Chapter 26

11 1 0
                                    

Chapter 26

Love

"Ang ganda pala rito kapag gabi."sambit ko habang si Raze ay kakababa lang ng sasakyan.

Tinanaw ko ang mga bituing nagkalat sa itim na kalangitan. Ang ganda ng paligid. Lalo na ang liwanag ng buwan.

Ang liwanag ng buwan na tumatama sa ilog ang naging dahilan kung bakit ito kumikinang sa mga mata ko. Sobrang linis hindi kagaya sa Manila.

Wala akong narinig na tugon kay Raze. Tangkang lilingunin ko siya nang may pumalupot na maiinit na kamay sa aking tiyan. Nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw.

Ang mga kamay ko ay naiangat ko sa ere dahil sa pagkagulat. Bumaba ang tingin ko sa mga braso niyang nakayapos sa akin.

Naramdaman ko ang init ng katawan ni Raze sa likod ko at lalo lang akong nawala sa sarili. Nasa likod ko si Raze. Yakap niya ako galing sa likod.

Nakatanaw lang siya sa harapan namin habang ako'y nakababa pa rin ang tingin sa mga braso niya. Napalunok ako at dinama ang nakakabinging pag-aalburoto ng puso ko dahil sa kaniya.

"I will miss you."namamaos na sambit niya. Nagtayuan ang balahibo ko sa boses niyang malapit sa aking tainga.

Inangat ko ang tingin sa harapan. Hindi pa rin kumakalma ang sistema ko. Napapikit ako at hinawakan ang braso niyang nakapulupot sa akin. Pinagpahinga ko na doon ang kamay ko at sinandal nalang ang sarili sa kaniya.

Now, I realized that the most beautiful place is on his arms.

Naramdaman ko sa likod ko ang mumunting ingay sa dibdib niya. Lalo pa akong humilig sa kaniya para lang madama iyon lalo.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Fucking shit. We feel the same way. Ang lakas rin ng kalabog ng dibdib niya!

"You hear it too?"si Raze kaya inangat ko ang tingin sa kaniya. Agad kong pinagsisihan dahil ang lapit namin sa isa't-isa.

Ang mga mata niya'y malalim nang magtama ang mata namin. Even in the darkness, I can see those deep emotions in his eyes. Mga mata niyang punong puno ng kahulugan at maraming pinaparating.

I smiled a bit and nodded. I stared at him for long. Admiring the art.

I never know about the true definition of perfection until I saw him.

"Let's stay like this for a sec."he whispered and kissed my head.

Sheez. I don't know what to say. Basta sobrang saya ng puso ko. Sa sobrang saya, nakakatakot ang mga susunod na mangyayari.


Nakakatakot na pagtapos ng saya na 'to, bawiin din agad.

"Bundok ba 'yon?"tanong ko kay Raze at tinuro ang malayo.

He nodded. "Let's come there soon. I have a bad memory there. Let's change it into a beautiful one."

Takhang nilingon ko siya. "Bakit? Anong meron d'yan?"

He chuckled. "Highschool days. Muntik na akong mahulog sa bangin dahil sa pagba-bike d'yan."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Anong nangyari?"

"Napigilan ni Papa. Hinila niya agad ako no'ng nagdire-diretso 'yong bike. Nahulog 'yong bike. I'd surely dead by now if he didn't drag me out of the bike."

Oh my God. Near death experience. Ayaw ko nang pumunta kami d'yan!

"Ih. Wag na tayo pumunta d'yan. Bad luck na 'yang bundok na 'yan."sambit ko pa.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon