Chapter 42
Cessy? Cessa?
"Kamusta ka na?"nakangising tanong niya.
Nandito kami sa coffee shop malapit lang sa gym na pinag-enroll-an ko. Pumayag ako sa gusto niya. Besides, hinihintay ko na lang naman ang reply nila Peterson sa text kong manood na kami ng cine.
"Ayos lang."sagot ko. "Can we go straight to the point? I am not really good at faking myself."malamig na sambit ko.
Nalusaw ang ngisi sa kaniyang labi at napalunok. Huminga siya ng malalim at saglit na tinitigan ako.
Alam naman niya na hindi kami maayos. We're not in a good shape and we're not even friends. Ano ang dahilan niya at bakit niya ako gustong makausap?
"I-I... I heard what happened before." Umiwas siya ng tingin. "Sinabi ni Priscilla na... na kinausap ka ni Tita Kiera. I-I am sorry." Binalik niya ang tingin sa mata ko at nakita ko doon ang pagsisisi at sakit sa kaniya.
Nangunot ang noo ko. Bakit siya nagsosorry? May alam ba siya kung bakit ako kinausap ni Mrs. Ybañez?
Huminga siya ng malalim. "I-I did. Ako ang... ako ang nagbigay sa kaniya no'ng mga pictures mo with that business man. Ako rin ang nagsabi sa kaniya na kabit ka. I-I already told Raze about it but he didn't believe me... He trusts you so much." Namuo ang luha sa mata niya.
Natigilan ako sa sinabi niya at napaawang ang aking labi. Nakaramdam ako ng galit sa kaniya pero alam kong wala ng magagawa 'yon. Kung hindi niya sinabi 'yon, wala namang magbabago, time will come and that issue will still gonna boom. At sinabi niya kay Raze? Hindi pinaniwalaan ni Raze?
My mind isn't accepting her words. Imposible. Raze have other woman that time. At kung sasabihin sa kaniya ni Thea 'yon, malamang maniniwala siya. O baka wala siyang pakialam dahil may iba siyang focus? His girlfriend?
"T-Then... the moment he's in Manila, nandoon din ako."she said. "A-Ako 'yong nakausap mo sa phone, Crystal. I want you two to separate cuz I love him so much. I'm sorry..." Bumuhos ang luha sa mata niya.
Nanlaki ang mata ko sa mga narinig sa kaniya. Para akong nabingi at hindi tinatanggap ng utak ko ang mga salita niya. Naalala ko ang mga panahong iyon. Si Thea ay talagang malapit sa kaniya. Nakakasama niya sa Mindoro at sa Manila. Nakikita ko noon ang mga mapang-asar na tingin ni Thea sa tuwing magkasama sila ni Raze. Ang galit niya sa akin dahil may gusto raw ako kay Raze. Ang pag-amin niya at ang pagtanggi sa kaniya ni Raze.
Totoo ba 'tong naririnig ko?
Paano ang dalawang taon? Anong ginawa ni Raze? Anong inisip niyang dahilan? Naalala ko ang pag-iyak ni Raze sa phone. Lumipad siya agad agad papuntang Mindoro. Naalala ko ang pag-uusap namin sa ball. Ang pagkalito niya. Ang paghihintay niya ng dalawang taon para sa akin. Ang mga matatalim niyang tingin sa akin tuwing kasama ko si Jael.
Totoo ba ang sinasabi niya? Totoo ba 'to?
"I've seen him broke and miserable because of you at mas lalo lang akong nasaktan. I-I'm sorry, Crystal. I'm sorry if I am so selfish. Patawarin mo ako. Sorry sa lahat. Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo ng mga oras na 'yon. I-I'm sorry..."aniya habang patuloy ang pagbuhos ng luha sa mata niya.
Napaawang na lang ang labi ko at natulala sa kaniya. I am hearing her right. Tumulo ang luha sa mata ko.
What about Raze? Anong inisip niya no'n? Alam ba niya ang ginawa ni Thea? Tingin ko, hindi! Kung alam niya, e'di alam niya rin ang dahilan.
Gumuho ang mundo ko sa mga nalaman. Si Raze, patiently giving his full effort na tapusin ang lahat ng trabaho niya sa Maynila para madamayan ako. Coz he knows I'm in pain. Tapos nakipagbreak ako through phone call. Naalala ko ang mga sinabi niya. Sinabi niyang uuwi na siya. Na hintayin ko siya. Nagsosorry siya at sinasabing uuwi na siya no'ng gabi na 'yon.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...