako ng mga damit at gamit ko sa pang araw-araw. Tumatanggi ako pero hindi siya pumapayag. Hayaan ko daw siya. Naiinis pa nga sa akin dahil pilit kong binabalik ang mga damit sa pwesto pero hinahampas niya lang ang braso ko at sa huli, siya ang nasusunod.
Nang makaalis kami sa mall, natanto kong apo siya ng may-ari ng mall na 'yon. Siguro 'yong Papang nila.
Sinunod ko ang gusto nila Jael na gawin. Kinuha nila ako ng kwarto. Gusto pa nga sanang sila na ang magbayad buwan buwan pero tumanggi ako. Magtatrabaho ako.
Sapat na ang tinulong nila. Sa tirahan, para makaalis sa Mindoro, sa mga gamit at pagkain ko habang wala pang trabaho. Sapat na 'yon.
Linggo rin na 'yon, inayos ko ang requirements ko. Crystal Guillermo ang ginamit kong pangalan. Ginamit ko ang apilyedo ni Mama no'ng dalaga pa siya.
Iyon na ang ginamit ko sa pagtatrabaho. Si Jael at Mia, kinakamusta ako palagi. Pinapapunta ako ni Mia sa clinic niya tuwing Sabado para sa therapy dahil sa traumas ko.
Si Jael naman, hindi kinakalimutan ang pag-iimbistiga tungkol sa nangyari sa akin.
Umabot ng isang buwan ang pag-iistay ko sa Batangas. Nagtrabaho ako bilang merchandiser sa mall doon. Nagsimula ulit ako sa business ko. Sa mga desserts. Ginawa kong online business. Ginamit ko ang natirang pera na binigay sa akin ni Inah bilang puhunan.
![](https://img.wattpad.com/cover/236113060-288-k16916.jpg)
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...